Chapter 1

1168 Words
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. 5:00 am na ng umaga. Kinusot ko ang aking mata at bumangon. Mayroon akong klase sa tanghali. Maaga ako nagising dahil ngayon ang alis ni mama. Tinapik ko ang aking pisngi para magising. “Nakakatamad.” Sabi ko sa sarili. Nakapikit akong tumayo. Kinapa ko ang pantali sa lamesa para magpusod ng buhok. Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto. “Huwag kana mag luto. Sa terminal na ako kakain.” Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses sa gilid ko. Napa ayos naman ako ng tayo at humarap kay mama. “Kakatok na sana ako kaso bumukas ang pinto. Aalis na ako, kunin mo ang isang karton sa kwarto.” Malamig niyang sabi at naglakad na papunta sa hagdan. May soot siyang back pack at hila hila niya ang isang maleta.  Agad akong tumalima at pumasok sa kwarto niya. Nag iwas ako ng tingin sa mga picture frame na nakasabit sa dingding. Kinagat ko ang labi at mahinang napamura. Kaya ayaw kong pumasok sa kwarto ni mama e.  Kinuha ko ang karton sa kama ni mama at agad na lumabas. Medyo may kabigatan ang karton kung kaya’t bahagya akong nakaliyad. Sinigurado kong nakasarado ng maayos ang pinto bago sumunod sa baba. “Hindi ako sigurado kung kailan ang balik ko. Baka sa susunod na buwan o higit pa. Ikaw na ang bahala rito sa bahay at sa mga pumapasada.” Sabi niya habang may hinahalungkat sa kanyang bag. Tumigil siya at inilabas ang isang maliit na envelope. “Ibigay mo ito bukas kay Letty. Hihintayin niya iyan.” Inabot ko ito. Sinarado niya ang bag at tumayo. Nilapag ko muna ang envelope sa glass table at binuhat muli ang karton. “Aalis na ako.” Sabi ni mama at tumayo na. Sumunod naman ako kaagad sa kanya. Nasa labas na si kuya Bonie na pumapasada ng isa sa mga tricycle namin. Kinuha ni kuya ang maleta ni mama at nilagay sa likod. Kinuha naman sa akin ni mama ang karton at nilagay sa loob. Pumasok na rin siya kung kayat dinungaw ko nalang siya. “I-ingat po kayo mama.” Sabi ko habang tinitignan siya. Ang kanang mukha niya lang ang nakikita ko. Nakagat ko ang aking labi dahil sa ganda ni mama. Ngayon ko nalang ulit siya natitigan ng ganito. Hindi niya ako nilingon dahil inaayos niya ang mga gamit sa loob pero ayos lang sa akin. Natititigan ko naman siya ng ganito. “Ang mga binilin ko Solana. Huwag mong kakalimutan.” Sabi niya habang busy parin. Tumango lang ako at pinigilan ang sariling maiyak. Napaka ganda ni mama, noon hanggang ngayon. Sana nakikita niya iyon kahit na ang kaliwang mukha niya ay nasunog. Huminga ako ng malalim dahil sa nagbabadyang mga luha. Bumabalik na naman ang alaalang iyon. Agad akong yumuko ng lumingon si mama. “Siguraduhin mong laging naka lock ang pinto kapag aalis ka.” Tumangu-tango ako, hindi parin siya tinitignan. “Tara na kuya.” Sabi ni mama. Hindi parin ako nag angat ng tingin. Hinintay kong makalayo ang tricycle bago sila tinignan. Bumuhos ang luha ko. “Sorry.” Tanging nasabi ko at napaupo dahil sa paghagulgol. ------------ “Lana, mamaya ha. Bigay ko nalang sayo.” Nakangiting sabi sa akin ni Ash. Pilit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya at tumango.  