Nairaos namin ni Xian ang madugong final defense. Naapprove na for book binding ang thesis namin at may ilang papel nalang ang kailangan ipapirma sa panel at sa mga critic. Sinundan iyon ng one week long final examination kaya hindi ko alam kung paano akong naka-survive sa dalawang linggong puro thesis at final exams ang kaharap. "Gosh, I feel so drained!" Sumalampak ng upo si Cuttie sa tabi ni Dylan. "We need a break after this!" "I agree about that, we should plan a vacation guys!" Gusto kong sumang-ayon pero wala na talaga akong lakas para magsalita pa. Nakasandal lamang ako sa upuan ko at nakamasid sa mga kaibigan na nagsimula na nga sa pagpaplano upang magbakasyon. It's the first week of February, maagang matatapos ang academic year dahil minadali ito para sa nalalapit na event

