His kisses were hot and aggressive. Tumitigil lamang kami sa tuwing kailangan naming maghabol ng hininga ngunit agad din naman niyang itinutuloy ang halikan. I put my arms around his nape at mas pinalalim pa ang halik. I can hear his soft groan as we walk towards ny bed.
I still can't believe na sa sobrang hirap ng pinagdaanan ko noon, makakarating ako sa ganitong estado ng buhay ko. Halos sumuko na ako noon at nag-iisip na wakasan na lang ang lahat but now, I already proved that He has a better plan for me than the plan I have for myself.
I am happy that I never let my problems eat me that time and never let myself be drowned in the dark.
His kisses went down my neck as he caressed my tummy. My moan is the only sound that I can hear and his touches sent shivers down my spine. It's like some sort of electricity that's waking up some of my senses that I never knew existed. His every touch are making me go wild and lose myself.
If someone asks me if everything I fought for before are worth it then I will answer yes, wholeheartedly. I never regretted anything, kahit ang pagtitiis ko sa mga masasakit na salita at pakikitungong nakuha ko mula sa pamilya ko at sa ibang tao. I endured everything and I think, that's the main reason why I am here right now. If I gave up that time, I don't think I am still alive up to this time.
"I love you..." he whispered as he guide me to sit on the edge of the bed.
"I love you, too. So muxh." I lifted my hands as he pulls my shirt up. I did the same to him and we both aggressively continued our wild kisses.
Our kisses continues. Ang gabing kanina'y napakalamig ay naging sobrang init ngayon habang sabay naming hinahabol ang hininga namin. It was an amazing experience and I will treasure everything.
I caressed his face, from his forehead down to his soft, red lips. Napansin ko pa ang maliit na sugat sa gilid ng labi niya. "Ganoon ba katindi ang mga halik ko?" Bulong ko sa sarili habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang labi.
His lips formed into a small smile. "Yeah, masakit pero masarap..." Unti-unting niyang iminulat ang mga mata niyang sa akin agad ang tingin. "Good morning, love." Napapikit ako nang higpitan niya ang pagkakayakap sa akin kasabay ng isang halik sa noo.
We are both covered with my blanket and stayed like that for a while. Kung wala lang siguro akong pasok ay baka nga maghapon pa kaming walang ibang gagawin kundi ang magyakapan at maglantungan sa kwarto.
Inihatid niya ako sa opisinang pinagtatrabahuan ko at nagbilin na susunduin din niya ako mamayang alas kwarto-- I mean, alas kwatro dahil wala naman siyang trabaho ngayon. All smile pa ako habang naglalakad papasok at binabati pa ang bawat taong nakakasalubong ko sa sobrang ganda ng mood ko.
"Ang bakla, nadiligan na naman!" Sigaw ni Katrin na sinalubong ako ng isang mapang-asar na ngisi habang sumisimsim sa kapeng hawak niya.
"Ang babae, lanta na dahil walang nagdidilig!" Kinindatan ko pa siya bago maarteng nilagpasan. Pagkaupo pa lang ay agad ko ng inayos ang mga gamit at laptop ko para masimulan na ang trabaho.
"Claire, ready na ba ang presentation mamaya?" Sinulyapan ko si Justine na mukhang kadarating lang ngunit ito agad ang itinatanong sa kasamahan namin. "Morning, Ron. How's the night?" Nakasimangot ko lang siyang inilingan.
"Ayos na, Justine. Ready na ang lahat at hinihintay na lang na mag start ang meeting."
I double-checked the designs I made this past few weeks. Halos ibuhos ko na ang dugo at pawis ko sa paggawa nito kaya kailangan ay maayos at masiguro kong magugustuhan agad ni Mr. Blair, ang client naming matanda na.
He wanted a condo design na ang tema ay nature. Madali lang para sa akin dahil isa iyon sa mga gustong-gusto kong dinedesenyo. Ang lively tignan at unang tingin mo palang, alam mo nang hindi ka mauubusan ng hangin sa sobrang dami ng puno at halaman na nakapaligid sa iyo.
Little did I know na ang matandang client namin ay hindi lang pala basta matanda. Bastos na matanda pa. Hindi pa man nagsiismula ang presentation ay ipinatigil na niya agad the moment his eyes met mine. Hindi ko alam kung anong problema ng matandang 'to sa akin at ganiyan na lang kasama ang tingin.
"I thought this company doesn't accept gays as an employee?" Mapanlait at nandidiring usal niya.
Isang tawang naiilang ang ibinigay sa kaniya ni Justine na siyang team leader namin ngayon. Akala ko ay siya ang sasagot ngunit ikinagulat ko ang biglaang pagtayo ng boss namin na sumama rin sa meeting.
"I'm sorry, Mr. Blair but is there a problem if we hire people who are part of the LGBT community?"
"Yes! They are gays and can stain the reputation of your company! They're disgusting! I was amazed by you in the beginning, withou knowing you're gay!" Dinuro-duro pa niya ako.
Gusto kong sumigaw at ipaglaban ang sarili ko dahil kumpara sa aming dalawa ay 'di hamak na mas disgusting siya ngunit hindi ko magawa. Respeto na lang sa boss naming nakaharap at sa iba pa naming kasamahan.
"You better fire this disgusting gay or else I will make sure that your company will lose its great reputation!"
Pinanood ko kung paano siyang alalayan ng boss namin palabas sa opisina. Agad na tumulo ang mga luhang hindi ko naman alam na magpapakitang muli. Ni hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling umiyak and yet, isang matandang mapangmata lang pala ang makakapgpaiyak ulit sa akin.
Isang mainit at mahigpit na yakap ang ibinigay ni Justine sa akin na sinundan pa ng iba pa naming mga kasamahan. I'm crying so hard and I don't like it. It's making me look like a loser lang at nakakasira sa make-up na ilang oras kong pinaghirapan.
