"Are you sure pwede tayong pumunta doon? I mean, Gelo and Naomi's with us. Sikat na sikat sila ngayon at baka dumugin tayo kung walang entourage?" Humalakhak si Naomi habang isinusuot ang shades. She's wearing a plain dark blue spaghetti dress at nakapusod ang kaniyang buhok. Kung ako naman ang tatanungin ay hindi na siya mamumukhaan sa ayos niyang iyan. "Gelo can take care of it Carl Trey, wag ka masyadong kabahan." "Hindi ako kinakabahan, ayoko lang dumugin no! At kung madumog nga tayo, iiwanan ko talaga kayo doon!" Atsaka pa ito umirap na nagpatawa sa amin. "Okay kana Ayesha?" Bumaling kami kay Ayesha nang lumabas siya ng bathroom. Isang itim na A-line dress naman ang suot nito na may disenyong maliliit na butterflies. She smiled shyly kaya nilapitan siya ni Samantha. "You are st

