Magkahawak kamay na pumasok si Kristina at Jiro sa bahay ng pamilya nito habang karga naman sa kabila si Kriel. Nakatayo naman sa pambungad pintuan ang ina at lolo ni Jiro. Nakangiti at kaagad silang pinapasok sa loob. Handa na ang dinner kaya kumain na rin sila. “Kumusta kayong dalawa?” tanong ni Martha. Nagtinginan naman si Kristina at Jiro saka ngumiti sa kaniya. “Okay lang po, Tita,” sagot ni Kristina. “How’s your flight mom?” tanong naman ni Jiro sa ina. “It’s so tiring, pero okay lang. At least nakita kita ulit,” sambit nito. “Kumusta naman ang relasyon niyong dalawa? Siguro naman pwede na nating dalhin sa next level?” nakangiting tanong ng lolo ni Jiro. Natigilan naman si Kristina at nahihiyang napahawak sa kaniyang buhok. Inabot ni Jiro ang kaniyang kamay sa ibabaw ng mesa a

