Rachel's "Maari bang malaman ko kung sino ang nagpapangiti sayo?" Tanong ni Ara kaya agad kong binitawan ang pagkakahawak sa pendant ng necklace ko. Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya dahil nakatulala nanaman ata ako sa hawak-hawak ko kanina. "Andyan ka na pala, si Den?" Tanong ko sa kanya nang makaupo siya. "Papunta na. Si Ria?" Tanong naman nito pabalik. I was dumbfounded sa tanong niya. "Hindi ko naman siya niyaya?" Sagot ko. Hindi ko naman alam na required? Pero required ba talaga? Napasapo na lamang siya sa kanyang noo at napailing, bakit? May mali ba akong nasabi? Hindi ko alam kung bakit kaya I gave her a questioning look dahil sa itsura niya na para bang tinatanong ako kung seryoso ba ako sa sinabi ko. "Paano magiging double date 'to kung hindi mo siya niyaya?" Na

