PROLOGUE

241 Words
Si David, nasa kanya na ang lahat. Kagwapuhan, kayamanan, maliban lang ang kalayaan. “Wala akong ginagawang masama! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko lalaki ang sinasabi mo! Please naman pagkatiwalaan mo ako!” “Hindi mo ako pwedeng ikulong dito habang buhay! Hindi mo ako pwedeng gawing hayop na dapat mong ikulong kung gugustuhin mo!” “Halos lahat ng otoridad nalapitan ko na ngunit kahit isa sa kanila, hindi ako nailigtas sa masalimuot na kalagayan ko.” “Minsan, iniisip ko kung mamatay na lang kaya ako? Baka sakaling sa kabilang buhay, makamit ko na ‘yung kalayaan na gusto kong makamtan.” “Masama bang maging selfish ang pagpapahalaga at pagmamahal ko para sayo? Masama bang mahalin kita ng sobra at ariin ka? Mahal na mahal kita David at hindi ko hahayaang mawala ka ng ganun-ganun na lang! Gagawin ko ang lahat manatili ka lang sa akin.” “P-Please, pakawalan mo na ako parang awa mo na! Gu-Gusto kong makahinga!” “Hangga’t taglay ko ang mukhang ito ay kailanman ay hindi na ako mabubuhay ng naaayon sa gusto ko.” “Hindi ka pa patay David! Hindi mo magagawang magpakamatay! Daviiiddd!!!” “Please, tulungan mo ako. Tulungan mo akong makatakas at mabago ang buhay ko.” Kapag nakakasakal na ang pagmamahal, kakapit ka pa ba? o tuluyan ka ng bibitaw? Ito ang nakakakilabot na istorya ng sobrang pagmamahal na aabot sa obsesyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD