Rachel's Nakakapagod ang byahe dahil sa tagal nang nililipad namin. Hindi ko mapigilan ang hindi mapaisip, kung kami ngang mga nnakaupo lang ay napapagod, pano pa kaya si Mika na nagmamando nitong eroplano? Malamang sa malamang ay bahagya lang ang tulog nila ng co-pilot niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nila sa tuwing byahe nila, kargo nila ang buhay ng maraming tao. Sabi ni Mika ay may perks ang pagiging kapitan. Medyo nakakahiya dahil free ride lang kami ni Sophie. May pambayad naman kami but Mika insisted dahil meron naman talaga silang vouchers for free rides yearly. I guess maswerte kami at hindi pa sila nakakagala ni Gretch this year. Although Mika have these perks, hindi mo rin naman masasabing nalibot mo na ang mundo dahil hindi naman din sila nagstay ng matagal sa mg

