Tulala akong nakahiga sa kama at hindi pa rin makakilos mula noong umalis si Rod sa kwarto namin. Kanina pa siya umalis pero para akong na estatwa sa pwesto ko. Napaka sakit ng katawan ko na hanggang sa ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang sampal niya. Parang may nakadagan sa buong katawan ko sa sobrang sakit niyon. “Diyos ko! Jane!” Napatingin ako sa may pinto noong marinig ko si Lana. Nakabukas na iyon at nakita kong may ilan ding mga nakasilip doon. Agad na tumakbo sa akin si Lana at kinuha ang kumot niya saka itinabing sa akin. Niyakap ako nang mahigpit ni Lana. “Diyos ko! Ano’ng ginawa niya sa ‘yo? Napaka hayop niya! Ang sama-sama niyang tao!” umiiyak na sabi ni Lana. Napaluha na rin ako at sinubsob ang mukha sa dibdib niya. “A-Ayaw ko na, Lana. Gusto ko nang mawala…” “Hindi

