Cathy POV Habang naglalakad kami ni Troy, hawak niya pa rin ang kamay ko. “Hindi mo pa rin sasabihin kung nasaan tayo?” tanong ko. Ngumiti siya. “Surprise nga.” Napairap ako. “Ang kulit mo talaga.” Pagpasok namin, parang biglang lumiwanag ang paligid. Amusement park. “Grabe…” sabi ko habang nakanganga. “Gusto mo?” tanong niya. “Gusto?!” sabi ko habang natatawa. “Sobra!” Napatawa siya habang pinapanood ako. “Halika.” Parang bata akong humila sa kanya papunta sa rides. “Troy! Ride tayo doon!” “Relax,” sabi niya habang natatawa. “Isa-isa lang.” Sumakay kami sa rides. Tumawa. Sumigaw. Kumain. Sa unang pagkakataon… parang wala akong iniisip. Walang problema. Walang judgment. Kami lang. At saya. Troy POV Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapanood si Cathy. Para

