Malakas na tugtog ang sumalubong sa amin pagkapasok pa lang namin sa club. Napapalibutan iyon ng pulang ilaw magig ang paningin ko ay pula na rin. I thought sa tahimik na club lamang kami ngunit hindi ko inasahan na sa ganitong lugar ako dadalhin ng kapatid. "You should counterattack your feelings! Hindi 'yung malungkot ka na nga then you'd still stay in a quiet place. Edi lalo ka lang nalungkot?" Aniya nang komprontahin patungkol sa lugar. She got a point kaya naman hinayaan ko na. Well, I am aware na iba't iba ang way ng mga tao to cope up but I guess trying to counterattack my feelings won't hurt. Pinili ni Kelly ang upuang nasa sulok, malapit lamang sa stage kung saan tila nagwawala ang vocalist ng bandang naroon. Dalawa pa lamang kami ng kapatid ko at ayon sa kaniya, papunta pa lam

