Maayos akong nakalipat sa condo unit ni Xian dalawang araw matapos niyang makausap si Fifth. Inabot ng dalawang araw dahil inuna namin ang paglilipat ng mga gamit ko kahit na hindi naman ganoon karami ang mga iyon. Hindi rin ako agad nakaalis sa bahay ng mga Altamirano dahil kay Faye. She really looked sad the whole day that she was helping me pack up. Kahit sabihin niyang naiintindihan niya ay nakikita ko pa ring nalulungkot siya. We spent my last night at their house watching movies together. Mamimiss ko siyang makitang bagong gising o di kaya naman ay puyat. Mamimiss ko rin ang pagiging problemado namin sa kakainin bawat araw kapag kami lang ang nasa bahay. I will probably be worried kung walang Earl sa buhay niya ngayon, pero dahil may boyfriend na siya ay panatag akong masasanay n

