Pang-apat

2836 Words
Bella POINT OF VIEW   "Wow six pa lang ng maaga nakagayak na ako !  "   nakangiti   sabi sa aking sarili . . . eh sino ba namang hindi matutuwa nauna pa ako sa alarm clock ko nagising. Effect lang siguro ito ng ngyari kahapon .  . yes tama yun nga iyon .   Buo na ang pasya ko . Gagawin ko na ang sinabi ni Stacey kahapon para hindi mawala ang scholarship ko dahil pag nawala iyon tiyak hahabulin ako ng tambo ni inay kahit pa yata umabot kami sa hulo gagawin ni inay iyon. At iyon ang ayaw kong mangyari. Saka tama nasa Top ako ng class ano na lang sasabihin nila. Na ang isang diyosa at nasa top ng NRMU student ay na drop out errr kahiya iyon sayang lang ang ganda ko. at pundar sa pag aaral .   Another thing is kung bakit maaga akong nakapag ayos dahil hindi ako makatulog . bakit ?   FLASBACK . . ..   Eight na ng gabi ako nakauwi sa amin dahil ginawa ko pa iyong pinagagawa sa akin ni Ms. De Guzman , tapos may inutos pa yung isang profesor doon na tulungan ko daw siya na mag ligpit ng mga gamit sa drama club hayst pagod talaga ang mag hapon ko .   kaya pag dating ko sa higaan napa higa agad ako . Napapikit .   Isabella !  hahahahahahaha( Yung tawa nya nakakatakot hindi sya ordinaryong tawa lamang ) tama ganyan nga ang gawin mo .   Tama na po . . .hindi ko na kaya . . .   dapat mong gawin yan para sa scholarship mo . .   nanlalamig ang buo kong katawan at nanginginig na ako , tumutulo na ang pawis ko sa noo ko kumakalat sa buong mukha ko . . . madilim na lugar ,.   merong may hawak ng pampukpok . .   lalapit na sya sa akin para ihampas sa katawan ko   waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!   napaigtad ako at napatayo sa kama hihinga hinga pa ako . Abah nakakapagod rin palang managinip . Sa totoo lang sobrang nakakatakot at nakakapakod . infairness   Diba parang hazing yun? waaahhh ayaw ko na ayaw ko na.   End of Flashback . . .   SEE? ‘yun ang dahilan kung bakit hindi ko na naitry na ipikit ulit ang mga mata ko ayaw ko ng managinip ng ganun nakakatakot e. Kaya naman gumayak na lamang ako para pumasok.   So well I am now heading the school entrance, wishing na sana puro good ang mangyari sa akin unlike yesterday parang I’m living in hell ang nangyari sobrang kainis na iyon ahh. So far so good na karating naman ako ng matiwasay sa room namin , no hastle.   Wala pang gaanong tao dito sa room kaya naman naupo muna ako dito at isinalpak ang earphone ko sa tenga , syempre earphone nga eh eh di para sa tenga . tsk tsk . .   I open my phone and listening to the music. now playing : Go on Girl ni neyo . . .   Kayaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!   Napatunghay ako sa pag kakaubob ko sa desk. Nakatulog pala ako . Kahit may earphone sa tainga ko sa lakas ng boses nya talagang magigising pa rin ako, may sunog ba ? heller! Sino ba naman devilish  na nag ingay at  nanira sa pagtulog ko, pag pihit ko nakita ko si Trishia humahangos papasok sa room sa likod nito ay si Stacey .   "Wow girl ang aga natin ahh ? Don't tell me dito ka na natulog simula pa kagabi?"   sunod-sunod natanong ni Trishia .   "Trish ang aga-aga  lakas lng boses mo nakalunok ka ba ng mega phone?!" tanong k okay Trishia at sinulayapan ko si Stacey na nakatingin lang sa akin at nakangiti.   “Good morning, Bella!” nakangiting bati niya sakin kaya naman ngumiti din ako sa kanya.   “Grabe ka Bella, talaga bang may sapak na ulo mo? Dito ka natulog? Baka gusto mo dalhin kita sa clinic o kaya patingnan ka na namin sa doctor ng mga siraulo?” napaikot ko ang bola nang aking mata sa mga sinabi ni Trish.   “Hindi ko alam Trish kung ako ba ang baliw dito o ikaw? Hindi ako dito natulog alam mo naman na takot ako sa mumu at may guard na romoronda dito e di pinatalsik ako nun?” sabi ko sa kanya.   " Eh di himala at maaga kang pumasok ! " sabi ni Stacey.   “Ang pangit lamang ng panaginip ko kaya maaga akong pumasok at saka gusto kong namnamin ang natitira kong oras dito sa university,” paliwanag ko.   " So, napag isipan mo na ba ang gagawin mo?"  tanong nya sa akin. Tanging tango lamang ang naisagot ko sa kanya . Kanina pa buo ang desicion ko .   " Teka tama na nga muna iyan, alam mo Cey wala naman na tayo magagawa kay Bella. Ito na lang mag chicka ako alam n’yo bang may new student tayo ngayon? Kung may two hunks dito sa university madadagdagan pa at isa pang news fourth year din ito at Business ad din ang course,"  masayang pagbabalita ni Trishia.   Ano daw?   *_*   “Waahh talaga ? Papalicious ba iyan? Sigurado ka bang gwapo? katulad ba sya ni Kristoff? kasing gwapo ba nya ? "tanong ko.   "Well , yeah sabi nila actually hindi ko pa nakikita sila lang ang may sabinandito nga daw iyon kahapon eh. At ang sabi ay inaway pa daw ito ng babae,"  sabi pa ni Trishia .   "Kapal naman ng face nung girl at inaway si new transfer hunk siguro nagpapacute yun baka isa sa mga chikita girls yun? Alam n’yo na masyadong mga flirt iyong mga iyon "dugtong pa nya .     "Ikaw naman di mo pa nga nakikita yung lalaki na iyon malay mo hindi naman sya pang heartthrob baka nagparetoke lamang? Alam mo na ngayon uso na iyon diba?” sabi ko.   She smirked at me  "Well mayaman sya malaki ang binigay ng family nya dito sa skul ang alam ko galing syang America at mukha naman siyang hindi retokado base sa nakita kongpicture niyang naka sideview "   paliwanag ni Trish sabay pakita sakin ng picture na pinagkakaguluhan ng mga babae.   "Yeah, thats true" out of nowhere nagsalita si Stacey from my side .   " Whoah nakita mo na sya CEy ? " tanong ko sa kanya.    "Yes!" one word na nakapag pantig sa tenga namin ni Trisha .   " Teka Cey , alam mong kahapon ko pa hina-hunt yung taong iyon di mo man lang sinabi sakin? Unfair ka!" haha nakakatawa si Trish kala mo importante yun sa kanya sabagay boys yun eh diyan mahilig si Trish pero wala siyang official boyfriend trip lang nyang mag hunt then after nun hahayaan nyang habulin sya at ligawan haha how b***h she is right?   " Tamah! "  huh bakit iyon ang nasagot ko ? mali yata . napatingin sila sa akin . .   "Why?" tanong ko.   Stacey exhale parang ang daming gustong sabihin nito sa amin? saka nag iba na sya pabago bago na ang mood nya ngayon hmmmm something fishy.   "pati rin ako nagulat"  then she smile sweetly to us . .   hanoh daw ? nagulat saan ? alam nyo yun ?  nakakagulat ang sinabi nya sa amin .  kaya tuloy kami ni Trish ganeto ang fez - nakakakunot ang kilay namin dalawa .   " te - teka ----- "   hihirit pa sana si Trish ng sasabihin pero naputol iyon ng pumasok si Ms. Single este si Ms . De Guzman .   Natahimik lahat ng mga classmate ko noong pumasok sya hehe terror kaya sya at ngayong nakita ko na naman siya ay naalala ko na naman ang ginagawa niya sakin kahapon pinaalis na naman niya ako ng opisina lalo na nung dumating ang lalaking unggoy na iyon. Hindi kaya kalaguyo n’ya? Oh my god Sugar Mommy pala si Miss Single!   " Ms. Santiago come to my office now ! "   napamulat ako ng mata nang tawagin ni Ms . Single yung pangalan ko , I know those words are order , oh my gulay katapusan na ng mundo ko. Si Ms. Single at ako mag kakaharap na naman, isusuga ko muna ang dila ko .baka lumala pa.   " Understand  Ms. Santiago ? "   madiin ang pag kakasabi nya noon at alam kong iba na talaga ang timpla nya ngayon .  Tumunghay ako at tuminginsa kanya .   " Yes i understand Ms. SINGLE " aw ang bibig ko.   "What ?"  oh oh here we go again , sabi ng itali muna ang dilang iyan eh ang mga mata ni Ms. Single nag-aapoy tama ba itong nakikita ko?   " Ah I mean yes Ms. De Guzman!" nginitian ko pa sya , shocks nakakahiya. Nakita ko mga kaklase ko na tumatawa including Trishia pinandillatan ko tuloy sya ng mata but syempre except Stacey nakatingin lang sya sa’kin. Matagal ng nakaalis si Ms. De Guzman at naka idle lang ako.   " Oy bella sundan mo na si Ms. De Guzman!"  sabi ni Trish sa akin . Pag tunghay ko nakatingin pa rin si Stacey. Tumango lamang ako, Inhale, exhale  and smile.   " Yes, Bye Girls see you around!"  sabi ko pa sa kanila then nag lakad papalabas may poise pa ako hahaha. . .   Malapit na ako sa office ni MS . Single lingon-lingon pa ako hmm walang tao  busy sila ngayon dahil may mga klase so naglakad ako syempre ng pang universe , paki nila eh pangarap ko nga iyon dati pa.   sa gitna ng paglalakad ko may parang slippery akong na apakan dahilan ng pag out of balance ko . . waaah masisisra poise ko shockings . .At iyon na nga nafe-feel ko na babagsak ako pumikit na lang ako . . .. waaahh inay inay tulong .. .!   To my shock hindi ako bumagsak bagkus may naramdaman akong mga brasong nakapulupot sa katawan ko Oh My Gulay! Who is my shining armor?   When I open my eyes I see an angel na bumaba sa langit, he is smiling at me nakakatunaw para akong nakalutang sa ere , can I stay here for a while ? or till the earth broken, Mother superior  talaga ngang may himala sabi ni ate Gay! Yung blondie nyang buhok bumagay sa kanya this is really not happening kung nananaginip man po ako pwede po bang huwag n’yo na lang akong gisingin?   "Hey stupid girl!"  teka tinawag akong stupid ng anghel na ito ? kay sarap pakinggan.   "Tss! Ganyan ba talaga kayong mga babae natutulala sa kagwapuhan ko? " yeahhhhhhh  totoong gwapo ka angelito0super gwapo ka-kunin mo nalamang ako pwede ?   Poink !   * hawak sa noo ko *   " Para kang engot d’yan nadulas ka na nakakangiti ka pa?"  he is smirking at me.   " Ang sakit nun ah? bakit mo ako pinalo sa noo? "  tiningnan ko kung sino iyon ? pumalo sa noo ko . . Te-teka kilala ko sya ahh ?  s’ya bakulaw na pangit na nakilala ko bakit nandito na naman siya sa harap ko?   "Teka ?Ikaw? Hanggang ngayon ba naman sinusundan mo ako? Umamin ka nga stalker kita noh? may gusto ka sa akin no? " tanong ko sa kanya aba't ang anghel na sinasabi ko ay mapag panggap lang na anghel dahil isa siyang demonyito nagkulay siya ng buhok kaya naman hindi ko siya nakilala kaagad.   "Ikaw na nga itong tinulungan ko tapos ikaw pa may ganang magalit? kung hindi ka kasi engot mag lakad di ka sana madudulas,"  tumatawa pa sya habang nag sasalita abah maangas.   *redchick *  nakita ba nya yung paglalakad ko ? Shocks eh diba wala namang tao kanina dito?   " Tse ! eh di sana hindi mo na lang ako tinulungan!" sabi ko kala nya  papatalo ako, no way sa yabang na iyan wala na yang gwapong dating nya failed na sya agad .   "Hindi naman kita sinsalo, sakto lang na nasa likod mo ako noong madulas ka, so you give me a big trouble"  aba at nag maang-maangan pa ang loko eh halata namang niyakap nya ako.   "Tsee! dyan ka na!  WAG NA WAG KANG SUSUNOD ! kung hindi tatadyakan na talaga kita diyan"   after I said those words nag lakad na ulit ako papuntang office ni Ms. De Guzman. Kumatok muna ako bago pumasok.   "Seat down Ms. Santiago" at umupo naman ako kaagad ng sabihin niya iyon.   Aaminin ko kinakabahan talaga ako di ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Ito na hahatulan na ako ano sa tingin nyo? This is the end na ba? or can I survive the test?   Smile-smile pampatanggal ng stress, Whew  ang tagal namang magsalita ni Ms. Single nawala na yata ang dila tinitingnan nya lamang ako.   “About what we are talking yesterday before you became crazy,” hala ito na nga ba ang sinasabi ko itutuloy na niya pero sige sasali na ako. Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking nakita ko kanina.   “Ikaw? Sinusundan mo talaga ako noh?” sabi ko sa kanya.   " Mr. Fortalejo I’m glad that you came here also"  tanong ni Ms. De Guzman  sa lalaking umupo sa may tapat ko he smirked nang makitang nakatingin ako sa kanya.   " Ms. Santiago "  tawag ni Ms. Single sa akin kaya naman nalipat ang tingin ko sa kanya .kainis nadidistract ako sa lalaking ito . . . lord patawad . . kahit gwapo ito eh gusto ko syang batukan kung makatingin kasi kala mo may ginawa akong masama.   “Ms. Santiago this is Blake Fortalejo he is the new student here in our campus,” S’ya pala ang sinasabi ni Trishia na transferee. “Hindi ko na tatanggalin ang scholarship mo dahil you are a good student and running for c*m laude,” nakahinga ako ng maigi dahil sa sinabi ni Miss De Guzman.   “Talaga po? Maraming salamat po, promise po hindi na po ako mala-late.   “And as punishment for being late I would like you to join in the club in your record you don’t have a club so better choose and join,”Ayun naman pala kaso kasi ang gastos kasi ng may mga club na iyan at saka may trabaho pa ako kaya talagang hindi ko na kakayanin.     " I'ts an extra curicullar lalo pa at nasa top ka ng class , and i hope di ka na malalate pa ? or else i will give you another punishment? "   sabi pa ulit ni Ms. De Guzman . .     “Okay po hahanap po ako mamaya ng hindi mahigpit ang schedule kasi po may work po ako alam n’yo naman po na working student ako,” sabi ko.   " Nothing to worry Ms. Santiago and another thing is Mr. Fortalejo is a new student ilalagay ko sya sa section mo and I want you to be with him and take him a tour here in our School. Alam mo naman na nag start na tayo ang he need  you para makapag adopt s’ya kaagad sa klase,”napalunok ako sa gustong mangyari ni Ms. De Guzman.   “Ahm wala po bang ibang student na pwede?” tanong ko.   “Are you complaining Ms. De Guzman?” tanong n’ya.   “No, Ma’am what I mean is pipili pa ako ng club tapos may kailangan din akong pag-aralan tapos may work I don’t know kung kakayanin ko pa po,” paliwanag ko.   Then goodbye to your scholarship,” nanlaki ang mata ko dahil sa pagsingit sa usapan namin ni Ms. De Guzman itong lalaki na ito.   “What? You can’t do that! Isa pa studyante ka din dito!” sabi ko.   “Yes, I can right Ms. De Guzman,” sabi niya at ngumiti pa ng nakakaloko.  Si Ms. De Guzman ay hindi naman kaagad nakasalita.   “Yes, sundin mo na lang at two weeks lang naman para malaman ni Mr. Fortalejo ang mga pasikot-sikot dito sa loob ng university.    IMPOSIBLE! Paano niya napapayag si Dean ng ganun? Gaano ba kalakas ang kapit ng lalaking ito? Ay teka may naalala ako siya ang lalaking tumawa kahapon bago ako mapaalis ulit ng Dean. Siya nag kalaguyo ni Ms. De Guzman kaya siguro malakas siya dito.   “Two weeks? No I want her to be my alalay as long as I want to,” sabi ng lalaking pangit na ito.   “Ang sabi tour guide hindi alalay,” paglilinaw ko.   “Iyon ang gusto ko and that’s final!” aba! pinapakita niyang mas malakas siya kaysa sakin.   " Mr. Fortalejo you can’t do that Ms. Santiago is the student here and not a slave,” paliwanag ni Ms. De Guzman.   “Iyon ang gusto ko wala ka nang magagawa pa kahit ikaw Ms. De Guzman?” Sabi niya at tumayo at diretsong lumabas ng pintuan.   Ano??? Ako magiging alalay niya? Sa ganda kong ito? Napa-face palm na lamang ako para sa scholarship kakayanin ko ba?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD