Chapter 35

2088 Words

Kinabukasan ay maagang umalis si Kristina. Uuwi siya sa kanila. Paniguradong naghihintay sa kaniya roon si Jiro. Kilala niya ang binata. Gusto niyang klaruhin ang lahat. Pagdating nga niya sa kanila ay kaagad na tumayo ito sa kubo at nakangiting nilapitan siya. “Nasaan ang anak natin?” tanong nito habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Tiningnan naman niya ito. “Mag-usap tayo sa loob,” wika niya. Tumango naman ito. “Oh, Ate? Buti naman at umuwi ka na. Ayaw niyan umuwi. Hinihintay ka,” saad ni Sophia. Nilingon niya si Jiro na nakangiti lang sa kaniya. “May gusto ka bang inumin?” tanong niya rito. “Coffee will do,” sagot nito. Akmang pupunta siya ng kusina nang magpresinta na si Sophia. “Ako na ate,” anito. “Salamat,” aniya sa kapatid. Nilingon niya si Jiro na ngayon ay nakatitig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD