Magkaharap na nakaupo sa magkabilang side ng mesa sila David at Maxwell. Nakatingin lamang si David kay Maxwell na abala namang kinakain ang pancit canton na kanyang iniluto. Tumigil naman si Maxwell sa pagkain at tiningnan si David. Kanina niya pa nararamdam na nakatingin ito sa kanya. “Bakit hindi ka pa kumakain?” nagtatakang tanong ni Maxwell. Sumilay ang ngiti sa labi ni David. “Hinihintay ko kasi ang sasabihin mo tungkol sa luto ko. Ano? Masarap ba?” tanong nito. Abot-tenga ang naging ngiti ni Maxwell. “The best!” natutuwang sagot nito saka nag-thumbs up pa. “Natuto ka na talaga sa akin, ah.” “Hindi nga? Masarap ba talaga?” tanong ni David. Para kasing binibiro lang siya ni Maxwell. “Tikman mo kasi,” nangingiting wika ni Maxwell. Napangiti pa itong ulit saka nagpatuloy sa pagk

