Sa loob ng kwarto... Nakahiga sa kama si David. Nakabalot hanggang sa dibdib nito ang kumot. Nakatayo naman sa gilid ng kama si Bertrant. Bahagyang yumuko si Bertrant, inilapit niya ang likod ng kanyang kanang kamay saka sinalat nito ang noo ni David. Hindi normal ang temperatura nito. Humugot siya ng malalim na hininga. Umayos sa pagtayo si Bertrant. Tiningnan ang kasama na katulong na nakatayo naman sa hindi kalayuan. “Kayo na muna ang bahala sa kanya. I-tsek niyo siya oras-oras kung bumaba na ang lagnat niya,” kalmadong utos ni Bertrant. “Okay sir,” sagot ng katulong. “Siguraduhin niyong aalagaan niyo siyang mabuti hanggang sa gumaling siya,” paalala pa ni Bertrant sa mga katulong. “Yes sir,” muling sagot ng katulong. Muling tiningnan ni Bertrant si David. Ayaw niya sanang umali
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


