Mika's
Agad akong napangiti nang magdilat ako ng mga mata. Seeing Gretch first thing in the morning is all I ever wanted and all I ever dreamt of. I love her and my situation wouldn't make my love for her falter even one bit. I traced her face, ang tagal na din mula nung huli akong magising at siya ang unang nakita ko.
I miss my life.
I miss my love.
Tumayo na ako at nagluto ng Omelette para sa aming dalawa, nagtext na din ako kay Rachel na mamayang gabi na ako sunduin para naman masulit-sulit ko yung lone time namin ni Gretch. After ko magluto ay bumalik na ako sa kwarto para naman gisingin na ang singkit kong girlfriend.
"Love,gising na. I cooked your favorite breakfast dish." sabi ko habang tinatapik siya nang mahina.
"Five more minutes." sabay talukbong niya ng unan sa kanyang mukha.
I sighed before smiling. "Napakahirap mo talagang gisingin kahit kailan." wika ko.
Kinuha ko ang paa niya para kilitiin. Agad agad naman niyang inihampas ang yakap yakap niyang unan sa akin kaya natawa na lang ako at hindi pa rin nagpaawat sa pagkiliti sa kanya. Nang malakas na talaga ang paghampas niya ay tumigil na ako at kinuha ang isang unan para ipang-sangga, ang brutal talaga ng girlfriend ko.
"Love, tama na, masakit na." wika ko habang tumatawa.
"Nakakainis ka naman e, sabi ko five minutes pa e." hinaing niya kaya naman hinawakan ko na ang kamay niya at tumayo.
"Magseselos na ako sa kama mo. Mas gusto mo pa atang kasama yan kaysa sa akin e." I pouted at gumaya naman siya.
"Oo naman." sagot niya at hinatak ako kaya naman nakadagan na ako ngayon sa kanya.
"Wow, sobrang honest." natatawa kong sambit.
"Let's stay like this for five minutes." request niya and who am I to say no, diba?
"Mabibigatan ka, umayos ka muna." sagot ko.
She roll me towards her side saka ko siya pinaunan sa braso ko. She hugged me close to her like I'm a warm pillow.
Isn't this one of the best thing in the world? Laying down beside the one you love, thinking of nothing else but just the two of you.
I wish life is as easy as ABC.
"Sobra kitang namiss." halos bulong na niyang sabi at sumiksik pa sa akin.
Marahan ko namang hinaplos ang buhok niya. "Wag ka ng malungkot kasi mas nalulungkot ako pag malungkot ka." humalik naman ako sa noo niya.
"Dito ka na lang please." napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.
"Kung pwede lang, I would. I'm doing this para kay lola. I mean, I'm not even trying and I know she'll be upset but maiintindihan din naman niya yun sooner or later na it's you that I want to spend my whole life with. Hinihintay ko na lang na dalawin niya ako at sasabihin ko yun." natatawa kong paliwanag sa kanya.
"Let's runaway." suhestyon niya.
"We can't always runaway sa mga problema natin, love. Running away isn't even a solution kaya hayaan mo na muna akong gumawa nang paraan dito. Consume your 5 minutes and we'll eat na." sambit ko at nagsimula na ring suklayin gamit ng kamay ko ang kanyang buhok.
After that short cuddle ay naupo na rin siya. I stood up and offered her my hand saka nagtungo sa dining to eat. We spend the rest of the day cuddling hanggang sa magtext si Rachel na malapit na siya. Ayaw na ako pakawalan ni Greta at para ng tarsier sa higpit nang pagkakayakap sa akin.
"Gretch, parang bata e." suway ko sa kanya.
"Dito ka na lang kasi." pagmamaktol niya. Nagpapadyak pa na akala mo 3 yrs old na bata na ayaw bigyan ng kendi.
"Magagalit si Dad, alam mo naman yun, gusto e siya ang nasusunod." sagot ko sa kanya kaya napabuntong hininga na lang ito.
I gave her the tightest hug I could give at sinabing babalik na lang ako. Hinatid naman niya ako hanggang sa sasakyan ni Rachel.
"Ingat ka sa pagdadrive ha." sabi niya kay Rachel.
"Ofcourse, I love my life." sagot ni Rachel at nginitian siya.
"Bye, love." I kissed her goodbye at sumakay na ng kotse ni Rachel.
Tahimik lang siya at mukhang ang saya din ng aura niya, well I don't want to ruin her mood kaya naman nanahimik lang ako.
*****
Rachel's
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong nagmano kay Lala, gayun din naman si Mika. Excited akong umuwi since nandito na nga si Sophie at hindi naman lumilipas ata ang ilang oras na hindi ko namimiss yun.
"Kamusta naman ang trabaho, hija?" tanong ni Lala kay Mika.
"Masaya naman po, La. You know, travelling while earning money is such a nice life." masaya niyang tugon dito.
"Kumain na kayo at naghain na sila." Sambit ni Lala.
"La, si Sophie po?" natigilan naman si Mika sa sinabi ko at napalingon halatang gulong-gulo. May nasabi ba akong mali?
"Sophie? Nandito jowa mo?" bulong niya at natawa naman ako, kailan ako nagkajowa?
"Mommy!"
Napatingin naman ako sa batang kakapasok lang at niyakap siya nang mahigpit. "Hi baby, what did you do today?" I asked Sophie, my daughter, at pinisil ang pisngi niya.
"Yaya and I washed the dishes. We also went sa park and play." masaya niyang sagot sa akin with her german accent.
"That's good." sagot ko at binuhat siya.
"A-anak mo?" mukhang gulat na gulat naman si Mika.
"Captain lollipop!" wika ni Sophie, so siya pala ang kinukwento ng anak ko kahapon.
"Hello, baby." inaya naman siya ni Mika na sa kanya magpabuhat kaya inabot naman siya ni Sophie at lumipat dito. Nabigla naman din ako dahil hindi lumalapit agad agad si Sophie sa tao kahit pa ba kilala niya ito. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya lumalapit kay Den.
"Ay siya, halika na at kumain na tayo." wika ni Lala at nagtungo na kami sa dining.
Si Mika na ang nagpakain sa anak ko, mukha namang magiliw siya sa mga bata kaya hinayaan ko na lang. Tuwang-tuwa nga ata ang damulag dahil halos tunawin niya na yung anak ko. Pinaliguan ko na din si Sophie after namin kumain.
"Mommy, why is captain lollipop here?" tanong niya habang sinusuklayan ko siya.
"She's staying here baby."
"Forever?"
"No baby, she'll leave soon." nagpout naman siya.
"Okay! I still have mommy anyways." saka siya yumakap sa akin.
Pinanggigilan ko naman ang pisngi niya at saka siya pinugpog ng halik kaya naman tawa siya nang tawa. Natigil naman kami nang may kumatok kaya sinabi kong bukas iyon, si Mika pala.
"Hi baby." sabay kaway niya kay Sophie.
Yumakap lang si Sophie sa akin. Sadly, I taught her not to get attached sa mga taong aalis din. Natatakot ako na masaktan siya kaya ko sinabi iyon. Yun na din ang dahilan kaya never ako pumasok sa isang relasyon. Kung ako lang naman kasi ay hindi ako matatakot sumubok, hindi ako natatakot masaktan dahil sino ba naman ang umibig na hindi nasaktan diba? But having Sophie makes everything harder, I don't want her to grew fond of people tapos aalis lang din naman.
"Are you sleepy?" tanong ni Mika nang makaupo siya sa kama kaya umiwas si Sophie at ipinaling naman ang ulo sa kabila. "Antok na ba siya?" tanong sa akin ni Mika.
"Siguro." maikli kong sagot at humiga na kami.
Well, since I'm a little protective sa anak ko, ako ang matutulog sa gitna. Sabi ni Mika sa sofa na lang siya na agad ko naman ding pinigilan dahil lagot kami kay Lala. Malaki naman ang kama at kasya naman kami kaya magtiis na lang siya na ako ang katabi niya. Wala akong gagawin sa kanya at never ko siyang pagsasamantalahan.
"Goodnight, mommy!" sabay halik sa akin ni Sophie at ngumiti.
"Goodnight, baby." saka ako humalik sa noo nito.
"One more!" wika niya at nagpout, so humalik ako sa labi niya.
"Goodnight, baby." silip ni Mika sa kanya, agad naman nagtago ang bata kaya natawa ako at nagbelat kay Mika.
"Goodnight, captain lollipop." mahinang sambit ni Sophie na malamang narinig naman din ni Mika dahil ngumiti ito abot hanggang tenga. Tumalikod naman na si Mika sa akin para matulog na.
"Goodnight din sayo, mommy." wika niya at narinig ko ang impit niyang tawa.
Ramdam ko ang biglang pamumula ng mukha ko.
Sira ulo.
*****