Pang-anim

1893 Words
 Isabella Point of View “Hoy! mayabang na lalaki! Trespassing ka teritoryo ko ito chupi!” pagtataboy ko tila hindi man lang s’ya na alarma .   "Trespassing? hindi naman sayo itong school so you don’t have a rights para angkinin ito," sabi pa nya tapos umupo sya sa duyan na inuupuan ko.   " Ako diyan , umalis ka ! , humanap ka ng pwesto mo wag dito , matagal na akong nandito .  "  sabi ko . . sa kanya . pero di nya ako pinasin .   "....."   "Hoy ano ba? Ang ganda-ganda ng mood ko dito sisirain mo lang? Abah at kanina ka pang umaga ahh, sumusobra ka na," hiyaw ko sa kanya na tila nairita naman sa kaingayan ko.   "Ganyan ka bang makipag usap sa amo mo?" tanong nya sa akin.   "What? Amo? Mahiya ka naman sa balat mo," sobrang yabang naman talaga netong lalaki na ito, nakakainis, kumukulo ang dugo ko sa kanya.   "Get me some foods nagugutom na ako," What ? inuutasan n’ya ba ako ?   "At bakit naman ako kukuha ng pagkain mo? Eh di ikaw ang kumuha may sarili ka namang paa at sariling kamay,nandun lang naman yung canteen hindi umaalis pwede ka doong kumain at hindi mo ako yaya para utos utusan," sinigaw ko talaga sa kanya iyan para marinig nya ng maigi at dahil sa ginagalit nya ako tama lang sa kanya yan . . hmm don't mess with me Mr. yabang.   "Bakit ako? Diba slave kita? So gawin mo na yung pinag uutos ko,"   sa sinabi nyang iyon nag pantig ang mga tenga ko so kapal ng mukha nya.   " Hoy, MISTER! hindi ho ako nag-aaral para lang maging slave ng katulad mong mayabang hindi porket pumayag si Ms. De Guzman eh papayag na ako. No way! Over my sexy body!" He chuckled . "Sexy? tingnan mo nga sarili mo? Go ahead and buy me some foods? or elese ako mismo ang magtatagal ng scholar mo? you don't know me, baby!" What did he say? he called me baby ? no fVcking no  . . . dinadaan nya ako sa mga matatamis na salita at endearment , waaah wag nya ko idamay sa mga maarteng babae na tulad ng ka flirt ny, kanina .   " are you going to buy ? or katapusan mo na dito sa NRMU? "  waaahhhh yung tono ng pag sasalita nya, talagang totohanin nya yun,no no . Oo tama kaya nyang palambutin ang puso ng dean omaygad!   "Tandaan mo ito , itago mo diyan sa kokoti mo , IM NOT YOUR SLAVE!" dinuro-duro ko pa sya at saka ako nag walk out.   “tss akala ba nya ibibili ko sya ? hell mag beg muna sya!" i whisper..   " akala ba nya susundin ko sya? " hmmmmmm     ++++ ****++++   Dinala ako ng paa ko dito sa canteen at may hawak na ako ngayon na mga pagkain.   " P2,45.63  lang po Ms."  Masama ang loob ko na ini-abot ang aking tinitipid nap era para sa buong lingo na iyon.   Pag bukas ng pinto ng elevator  sina Trish at Stacey kaagad yung bumugad sa akin . . patay ako neto .Interview nanaman ako .   "Uy! Saan ka pupnta ?Ang daming pagkain nyan ahh? Bibitayin ka na ba?"   kitams? dami kaagad ni Trish na tanong ni hindi ko pa nga nasasagot kahit isa sa mga tanong nya eh may kasunod na naman.   "Saka saan ka kakain? share mo naman ako nyan? abah first time ko yata ikaw makitang kumain ng ganyang karami? Akala ko ba tipid tipid ka gayon? nakangiti lang ako sa kanila, hihi hindi ko makuhang makasagot. " hindi ka na bumalik sa mga subjects natin ahh?saan ka galing? kamusta na iyong usapan n’yong dalawa ni Ms. De Guzman ? kinabahan ako sayo bigla ahh? " tanong naman ni Stacey teka naman pag salitain nyo naman ako ayts.     " Or baka ito na yung farewell mo sa amin at kaya ang dami mong binili? " tanong naman ni Trishia ulit.   " TEKA NGA PWEDE BANG PASAGUTIN NYO MUNA AKO SA MGA TANONG NYO? SA DAMI HINDI KO TULOY ALAM KUNG ANO ANG UUNAHIN KONG SAGUTIN,"   sabi ko sa kanila, Trishia naman tumigil sa pag kuha ng pagkaing hawak kasi pag kinukuha nya kinukuha ko uit, agawan lang hehe.   “Pwede ba yung mga tanong n’yo bukas ko na lang ako magpapaliwanag, nagmamadali kasi ako.   Umalis na ako sa tabi nila at dumiretso na sa elevator baka kung anu-ano pang chismis ang itanong ni Trish eh. No comment muna ako naks showbiz lang ang peg.   "Hoy Bella yung gamit mo oh? Baka gusto mong ikaw na ang magdala, kanina ko pa din hawak iyan, "  galing talga ng friend ko hindi man lang naawa sa akin hindi na nga ako ng magkandaugaga sa pag hawak ng mga pag kain na ito eh, isinama pa yung mga gamit ko.   " thank you ahh I appreciate your concern oh? Kitang-kita naman eh, "  I said sarcastically and smile bitter, sasagot pa sana si Trishia pero sumarado na yung pinto she rolled her eyes pa nga eh.    So ayun kahit hirap na hirap ako mag kandadala eh safe naman akong nakarating sa rooftop. Hihingal hingal nga lang kahit na nag elevator naman ako, but there is still a stairs na aakyatin para makapunta dito.   Nakita kong nakahiga si Mr. yabang at nakapikit sya relaxed na relax how cool kahit malayo ko pa lang sya nakikita he looks peaceful malayong malayo sa kanyang ugali  but I think there is something with this man I really don't know and i can't explain.   Inilapag ko sa may mini table yung mga pagkain, ako din gumawa nun nang madiskubre koi to ay may mga gamit na ewan ko kung tinatambak lamang o what kaya naman ianyos ko na lamang. Hindi din kasi ito puntahan ng mga estudyante. "Oh ayan na yung pagkain mo!"  sabi ko ng makitang nagmulat siya ng mata, nakita ko pang mag smirk siya, “ Bayad mo?” sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko.     "Why took you so long ? akala ko hindi ka na babalik , tatawagan ko na sana yung nag bigay sayo ng scholarship,"  okay na sana eh malumanay na yung sabi nya but he smirked.     "Well, sorry mister yabang kung ikaw kaya ang bumili at pumila sa canteenn eh di sana hindi nagtagal ang layo kaya ng pinuntahan ko," kainis na lalaking ito sya na nga itong binilhan mag rereklamo pa sya.   Iniabot niya sa’kin ang kanyang credit card.   “I only take cash not credit card,” sabi ko.   “I don’t have cash,” simpleng sagot niya.   So no choice ako kundi ang kuhanin ang kanyang credit card at saka naglakad palayo. "Where do you think your going ? "  tanong nya.   "Abah Mister yabang malamang sa pinto , alangan namang tumalon ako sa building na ito para lang makababa!” I said sarcatically while him? Ayun naka-poker face.   "Stay here,"   ahhh ayun naman pala ang gusto nya ehpero wait ? utos ba iyon o request ? teka-teka si mr . yabang mag rerequest ? no way!utos nya iyon for sure.   " At bakit ko naman gagawin yun?" tanong ko.     "Because i said so "   -  wow iba ka talga . . Hindi ko rin naman alam sa sarili ko, umaayon ako sa gusto ng lalaking ito . Oh! yeah maybe it's because of my scholarship . Alam kong kaya nyang ipatanggal iyon, eh kung si Dean nga walang nagawa sa gusto nyang deal eh so he can do it also to my scholarship at ayaw kong manyari iyon. Siguradong bubula ang bibig ng Nanay ko pag nagkataon.     " Okay, fine so enjoy your meal, nilagyan ko ng lason iyan!" huh kala nya, papatahimikin ko sya dito, never!     " You are my slave! And a slave is always in the side of your master"  what ? ? with the capital W?  ano bang pinagsasabi nya? don't tell me - - -  arghhhh okay na sana eh tanggap ko na , nawala yun ng sabihin nyang Slave ako . . . grrrhgggggg  talagang gusto nya akong inisin ah!  let's see     Ano bang trip ng lalaking ito? Wala ba itong magawa sa kanyang buhay? Talagang ako  pa ang kinukulit niya?   “Ano pang hinihintay mo? Kainin mo na ‘yan,” sabi ko sa kanya. “At huwag kang mag-alala dahil bukas ibabalik ko ang credit card mo,” sabi ko pero wala naman siyang sinabi.   “Ayaw ko ng kumain sa tagal mo nawala na ang gana ko,” kumulo ang dugo ko nang sabihin niya iyon. Matapos kong ibayad ang lahat ng pera ko na tinitipid at dalhin ang mga iyon kahit mahirap papunta ditto sa tuktok ng Nuestra tapos ngayon sasabihin niyang ayaw na niya?     “Hindi moa lam kung gaano ko kahirap dinala iyang pagkain na iyan dito ilang pawis ang nawala sa’kin mukha na nga akong haggard e dahil diyan tapos ngayon sasabihin mong ayaw mo nang kumain?” sabi ko sa kanya.   “Wala na nga akong ganang kainin e kung gusto mo ikaw na lang kumain niyan lahat,” nanlaki ang mata ko tingin ba niya mauubos ko ang lahat ng iyan? Tiningnan ko siya ng masama.   “Hindi porket mayaman ka pwede kang magwaldas ng ganyan lamang at saka iiwanan kung ayaw mo na, dapat pinapahalagahan mo ang pera!” sabi ko sa kanya at inilagay sa isang malaking plastic ang mga pagkain at saka ako lumabas. Tumawag pa siya pero hindi ko na pinansin pa naiinis ako nanghihinayang ako sa pagkain at sa pera tapos ganun lamang? Pumunta ako sa canteen at tinanong ko kung pwede ko i-refund ang perang pinambili ko nito pero hindi sila pumayag kahit na nag-makaawa ako talagang wala.   Nanlulumong lumabas ako ng university dala ang mga pagkain. Naghihintay ng jeep na masasakyan para makauwi pero nang tiningnan ko ang wallet ko ay wala ng laman iyon kahit piso. Mas lalo akong nanlumo kaya naman naglakad na lamang ako tiningnan ko ang oras at sa tingin ko ay hindi na ako makaka-abot sa shift ko sa trabaho kaya naman doon na lamang ako dumiretso.   Mabuti na lamang at may extra uniform ako sa locker ko.   “Uy! Bella ang dami mo naman dalang pagkain?” tanong sakin ni Shiela ang co-worker ko.   “Ah e dapat i-uuwi koi to kaya lang male-late ako sa trabaho kaya dinala ko na lamang dito,” paliwanag ko ngumiti ako bago ako umalis doon at pumunta sa cr para magpalit ng damit.   Walang gaanong costumer kaya naman nakakatamad oras na lamang ang iniintay ko para makapag out na ako dito sa conviniece store. Nakatungo ako at binabasa ang mga text nina Trishia at Stacey nang may pumasok sa story naka hood siya at pants. Dumiretso siya sa may ref at kumuha ng beer.   Paalis na siya at hindi pa nagbabayad.   “Sir! Bayad n’yo po sa beer?” tawag at tanong ko sa kanya.   To my surprise nang humarap siya ay nanlaki ang mata ko at ngumiti naman ito sa’kin at saka ini-abot ang bayad.   “Sorry I forgot, keep the change,” sabi niya at lumabas na habang ako ay nakatulala pa din kahit na wala na siya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD