Hindi ko alam na totoo pala ang sobrang coincidence. Kasi pareho rin kami ni Snow sa lahat ng subjects at classroom. Kanina pa lang sa classroom ay pareho kaming tahimik. Halatang ‘yong ibang kaklase naming lalaki ay nagpapapansin sa 'min. Halos babae lahat ang classmates namin pero may mangilan-ngilan na lalaki rin. At sobrang nakakainit sila ng ulo. Yung sa Engrng. Dept. ay ganoon rin. Kahit saan kami mag punta ay nakasunod ang mga mata nila. Kaya sa last break namin ay papunta kami sa library ni Snow. Doon kami sa walang masiyadong tao para walang masiyadong stress. "Malayo ba dito ang Villanueva, Ivory?" "Medyo. Why?" "May apartment ba doon? Pwede akong mag board doon?" "Meron naman yata. Bakit? Hindi ka ba taga dito?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. "No. Lumayas ako sa 'mi