"Don't mind him, okay? Sigurado akong ikaw ang kakampihan ni boss." Pag-aalu ni Justine sa akin bago naagaw ng pintuang pabagsak na bumukas at iniluwa ang nakasimangot na si Katrin.
"Ano itong naririnig ko na nilait-lait ka raw? Tang*na, sinong nanlait sa iyo?"
Bumuntong hininga ako at inilingan lamang siya. Naaappreciate ko ang effort nila na i-comfort at ipagtanggol ako ngunit ayokong kinakaawaan ako. Ayoko rin na baka dahil sa pagtatanggol nila sa akin ay baka pati sila, mapahamak din.
"P*tang*na, Ron. Ipaglaban mo naman ang sarili mo. Hindi ka naman g*ga na hahayaang malait ka lang basta-basta pero anong ginawa mo ngayon?"
"Nandito si boss kanina, Kat. Hindi ako pwedeng maging bastos sa mga kliyente lalo na't ganoon naman kababaw ang rason. Don't worry, sanay na ako sa ganiyan." I've been receiving hate since elementary at immune na ako roon.
Sinabayan nila ako sa pagkain ng tanghalian at maging sa paggawa ko ng ibang projects ko ay halos hindi na nila ako lubayan. Maya't maya ang pagkausap nila sa akin na siyang tinatawanan ko na lang at ipinagsasawalang bahala. They're so worried and yet, here I am trying to forget what happened.
"Uh," tiningala ko ang lalaking naka-white polo shirt at black pants na bigla na lang lumapit sa table ko. "I am Mikoy, secretary of Mr. Blair. Can we talk for a moment, please?"
Matangkad ang lalaki at may magandang built ng katawan. Ang bawat muscle sa braso niya ay bumabakat sa damit niyang kapit na kapit sa kaniyang katawan. Maputi at may magandang ngiti. Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing sekretarya siya dahil mapagkakamalan mo talaga siyang may-ari ng naglalakihang kumpanya riyan sa tabi-tabi.
Tumango lang ako at mabilis na tumayo saka nagpatiuna sa pagpasok sa isa sa mga conferrnce room namin. Sinenyasan ko si Justine na saglit lang ako nang mapansin kong pinanonood niya kami.
"I'm sorry for what Mr. Blair did. I'm really, really sorry."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ipinadala ka ba ni Mr. Blair dito to say that? Bakit hindi siya mismo ang lumapit sa akin at himingi ng sorry personally?"
Ganoon ba kataas ang pride niya para pati paghingi ng tawad ay iniaasa na lang niya sa sekretarya?
"No, Mr. Blair doesn't even know na pinuntahan kita. It's my initiative to say sorry sa iyo dahil alam kong mali ang mga sinabi ng boss ko kanina at naramdaman ko rin ang sakit dahil, I am also a part of the LGBT community like you. I am also a gay like you..."
Laglag ang panga ko at hindi alam kung dapat ba akong magsalita or what.
"I know nakakagulat dahil sa katawan kong lalaning-lalaki but I need to do this for me to be able to find a proper job. Madalas akong malait at nahinto lang iyon nang simulan kong magpunta sa gym. That's how cruel the society is."
Yes, the society is so cruel to the point na nakakalimutan na nila kung paanong rumespeto ng kapwa. They only wants to follow the trend, kahit na hirap na sila at nakakasakit na.
Being a part of the LGBT community is hard. We always get some disgusted looks, judgements, laits and even curses in almost every place in this country. Ganoon ba kababa ang tingin nila sa amin dahil lang naiiba kami sa nakasanayan nila?
Most of the people doesn't even know how hard it is to be gay and yet they judge too easily. Masyado silang mapanumbat na animo'y napakaperpektong tao nila.
Kinuha ko ang numero ni Mikoy at ipinangakong tatawagan ko siya para makausap pa sa susunod. I want to know his story and I also wants to share mine. I know na magkakasundo kami at magiging mabuting magkaibigan.
"Ron, nag message si Pao sa akin, pinapasabi na hindi ka ra wniya masusu do ngayon." Salubong ni Justine ngunit ang tingin niya ay nasa lalaking kasama ko. "What took you so long to talk? May trabaho ka pa, Ron. Tapusin mo na."
Iyon nga ang inasikaso ko buong hapon. Inayos ko ang dinisenyo kong bahay para sa isa pa naming kliyente at nang dumating na ang oras ng uwian ay tuwnag-tuwa ako. I miss my bed and Pao kaya nang marinig na nagyayayang mag-inuman na naman si Katrin ay mabilis akong pumuslit. Siguradong kung makita niya ako ay hindi niya ako hahayaang tumanggi.
Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na mall para mag grocery. Meron pa namang grocery sa bahay ngunit alam kong magiging abala ako sa mga susunod na araw kaya naman mamimili na ako. Hindi ko rin naman mauutusan ang bunso kong kapatid dahil hate na hate niya ang mag grocery.
Inuna ko ang pamimili ng mga kailangan ni Mama at Papa na nakalista sa maliit na notebook na iniregalo ni Liana sa akin noon at pagkatapos ay dumiretso naman ako sa chocolate section para mamili ng mga chocolates ko na kailangan ko para hindi makatulog habang nagtatrabaho ngunit ang bumulaga sa akin ay siya yatang hindi magpapatulog sa akin ngayong gabi.
Ang sakit palang makita ang taong mahal mo na nakikipagtawanan sa ex niya, ano? I was about to turn around and leave when Pao drifted his eyes into me. Nagkatinginan kami at kitang-kita ko sa mga mata niya ang inis. Bakit ka naiinis gayong ikaw itong may kasamang ex? At babae pa.