“Good Morning Ma’am,” masayang pagbati ni David sa customer na dumaan sa harapan niya. Ngingiti rin siya na susuklian naman ng ngiti ng customer. Paulit-ulit na ginagawa iyon ni David sa tuwing may customer na magagawi sa pwesto niya. Kapag tumitingin naman ito ay talaga namang binubuhos niya ang kanyang effort para ma-introduce ng mabuti ang product na ibinebenta niya na nagreresulta ng pagbili ng mga ito. Hindi maikakaila na sa ilang araw pa lamang niya dito sa shop ay isa na siya sa masasabing pinakamagaling sa larangan ng pagbebenta. Naungusan na nga niya ang ibang kasamahan niya na mas matagal na sa kanya rito kaya naman hindi maiiwasang mainggit at sumama ang loob sa kanya. Ramdam iyon ni David pero hindi na lamang niya binibigyang pansin pa. Alam naman niya sa kanyang sarili na w

