Chapter 8

2485 Words
"Liana, Tito, wait for me po!" Sigaw ko habang kinakawayan sila at patuloy sa pagtakbo. Ramdam ko ang hapdi sa gilid ng labi ko ngunit hindi ko iyon inalintana dahil kailangan kong tawagin ang kaibigan. "Hala, Liana!" Sigaw kong mas lalo ko pang nilakasan nang makitang pasakay na sila sa tricycle ni Tito. Huminto ako sandali at pinanood ang pagsakay ni Papa sa isang tricycle. Kinawayan ko siya nang magsimula ng umandar ang sasakyan at lumayo bago ako nagpatuloy sa paghabol kina Liana. "Tito!" Sigaw ko. Nanlaki ang mga mata ko nang umandar na rin ang tricycle nila palayo. Shocks, ibinigay ko ang buong lakas ko para lang mahabol sila habang isinisigaw pa rin ang pangalan ni Liana. Mabilis ang patakbo ni Tito sa tricycle kaya nang lumiko sila sa kanto, huminto na ako. Hindi ko lubos akalain na tatakbuhin ko ang ganoon kalayo para lang mahabol sila. Nilingon ko ang tricycle na bumusina. "Hinahabol mo sina Garcia?" Tumango ako dahil hindi makapagsalita sa sobrang hingal. "Bakit?" Bakit ba tanong ka ng tanong kuya? Hirap na nga akong huminga at magsalita. Nilunok ko ang laway ko at nagbuga ng malalim na hininga bago siya sinagot. "Pupunta ako sa bahay nila..." putol-putol na usal ko. "Ahh, pupunta ka sa kanila? Kaklase mo siya 'yung bunso nila?" Tumango ako. "Alam mo ba ang bahay nila?" Tumango lang ulit ako. Ikinagulat ko ang pagtango niya at inakala ko talaga ay isasakay niya ako ngunit pinaandar lang niya ang tricycle niya palayo! What the? Ang salbahe naman nung mamang 'yun! Ang dami-daming tinanong tapos ganoon lang ang gagawin niya? Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit mabagal lang dahil hirap pa rin akong huminga. Nakipagsuntukan na nga, puno pa ng pasa ang mukha tapos ngayon heto ako naglalakad mag-isa, hingal na hingal? Parang gusto ko na lang umuwi, ah? Nilingon ko ang pinanggalingan ko at nag-iisip kung sasakay na ba ako ng tricycle para umuwi na lang o magpapatuloy sa paglalakad. Kaso, nasa tapat na ako ng convenience store at konting kembot na lang ay makakarating na ako kina Liana kaya naman mas pinili ko na lang ang magpatuloy. Halos ibagsak ko ang sarili ko nang makarating na sa tapat ng gate nina Liana. Sa halip na mag tawag na ay mas pinilu ko na muna ang maupo sa gilid ng halaman nila. Pakiramdam ko ay nag alay lakad ako ng wala sa oras. "Uy, Kuya, ayos ka lang?" Nilapitan ako ng isang batang babae na may kulot na buhok. Nginitian ko siya at tinanguan. "Bakit puro ka pasa? Basagulero ka 'no?" Tingin ko ay mas bata pa ito kay Kelly. Hindi ko sigurado pero masyado pa siyang bata para malaman ang salitang 'basagulero'. "Ang sabi ni Kuya, masama raw makipagsuntukan. Siguro masama ka kaya ka nakikipagsuntukan?" "Hindi ako masama." Inirapan ko siya. Hiling ko na sana lumayo na siya dahil baka hindi ako makapagpigil ganitong pagod na pagod ako tapos ganiyan pa pinagsasasabi niya sa akin. Pumapatol pa naman ako sa bata lalo na kung 'yung bata eh nakakapikon gaya nitong nasa harapan ko. "Kulot, inaaway mo ba ang pulubi?" Ay sh*ta. Masamang tingin ang ipinukol ko sa lalaking tumawag sa bata. Naglalakad siya palapit sa amin at nakauniporme. Kilala ko ang uniporme niya. Ito ang uniporme ng isa sa nga pribadong paaralan dito sa amin. Base sa itsura ng lalaki, mukhang mayaman ito. Maputi at matangkad. Gwapo sana kaso ligwak naman sa ugali. "Pasensya ka na, ha? Makulot talaga itong kapatid ko. Oh, ito barya, pambili mo ng pagkain at gamot..." kinuha ko ang inaabot niyang bente pesos. Seryoso siya? Hinatak niya palayo ang bata at nakita kong pumasok sila sa bahay na katapat lamang ng bahay nina Liana. Tinitigan ko ang bente bago mabilis na ibinulsa iyon. At least kahit papaano, naka-bemte ako, huh? Tumayo ako at pinagpagan ang puwitan ko para masigurong walang maiwan na dumi roon bago nilapitan ang gate nina Liana. Saktong kakatok na sana ako ay siya namang pagbukas ng gate, iniluluwa si Liana. Nanlaki ang mga mata niya at nagpalinga-linga sa paligid. "Hay nako, Liana. Pinagod ninyo ako ni Tito!" Singhal ko sa gulat na kaibigan. "Kanina ka pa? Hindi namin alam na sasama ka..." nilingon ko ang dala niyang mangkok na may munggo. "Pasok ka muna roon at ihahatid ko lang 'to kina Paolo..." Tumango ako pero hindi ko siya sinunod. Bakit ba? Matigas ulo ko, eh. Pinanood ko siyang lumipat ng kalsada at dumiretso roon sa bahay na pinasukan nang magkapatid kanina. "Pao? Kulot?" Sigaw niya. Ilang beses pa niyang inulit ang pagtawag bago lumabas ang lalaki kanina. Napalingon siya sa akin ngunit inirapan ko. Ikaw ba naman pagkamalang pulubi? Sa ganda kong ito, sasabihin lang nilang pulubi ako? "Pinapabigay ni Mama..." kinuha niya ang inabot na mangkok ni Liana at muling pumasok sa loob. Nilingon ako ni Liana sandali bago muling hinarap ang lalaki na agad ding nakabalik. "Pakisabi salamat." Baritonong boses nang lalaki ang namutawi sa tainga ko. Pakiramdam ko hinehele ako. Hindi ko mapigilang hindi mapapikit at mapahaplos sa pisngi ko habang inaalala ang tinig niyang gumigising sa natutulog kong puso. Para akong inililipad sa ulap ng boses niya maging ng tawa niyang namumutawi sa kapaligiran... "'yung pulubi, ngayon ko lang nakita rito, ah?" at agad ding ibinagsak sa lupa ng mga salitang ibinigkas ng boses niya. Walang hiya. Hanggang ngayon pulubi pa rin ba ang tingin niya sa akin? Pinukulan ko siya ng masamang tingin bago masungit na inirapat at tinalikuran. "Kaibigan ko iyon..." ani Liana. Huminto ako at nilingon ulit sila. Akala ko ba maghahatid lang ng ulam pero bakit nagchi-chikahan na? "Ah, kaibigan mo 'yung pulubi?" "Ay hindi! Hindi siya pulubi..." nagtama ang tingin namin nung lalaki ngunit inirapan ko ulit siya at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay nina Liana. Simangot kong tinignan ang ate niya na napatalon sa biglaan kong pagpasok. Halos matapon pa ang hawak nitong tupperware na puno ng popcorn kaya yumuko ako at humingi ng dispensa. Badtrip ako pero 'di ibig sabihin na mawawalan na ako ng respeto... lalo na sa pagkaing muntikan ng matapon. "Anong nangyari sa mukha mo?" Naupo ako sa sahig, katabi ni Ate Kristine pagkatapos kong magmano sa mama at papa ni Liana. Halos kapapasok lang ni Liana at nasa akin agad ang tingin niya. Maghahatid lang daw saglit ng ulam pero nakipagchikahan pa. Pag sinabing hatid at mabilis lang, dapat hatid at mabilis lang wala ng chika-chika. "Nagamot na ba iyan? Sandali kuhanin ko first aid kit." Pinanood ko ang pag-alis ng ate niya. "Kulang ka pa sa practice ng tamang pagsuntok, Ronald." Tumatawang usal ng papa niya habang nakatayo sa hamba ng pintuan. "Turuan kita gusto mo? Para sa susunod na awayin kayo, mas marami na ang pasang maibibigay mo sa kalaban." "Pa! Napagalitan na nga po yata iyan sa Papa niya tapos tuturuan niyo pa?" Ani Liana. Umusog ako nang maupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng tinapay. Nagpasalamat ako nang maglapag ng juice ang mama niya sa harapan namin. "Mabuti pala pinayagan kang magpunta rito?" Nagkibit balikat ako. "Good mood si Papa." Bumalik si ate Kristine dala nga ang sinasabi niyang first aid. Sinabi kong nagamot na ito kanina ngunit pinilit pa rin niyang gamutin ulit para raw sigurado kaya hinayaan ko na. Hindi gaya ng sinabi ni Liana na mag-aaral kami ang nangyari bagkus ay nanood lang kami ng movie kasama ang buong pamilya niya. Tuwang-tuwa pa ako dahil sa katangahan ng bida. "Gayahin mo iyan, Ronald!" Ani Liana habang itinuturo ang lalaking bida na nagbihis babae para sa isang party. "Napapanood kitang rumampa sa school tuwing break time kaya tingin ko ay kaya mo iyan!" "Tao po?" Sabay-sabay kaming napalingon sa isang babae na sumilip mula sa pintuan. Si Aling Carol na naman. Makikikain na naman siguro gaya ko? "Oh, Carol. Pasok ka..." Tumayo ang Mama ni Liana at pinagbuksan ng pintuan si Aling Carol. "Oh, kaibigan pala nitong anak mo si Ronald?" Aniya nang magtama ang tingin namin. Nagpunta sila sa kusina ng Mama ni Liana habang nagpapatuloy naman kami sa panonood. Hindi ko alam kung gaano katagal ang movie pero hindi namin iyon natapos. Nagkasawaan na at paikot-ikot lang naman ang kwento kaya nang tumayo si Ate Kristine ay tumayo na rin ako. "Wala naman tayong assignment, hindi ba?" Tumango si Liana. "Laro muna tayo." Sabay kaming lumabas ngunit bumalik ulit siya sa loob pero hinayaan ko na. Bitbit ko ang robot na dinala ko rito noong nakaraang punta ko para may malaro si Liana. Pumwesto ako sa hardin nila na tanaw ang gate. May mga batang naglalaro pero boring naman ang laro nila. Kung masaya siguro, baka kakapalan ko na ang mukha ko at makikisali kaso, ayoko ng nilalaro nilang piko. Minsan ko lang nilalaro iyon tuwing nasa school lang at walang ibang malaro. "Ito, oh." Naupo si Liana sa tabi ko at inihagis ang tatlong barbie pati ang iba't ibang klase ng damit at laruang make-up. "Seryoso ka talaga na barbie ang lalaruin mo?" Tinitigan ni Liana kung paano ko ayusin ang buhok ng barbie na ibinigay niya. "Matagal na nang mapunta sa akin iyan pero ngayon lang nalaro." "Ehh? Sayang ito kung hindi lalaruin. Ang ganda pa naman..." Tinaasan niya ako ng kilay habang kunwaring pinapalipad 'yung laruang robot na dala ko. "Ibig mo bang sabihin, kapag maganda kailangan paglaruan?" Sabagay. "Pero syempre, sa totoong laruan lang pwede 'yung ganoon. Hindi pwede sa totoong tao. 'Yung kunwari, ako, maganda tapos paglalaruan lang? Hindi pwede iyon, 'no." She just laughed and started focusing on the robot. Natahimik kami at nagkanya-kanya ng laro. Napatingala ako nang lumapit si Ate Lea, isa sa mga kapatid ni Liana at nag-abot siya ng doll house na nasa kahon pa. "Buksan mo na at ikaw na ang gumamit. Regalo iyan kay Liana noong kaarawan niya pero hindi naman niya gusto..." Nagpasalamat ako at nagsimula na sa pagbubukas ng kahon. Halatang bago pa ang doll house at hindi nagalaw dahil naka-tape pa rin ang kahon. "Kailan ba ang kaarawan mo at bakit hanggang ngayon, balot na balot pa rin ito?" Inihagis ko sa gilid ko ang kahon. "Ilang buwan na rin ang nakakaraan. Ayoko nga kasi ng barbie kaya hindi ko iyan ginalaw." Nagkibit balikat na lang ako at nag-focus na lang din sa paglalaro. Binihisan ko ang tatlong barbie at nilagyan ng make-up saka isa-isang ipinuwesto sa doll house. Kung tutuusin, boring nga ang maglaro ng ganito ngunit dahil gusto ko ang pag-aayos lalo na ng damit at sa buhok, natutuwa ako at mas gugustuhin kong maglaro ng ganito maghapon kaysa mag-aral ng math. "Alam mo ba na pangarap ko na maging isang designer balang araw?" Usal ko nang hindi nililingon ang kasama. Wala akong natanggap na sagot kaya naman nilingon ko siya ngunit doon ko napagtanto na wala na pala akong kasamang naglalaro. Luminga ako sa paligid, hinahanap si Liana. Halos mapairap ako nang makitang nandoon siya sa may gate, kausap iyong lalaki kanina. Magkatabi sila at parehong nakaharap sa mga batang naglalaro sa daan. Hawak ni Liana ang robot ngunit hindi na niya iyon nilalaro dahil abala siya sa pakikipag-usap doon sa lalaki. Umirapa ko at naglaro na lang. Siya itong nagyaya sa akin dito tapos iiwanan niya ako at hahayaang maglaro mag-isa? Sana pala, hindi na lang niya ako tinanong kanina kung sasama ako rito kung aabalahin lang naman pala niya ang sarili niya sa pakikipag-usap doon sa gwapo nilang kapitbahay. Gwapo nga, mang-aagaw naman ng kalaro. "Salamat sa pagkain, Mare." Sinulyapan ko si Aling Carol na kalalabas lang sa bahay kasunod si Tita. Hinihimas-himas pa niya ang tiyan niya, indikasyon na busog na busog siya. "Wala iyon..." nagtama ang tingin namin ni Tita kaya kahit wala na ako sa mood, pinilit ko pa ring nguniti. "Nasaan si Liana?" Itinuro ko si Liana na nakikipagtawanan pa rin doon sa kapitbahay nila. "Ah, kasama na naman si Paolo." Ibinaling ko ang tingin ko kay Aling Carol na nakatitig sa akin. Halos kabababa lang niya sa cellphone niya ngunit hindi ko na siya pinansin. Hindi naman kami close niyan at medyo naiinis ako sa kaniya dahil sa mga chismis na ipinapakalat niya. "Uy, hindi ka ba nangangawit diyan?" Inilingan ko si Liana na nakabalik na pala. Tumabi siya sa akin at pinanood ang ginagawa kong paglalakad kunwari sa barbie patawid sa isa sa mga kwarto ng doll house. "Gusto mo talaga ang barbie? Wala naman silang ibang ginagawa kundi magbihis at mag-ayos hindi gaya sa robots na pwedeng lumipad at makipaglaban." Walang nagtanong, Liana. Sinulyapan niya ako ngunit pinilit ko siyang ignorahin. Bakit pa siya bumalik dito. Dapat ay doon na lang siya sa kapitbahay nilang gwapo at makipagtawanan siya maghapon. Okay lang ako dito kahit walang kausap. "Ayos ka lang?" Hindi. Naiinis ako sa iyon. Doon ka na lang sa kapitbahay mo. "Gutom ka na ba? At saka, mag a-ala sais na, hindi ka ba hahanapin?" Umiling lang ako. Nilingon ko ang kalsada at nakitang nakikipaglaro na ang lalaking gwapo sa ibang bata. Kahit halatang pawisan, iba pa rin ang itsura niya sa mga kalaro. Siya ang pinakamalinis at mabangong tignan samantalang ang mga kasama ay halatang amoy araw na. Ganoon din ako tuwing naglalaro sa daan, nagmunukhang dugyot kaya mas pinipili ko ang mga larong hindi ganaong magalaw maliban sa pagrampa. "Matagal mo ng kaibigan 'yung lalaking iyon?" Ininguso ko ang lalaki na sakto namang simulyap dito. "Sino? Si Paolo?" Paolo. Ilang beses ko ng narinig ang pangalan niya pero hirap ako sa pagtanda. "Simula yata noong bagong panganak kami, kasama ko na iyan." Ano kayo, kambal? Hindi ako umimik ngunit tumango naman para ipahiwatig na nakikinig ako. "Miminsan ko lang iyan makalaro dahil kasama niya palagi ang mga kaklase niyang mayayaman. Ayoko sa mga iyon dahil mayayabang ngunit naiiba naman si Paolo. Hindi ko nga alam bakit niya nakasundo ang mga iyon gayong salungat naman ang gusto at ugali nila ngunti simula noong nakasama kita, pakiramdam ko, naintindihan ko bigla kung bakit." Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo. "Bakit?" "Basta. Nalaman ko na ang pagkakaibigan pala ay walang pinipili. Magkatulad man kayo ng gusto o hindi, kung pipiliin ninyong maging magkaibigan at pagkatiwalaan ang isa't isa, magkakasundo kayo. Parang tayo, pinili nating maging magkaibigan kaya tayo nandito ngayon." Nagkibit balikat na lang ako at itinigil ang paglalaro ng barbie para panoorin sa pagtakbo si Paolo. Malamya siya tumakbo ngunit sa paraan ng paggalaw niya, masasabi kong madalas siyang maglaro sa kalsada gaya ng ibang bata. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang nadapa. Tinawanan siya ng mga kalaro niya ngunit ang lalongikinagulat ko ay ang paglingon niya dito kaya nagtama ang tingin namin. Mabilis siyang tumayo nang hindi inaalis ang tingin sa akin at ngumiti. Inismiran ko lang siya. Hindi kami close at mahal ang ngiti ko kaya huwag siyang umasa na ngingitian ko siya pabalik? Gwapo siya pero hindi sapat iyon para ngitian ko siya. Asa siya, 'no. Mang-aagaw ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD