Labing tatlo

2367 Words
Pagkababa ko ng jeep medyo malayo layo pa sa apartment ko eh kasi naman dadaan muna ako sa mini stop para bumili ng chichiriya si inay kasi ayaw akong bilhin nun. Naglakad na lamang ako papunta sa apartment ko hindi din  naman iyon kalayuan.   Habang nag lalakad na ako sa may apartment ko ay bigla akong nakadinig ng kaluskos medyo kinabahan ako doon syempre mahirap na baka nasa peligro na pala ako hindi naman imposible yun hello nasa Manila kaya ako .Huminto muna ako at pinakiramdaman kung saan naggagling yun o kung may sumusunod ba sa akin . Pagtingin ko sa likod ko wala naman gumilid ako at pinakiramdaman ulit medyo dim kasi yung ilaw galing sa poste at kulay dilaw pa.Pinakinggan ko ulit kong saan yun habang nag lalakad ako ay medyo lumalakas yung ingay na nadidinig ko parang may nag aaway.   "aaaahhh !! " rinig kong sigaw mula sa kung saan lumakad pa ako waahahha para akong magnanakaw neto kung lumakad pero hindi po dakilang chismosa lamang po ang peg ng diyosa niyo pagbigyan niyo na minsan lang eh .Tumitingin pa ako sa harap ko at sa likod ko mahirap na noh.   "nagkamali ka ng binangga bata " sabi noong isang lalaki .   "F-ck you " sagot naman noong lalaki abah exciting to.Dapat ba ganun na ang sagutan ngayon ? murahan agad agad .   "ahh sh!t  siguraduhin mo lang na hindi na ako makakaalis dito dahil once na makaalis ako pagbabayaran mo " sabi noong lalaki waaah tapang ahh.Siguro may pinag iinitan na naman ang mga sanggano dito sa lugar na ito , hayst di na talaga mawawala yun dito. Sumilip ako ng konti doon sa pinakakanto sinugurado kong hindi ako makakikita may basurahan naman dito kaya nakapag tago ako doon.   *bogsh*  napasinghap ako kasi nakita kong sinapak noong lalaki yung isang lalaki hawak noong dalawang lalaki yung isa tapos yung isang mukhang impakto yun ang sumusuntok sa lalaki meron pa din naman iba kasi lima silang nakapalibot doon sa lalaki . wawa naman oh !   "tinatakot mo ako ? huh ? "  *Bogsh * sinuntok ulit noong isa tapos sinipa pa aw saklap naman neto live action kala ko sa movie lang ako makakakita ng ganeto, tapos mamaya biglang lalakas si boy yung bang bigla na lang niya matatalo yung mga lalaki paawa effect muna sa una kunyari nabubugbog na then saka siya susunggab. Aish ano nba ito nasali ang movie hahah.   "let go of me and le'ts do one on one " sabi noong lalaki wow huh english spokining.   "wag mo nga akong iniengles ingles kung hindi mo kasi inagaw ang girlfriend netong kaiabigan ko  eh di sana wala ka dito " sabi noong lalaki aahh mang aagaw naman pala eh dapat lang sa kanya yun.   "Tsss kasalanan ko bang mas gwapo ako sa kaibigan nyo kaya naakit ko ang babae niya "   sagot naman ni boy wow aah nag buhat ng sariling bangko diba niya alam lima yung kaharap niya hayst. Tumayo na ako at gumilid ulit nangagawit na kasi ako eh .   "abah matapang ka ahh ! " * bogsh* *bogsh* pinagsusuntok noong lalaki yata yung lalaking mayabang di ko na nakita diba nagtago ulit ako sa pader buti na lang walang dumadaan.   Ano kayang pwede kong gawin para matigil ito syempre para naman mawala yung konsensya ko baka ako pa sisihin ng konsensya ko kung makikita kong patay na itong lalaki na ito jusme.Kailangan kong iligtas siya parang yung ginagawa ni Darna.Kung si Darna may bato ano kaya pwede sa akin ?   Tama kung mag ala darna na lang ako bubugugin ko silang lahat tapos bubuhatin ko yung lalaki at ililipat. Bigla ko naman nasampal yung ulo ko engot ko talaga eh wala naman akong darna costume.   Hmmmm kung catwoman na lang kaya para pa mysterious effect diba astig yung costume niya eh all black hahaha .   Aish hindi pwee hindi hindi teka kung  kunin ko kaya yung kwentas kong susi at gagayanin ko si Sakura favorite ko noong bata pa ako noon ako card captor sakura ,pwede din naman si sailor moon o kaya si Annie ang pulis pangkalawakan.   hayst bahala na nga kahit ano ang labas ko neto basta matulungan lang yung lalaki  na yun . Kinuha ko yung kahoy handle yata ito ng mop. Inhale exhale pa ang ginawa ko at kunyari matagal pa akong tumatakbo . Kinalampag ko yung basurahan .   