Wala akong tigil sa pag-iyak habang nagbabyahe kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil wala rin namang sinasabi si Rodrigo. Nakasiksik lang ako sa gilid ng kotse. Sinubukan ko nga iyong bukas ngunit naka-lock iyon. Napigtad ako noong biglang ipinatong ni Rodrigo ang kamay niya sa kaliwang hita ko. Agad ko iyong tinanggal at mas sumiksik pa sa gilid. “A-Ano'ng ginagawa mo? Ano ba ang kailangan?!” nahihintakutan kong tanong. Tumingin sa akin si Rodrigo. Nangilabot ako agad noong makita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Bumaba ang kaniyang mga tingin sa katawan ko kaya lalo akong nakaramdam ng pagkailang. Lalo akong napaiyak. Wala pa man siyang sinasabi ngunit parang alam ko na kung ano ang balak niyang gawin. Napakalamig ng mga titig niya na lalong nagpapanginig ng l

