“Hindi ka pa ba aakyat, Kristina?” tanong sa kaniya ni Pharsa. Napatingin naman siya sa wall clock at alas nuwebe na pala ng gabi. “Maya-maya po. Hihintayin ko po muna saglit si Iker. Baka kasi hidni pa siya nakakain,” saot niya rito. “Phew! Nag-aalala na, in love na yarn?” tukso sa kaniya ni Angela. “Psst, huwag ka nga,” reklamo niya. Natawa naman ang dalawa. “Sige na, mauuna na kami ha. Kung kailangan mo ng tulong huwag kang mahihiyang puntahan ang quarter namin,” bilin ni Pharsa. “Opo,” sagot niya. Humiga na lang siya s acouch at napatingin sa wall clock ulit. Malapit na mag-ten pm. Binuksan niya ang TV at nanood na lamang ng kung anong palabas hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog siya. Naalimpungatan siya nang maramdamang may nakatitig sa kaniya. Ibinuka niya ang kaniy