Magpapagawa siya ng project sa Gen Math. Hindi ko matanggihan kasi malaki-laki ang perang inoffer niya. Nakapasok na ako ng school bago pa mag alas dose. Hindi ko kaya mag stay sa bahay dahil nalulungkot ako. Kahit na malupit sa akin si mama minsan ay ayaw ko parin na umalis siya. “Sasabay ka ba sakin mamaya? Pupunta ako sa bayan, magpapa print.” Sabi ng katabi kong si Angie habang kinakalabit ako.  Hinawi ko ang kamay niya at tumango nalang. Wala pa rin akong gana dahil sa pag alis ni mama. “Ano ka ba bebe Solana. Huwag ka nang malungkot. Punta na lang ako sa inyo mamaya.” Taas baba ang kilay niya habang malaki ang ngisi.  “Ayaw ko. Kakalinis ko lang ng bahay kanina.” Napasimangot siya at inirapan ako. Tumingin nalang ako sa mga kaklase kong busy sa kanilang mga ginagawa. “Ang oa nito. Hindi naman ako mag kakalat. Manonood lang tayo!” Sabi niya pagkatapos ay ngumuso. Umiling iling lang ako at tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa akin. “Sige naaa…..” Hindi pa rin niya ako tinantanan kahit na pumasok ang susunod naming teacher. Kapag hindi naka tingin ang guro ay pasimple niya akong kinakalabit ng kinakalabit. Muntik ko na siyang hampasin kung wala lang teacher sa harapan. “Oo na!” pinandilatan ko siya dahil sa inis. Impit na tili naman ang pinakawalan niya. Nang matapos ang klase ay nagmamadali siyang nagligpit. Ganun din ang ginawa ko. Hila hila niya ako pag labas namin ng room. 4:00 pm na, baka doon sa amin matulog si Angie. “Paprint muna tayo bago sainyo. Bili na rin tayo ng pagkain.” Masayang sabi niya. Halos tumalon talon na siya habang naglalakad dahil sa tuwa. Napa iling nalang ako. Kung hindi ko siya kaibigan baka iniwan ko na siya dahil sa kulit niya. Narating na namin ang malapit na computer shop at nagpa print na. Muntik pang makipag away si Angie dahil sa nakabanggaan niyang lalaki. “Ang kapal ng mukha! Akala naman pogi, ang asim naman!” Nanggigigil niyang sabi habang lumalabas kami ng pinto.  “Hayaan mo na.” Tanging sabi ko. Bumili na kami ng pagkain at umuwi na sa bahay. “Dito ka matutulog?” Tanong ko habang binubuksan ang pinto ng bahay. “Siguro. Ala singko na eh. Tawag nalang ako kay mommy.” Sagot niya at kinuha ang phone sa palda. Kinuha ko sa kamay niya ang plastic at hinayaan siyang kausapin si tita. Nilapag ko ito sa glass table at binuksan ang tv. Dito nalang daw kami manood. Madalas ay ganito ang ginagawa namin kapag may free time or mag isa ako dito sa bahay. Lagi siyang pumupunta dito at ako sa kanila. Kaya nga lang, pahirapan sa pagpapaalam kay mama. Natapos na si Angie at dumiretso na siya sa akin. Binigay ko ang remote at hinayaan siyang mamili ng papanoorin. “Nga pala, si ate Ravi uuwi na ng Pilipinas.” Natutuwang balita ni Angie. Agad akong napabaling sa kanya. “Totoo?” Gulat kong tanong. SI ate Ravi ay pinsan ni Angie. Napaka ganda noon at matalino. Gustong-gusto namin siya ni Angie. “Oo. Sa May. pina pupunta tayo. Birth month niya kasi iyon.” Mukha siyang uod na  binubudburan ng asin habang sinasabi iyon. May? So tatlong buwan pa pala. Nagkwentuhan pa kami bago tuluyang nanood. Paano ba naman kasi ay napaka daldal nito. Inabot kami ng madaling araw kakanood. Ayos lang naman dahil sabado bukas. Nagpasya na kaming umakyat at matulog dahil malapit ng sumikat ang araw. Pagkahiga palang namin sa kama ay nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD