Niluwagan ni Iker ang suot niyang necktie at napahigpit ang hawak sa basong may lamang gin. “Boss,” tarantang sambit ni Leo. “Where’s that f*****g investigator? Dalhin mo rito ngayon na,” matigas niyang wika. “Opo,” sagot nito at nagmamadaling lumabas. Nakatingin lamang siya sa malayo at galit na ibinato ang baso. Inabot din ng oras bago dumating ang lalaking hinire niya noon. Kaagad na napatayo siya at nilapitan ito saka binati ng suntok. Natumba naman ito sa lakas ng tama. “B-Boss,” saad nito. Kinwelyuhan ito ni Iker. Ang mga mata nito ay naniningkit. “Why didn’t you tell me huh? Ba’t hindi ko alam na buntis siya? Ba’t hindi ko alam na may anak na siya? Tell me, anak ko ba siya? O anak nila ng gagong iyon? Ano?” singhal niya rito. He’s silently hoping na anak niya ang bata kanin