TING ! TING! TING   "MAMANG PULIS DITO OH MAY BINUBUGBOG SILA ! "  nakita ko naman tumingin sa akin yung mga lalaki oh oh ! i'm in trouble  "  bBILISAN NYO MAMANG PULIS DALI BAKA MAKATAKAS SILA " narinig ko naman na parang may nagtatakbuhan sa ibang direksyon kasi ako nakatingin para kunyari may kinakausap  " ANG BAGAL NYO NAMAN HONG TUMAKBO BILISAN NYO NAMAN NG KONTI " reklam ko as if naman meron talaga sige na please umalis na ako .   TING ! TING! TING !  BOOM !   blag ! blag ! blag !   Yeah right  sound effect po yan ng plastik may nilagay kasi akong plastik duun yung supot ng pinaglagyan ko ng chichiriya then nilagyan ko ng malalaking bato doon sa may maliit na karton at  may nakusling alambre sa may basurahan . Kaya ko kinalampag yung basurahan para medyo mag shake siya at matamaan yung pinalobo kong plastick at malaglag yung mga bato para naman kunyari may mga naglalakad nga kasi gumulong yung mga malalaking bato.   Nakita ko  namang kumaripas na sila ng takbo.   " tara na  baka mahuli tayo ng mga parak "  narinig ko pang sigaw noong leader nila.   hahah oh ano kayo ngayon?eh di takbo kayo sino bang tanga mukha bang yabag yung mga bato wahahahaha.Nilapitan ko na yung lalaki na nakahiga kawawa naman siya .   " okay  ka lang ba ? "  tanong ko sa kanya hindi siya umimik .Nilapitan ko at tiningnan ko siya .   "huy ! ' tawag ko at niyugyog pa.   " Aish do i look like okay ? " aba siya na nga itong tinulungan ko eh . teka parang kilala ko yung boses niya ahh ?Tinaas ko yung ulo niya at hindi nga ako nag kamali oh my god anong ginagawa niya dito ?   " Don't touch me ! " sabi niya .   " pare niloko tayo noong babae walang parak ! " narinig kong sabi noong isa hala patay .   " Halika na dali baka abutan pa nila tayo " sabi ko sa kanya hindi pa din siya umiimik kaya naman pinatayo ko na siya at hinila hila .Takbo lakad ang ginawa namin jusme pagod na pagod na ako buti ba kung ako lang ang tatakbo at isa pa itinatago ko pa itong lalaki na ito kasi minsan malapit na yung mga sanggano kaya naman tumatago kami.Para akong may dalang bata ,batang damulag.   "ano ba pwede bang umayos ka naman kung kaya mo pa kahit konti na lang oh ? please lang napapagod na ako " reklamo ko sa kanya pero di siya sumagaot bumibigat siya lalo jusme patay na ba ito.Tiningnan ko siya hindi naman siya tulog.   " umayos ka may alam akong shortcut papunta sa apartment ko isang tao lang kasya kaya naman maglakad ka ng maayos siguradong hindi na nila tayo makikita . "  sabi ko sa kanya at naglakad na ako papunta doon iskinita shortcut ito minsan lang naman akong dumaan dito.bahala na siya kung hindi siya sususnod basta ako uuwi na , hasyt wala na yung mga chichiriya ko kainis.   Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin napa smirk naman ako susunod din pala eh arte arte pa nakakapanibago pa kasi hindi siya nag sasalita.Nang makita ko na yung partment ko ay pumasok na ako doon wala yung guard tss lagi naman ganeto eh kasunod ko pa din siya umakyat na ako gamit ang hagdan medyo mataas pa ang aakyatin ko kasi yung apartment kong kinuha ay yung pinaka taas bale nasa rooftop yun ako lang pwede dun ahaha.   Tiningnan ko yung lalaking kasunod ko wala pa din imik .   " is there any elevator ? " abah nag reklamo pa .   " wala pero kung ayaw mo ng umkyat eh di go lumabas ka na at maghanap ng taxi kaso bihira lang dumaan ang taxi dito " sabi ko sa kanya at nagpatuloy ng umakyat .   Nang marating na namin yung pinakadulo sa napangiti na ako oo nakakapagod din umakyat ng third floor gamit ang hagdan lamang pero breathless naman kasi pag nasa tuktok ka na kitang kita na kasi yung ibang city although maliit pa din ito ayos lang nakakapag isip ako ng maayos dito.   Binuksan ko na yung pintuan ng apartment ko at pumasok naramdaman ko namang wala na akong kasunod ibinaba ko lang yung shoulder bag ko at lumabas ulit hinanap ko siya.Nakita ko naman siyang nakatayo lamang at nakatingin sa kawalan o baka naman ninanamnam niya yung lugar . Tagusan kasi ang hangin dito walang ibang building na nakaharang .   "Pumasok ka na gagamutin ko yang sugat mo "  sabi ko sa kanya lumingon naman siya at pumasok nga abah wala man lang imik ahh.   Kumuha ako ng towel na basa at kumuha ng first aid kit .   " humarap ka dito sa akin "  sabi ko sa kanya at pinunansan na yung sugat bago ko lagyan ng gamot napapa aray naman siya .Kumuha na ako ng alcohol madami din kasi siyang sugat putok yung labi niya at may mga pasa pa maliban sa mga sugat .   " aray dahan dahan naman " reklamo niya .   "abah tiisin mo madami talagang sanggano nagkalat dito " sabi ko sa kanya habang ginagamot pa din siya .   " bakit mo ako niligtas ? " tanong niya .   " bakit hindi ka na lang magpasalamat ? hindi ko kakayanin na may makitang ganun na lang binubugbog " paliwanag ko .   " hindi mo ba alam na delikado yung ginawa mo ? "    sabi niya .   "concern? kung hindi mo kasi pinakielaman yung babae eh di sana wala kang sugat ?babaero ka kasi " pabulog lang yun.   "nasabi ko na ang dahilan " simplemng sagot ko .   " kasalanan ko bang mas gwapo ako boyfriend niya kaya lumapit sa akin yung babae "  sabi niya diniin ko tuloy yung paglilinis ko sa sugat niya .   " aww ! " reklamo niya hinawakan naman niya yung wrist ko para maalis sa sugat niya medyo malakas lang yung kaya medyo nadala yung katawan ko jusme ang akward ng pusisyon namin nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin lang din siya sa akin .Maya maya ay unti unti ng lumalapit yung mukha niya sa akin na para bang hahalikan niya ako .   "B-blake " nag sstram yung boses ko kinakabahan kasi ako kung naong gagawin niya medyo malakas yung pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ako makaalis.Pipikit na sana ako bahala na lang.   "pagluto mo ako nagugutom na ako " bulong niya sa akin at binitawan na niya yung kamay ko.Natulala naman ako bigla hindi kaagad ako nakakilos.   " hoy wala ka sa bahay nyo yun ang banyo pwede kang mag hilamos dun then you can leave "   sabi ko sa kanya naupo naman ako sa sofa.   " you are my slave right ? so you need to obey your master cook for me " sabi niya at tumayo na siya pumunta sa banyo .   Napabuga na lang ako sa hangin ano ba ito bakit ko nga ba naisipan na dalhin siya dito sa apartment ko.AYY kainis talaga . Wala na akong nagawa kundi tumayo at ihanda yung niloto ni inay at saka yung kanin hindi pa nga pala ako kumakain kaya biglang tumunog ng tiyan ko.   Kumakain na ako ng may lumabas ng banyo  at nanlaki ang mata ko sa nakta nyemas barabas bakit may greek god dito ? susme ang abs.Tanging tuwalya lamang ang suot niya sa ibaba.OO tuwalya tuwalya ko yun.   " Hoy laway mo tumutulo na " sigaw niya doon lang ako natauhan na at bigla akong nag iwas di ko akalain na nakatulala na pala ako. shemay namumula yata ang mukha ko .Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin maliit lang kasi yung lamesa ko at dalawa lang ang upuan at sakto pa na nasatabi ko nakapwesto jusko patawarin niyo ko baka magahasa ko ito.   " b-bakit ka ba nakaganyan ? " tanong ko pero hindi ako tumitingin sa kanya .   " wala akong damit " yun lang ang nasabi niya tumayo naman ako at kinuha siya ng plato at kutsyara para makakain na siya. Hindi naman ako mapakali feeling ko hindi ako nabubusog dito sa kinakain ko.Nagulat na lamang ako ng lumapit siya sa akin malapit na malapit parang yung kanina lang hindi naman ako kumukurap.   "wala ng ulam magluto ka pa " sabi niya sa akin bakit ba niya ginagawa ito sa akin ? pwede naman sigurong hindi siya lumapit at sabihin niyang wala ng ulam. WHAT ?   "ANO? naubos mo yung ulam ? " jusme isang manok lang yung nakain ko siya halos isang kilong manok ? anong klaseng tiyan meron ka siya ?   " masarap eh it reminds me someone yung luto niya same as you " sabi niya kumunot naman ang noo ko.   " hay jusko wala na akong iluluto sayo at saka hindi ko mapapantayan yang luto na yan ano pang ibibigay ko kina Stacey at Trish inubos mo na? " sabi ko sa kanya .   " why ? did you buy it only? "  tanong niya .   "no" simpleng sagot ko " luto yan dito sa bahay " habol ko pa.   " so it means you can cook it again make it faster nagugutom pa ako "  sabi niya sa akin abah nandito siya sa bahay ko   " HOY mister nandito ka sa bahay ko kaya wag mo akong inuutusan " sabi ko sa kanya .   " but still you are my slave " sabi niya argh talagang pinapainit ang ulo ko netong lalaking ito ahh .   "argh hindi ako nagluto niyan kung gusto mo habulin mo doon sa probinsya " sabi ko sa kanya sabay walk out.   Nakakainis yung lalaking iyon narinig ko namang tumatawa siya aba talaga bang iniinis niya ako ? huh ? masya ba sya doon ?   to be continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD