Dahan-dahang iminulat ni David ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanyang tingin ang mukha ni Maxwell na katabi niya ngayon sa tabi ng kama at yakap-yakap siya. Hindi alintana na hubad pa rin ang kanilang mga katawan na natatakpan lamang ng puting kumot ang pang-ibaba. Napangiti si David. Hindi niya maikakaila na kasing ganda ng umaga ang kanyang pakiramdam. “Hindi ko na matandaan kung kailan ako gumising ng katulad ng ganito. Masaya at payapa,” pabulong na sambit ni David. Tinitigan ni David ang mukha ni Maxwell. Ang amo talaga ng mukha nito lalo na kapag nakapikit ang mga mata at mahimbing ang tulog. Dahan-dahang itinaas ni David ang kanyang kanang kamay, inilapit niya iyon papunta sa mukha ni Maxwell. Mabagal na hinaplos ang noo nito pababa sa makapal na kilay, nadampian rin ng ka

