Chapter 23

1887 Words
"One Direction is the best!" Sigaw ko habang itinataas ang isang hawak kong baso na may lamang margarita. I took a deep breath and prepared for the income chorus. "We're only gettin' older, baby. And I've been thinkin' about it lately. Does it ever drive you crazy? Just how fast the night changes?" I really did my best to show how happy I am. Everything that you've ever dreamed of Disappearing when you wake up But there's nothing to be afraid of Even when the night changes It will never change me and you... Yeah, even though magbago ang lahat, alam ko sa sarili ko na I will never change. Kailangang ang mga nasa paligid ko ang matutong tumanggap sa kung ano at kung sino ako. "Tang*na, Ron! Sumama ka sa akin may gwapo sa dance floor!" Halos mabitawan ko ang basong hawak ko dahil sa biglaan at mabilis na paghatak sa akin ng kaibigan kong si Katrin. Tinawanan at kinawayan kami ni Xyrel na nakayakap na naman sa boyfriend niyang si Justine. Sana lahat kasama jowa, ano? Nagpatianod ako kay Katrin na agad nahanap ang sinasabi niyang gwapo. Matangkad ang lalaki at moreno. Hindi ko alam kung dahil sa alak o ano pero ang mga labi niya ang pouty and mamula-mula. Maging ang mga mata nito ay namumula rin at bilog na bilog. "Kat, lasing ka na? Hindi ka na nakakakita ng tama?" Kinurot ko ang tagiliran ng kaibigan kong nakikipaglantungan na sa lalaki. Ipinakilala siya nito ngunit hindi naman ako interesado kaya hindi ko rin natandaan ang pangalan. "Sabi mo gwapo, nasaan at bakit hindi ko nakita?" Bahagya lamang niya akong siniko at inis na itinulak ako palayo. Ang gaga, nananahimik akong nakaupo sa table namin at siya itong bigla na lang akong isinama rito tapos itutulak na lang at ipagtatabuyan? Inis ko siyang tinitigan nang makitang paunti-unti na silang naglalakad palayo nang hindi pinuputol ang usapan nila. Bumalik ako sa table namin at agad na kinuha ang baso ko kanina. I'm not even sure if sa akin nga iyon kaya tinanong ko pa si Xy bago tuluyang inubos iyon. "Ron, kamusta na si Tito?" Justine suddenly asked. Kaming tatlo lang ang nandito sa table at ang ibang kasama namin ay malamang, nagiikot na ang mga iyon at nakikipaglampungan na sigurado. Isang halimbawa na si Katrin. "He's fine na. Simpleng lagnat lang naman, sabi ni Yans." Mag-iisang linggo na kasing may sakit si Papa, right after nilang mag out of town kasama si Kuya at ang asawa nito. Hindi ko alam kung dahil sa byahe at pagod kaya ganoon kaya naman minabuti ko ng ipatingin siya kay Liana and fortunately, isang simpleng lagnat lang ang nararamdaman ni Papa. Nothing serious. Papa and I have been in a very good relationship simula noong senior high school ako. Well, hindi naman agad-agad but right after he talked to me and told me everything he feels, doon unti-uting nagbago ang pakikitungo namin sa isa't isa. Doon ko naisip na, bakit ko babaguhin ang sarili ko just so I could fit in in this cruel society? Hindi ba't dapat tayo ang mag adjust and accept sa ibang tao and not them changing their selves just for us to accept them. Gaya ng ginawa ko, I almost forced myself na maging lalaki na umabot pa sa point na nagawa kong humanap ng girl na willing magpanggap na girlfriend ko para lang matanggap ako ni Papa without even realizing na at the end of the day, ako pa rin ang anak niya at magagawa niyang tanggapin ang kung ano at sino ako. Sadyang kinailangan lang niya ng oras to think about everything and to fully digest everything. I would never ever forget my senior highschool days. Purong masasayang memories ang bumabalik sa akin sa tuwing naiisip ang mga iyon and if mabigyan ako ng chance to go back, I'd chose to go back just to get a glimpse of everything. Gusto kong maalala kung gaano kasaya ang naging senior years ko. It was monday and raining so hard kaya na late ako ng uwi galing school. Naaalala ko na basang-basa pa ako dahil sa sobrang lakas ng ulan at ang tanging panangga ko lang dito ay ang bag ko. I was not in the mood dahil sino ba namang hindi maiinis kung lahat ng notebooks ko, basa. Dumiretso ako sa kwarto para makaligo at pagkatapos ay inasikaso na ang mga gamit na basang-basa. I even tried my best to save my notebooks but to no avail, itinapon ko na lang. That was the time kung kailan hindi na talaga ako pinapansin ng mga kasama ko sa bahay except Kelly. Well, silang tatlo lang naman nina Mama at Papa ang kasama ko dahil nasa trabaho na noon si Kuya kaya laking gualt at takot ko nang tawagin ako ni Papa. He was in his room at iyon lang ang tanging alaala ko na tinawag niya ako at pinapunta sa room nila. Usually ay sa dining o 'di kaya ay sa sala niya ako kinakausap that's why ang kaba ko, abot langit. "Are you happy?" Hindi naman mahirap ang tanong niya pero pakiramdam ko, life and death situation ang kinalalagyan ko noon. Isang simpleng oo o hindi lang ang sagot, hindi ko pa masabi. Hindi ko alam if dahil sa mga karanasan ko sa kamay niya o dahil hindi ko talaga alam kung masaya ba ako o hindi kaya hindi ako makasagot. Yes, I am happy whenever I am with my friends and Paolo. Masaya ako tuwing nakakausap ko si Paolo, tuwing nagpupunta ako kina Liana, tuwing kasama ko ang mga kaklase at kaibigan ko pero ang kasiyahang iyon, nawawala sa tuwing nakikita ko na ang gate namin. Naglalaho ss tuwing nakakaapak na ako sa bahay namin. "Hindi mo na pala kailangang sagutin. Kitang-kita ko sa mga mata mo na hindi that's why I'm sorry..." nanlaki ang mga mata ko nsng bigla siyang pumiyok at umiyak. His voice shaked, as well as his hands kaya kahit natatakot, pilit kong nilakasan ang loob ko na hawakan ang mga iyon. He was trembling and I am scared. "I'm sorry kung hindi kita tinanggap sa kung sino ka. Patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa iyo, Ron. Sa tuwing nakikita kitang nahihirapan, pinipilit kong ignorahin iyon at itinatatak sa isip ko na kasalanan mo naman..." Kasabay ng walang tigil na pagtulo ng mga luha niya ay ang mga pagtulo rin ng sa akin, sinasalamin ang bilis at lakas ng daloy ng isang talon. It hurts seeing him crying and weak. Sanay ako na nakikita siyang siga, malakas, bossy pero ang Papa ko, nandito sa harapan ko nagyon, umiiyak at nasasaktan. "Patawarin mo ako, anak..." walang tigil ang pagtango ko. "Patawarin mo ako sa lahat ng nasabi ko at nagawa kong pananakit sa iyo. Huli na nang maisip ko na hindi ikaw ang nagkamali, kundi ako kaya patawarin mo ako." Napapikit ako nang haplusin niya ang pisngi ko at punasan ang mga luhang bumabalot dito gamit ang kamay niyang nanginginig. Hindi ko man alam kung anong nangyayari sa kaniya ngunit masaya ako na finally, ang pinakahinihintay kong araw, nandito na. "Pa..." Ang dami-dami kong gustong sabihin pero hindi ko magawa. Tanging pag-iyak lang sa bisig niya ang nakaya ko. "Patawad, Ron. Mahal na mahal na mahal kita, kayo ng mga kapatid mo. Simula ngayon, tinatanggap na kita. Malaya ka na, anak." I still remember vividly kung anong itsura at nararamdaman ko noong araw na iyon. Kinausap din ako ni Mama noon pagkatapos ni Papa at nagpahayag ng pagtanggap sa akin kaya sa sobrang tuwa ko, naibalita ko agad iyon sa kaibigan kong si Liana. We were both happy na nagawa pa niyang puntahan ako sa bahay at magpakain. "Mabuti naman. We plan to visit him nga kaso, itong si Xy, ang daming lakad." "Sorry. Tambak ako ng gawain ngayon, eh. Gigil yata sa akin ang head namin." Xy is an interior designer na nakilala ko dahil sa isang project na hinawakan naming pareho. Her boyfriend, Justine, is the owner of a famous restaurant. Hindi ko alam saan nagkakilala ang dalawang ito dahil noong nakilala ko si Xy, boyfriend na niya for two years si Justine. "Guys, ayos lang. Isa pa, baka hindi rin kayo maasikaso sa bahay dahil nga may sakit si Papa. Hindi rin ako nakauwi nitong nakaraang dalawang araw, eh." Sabay nila akong tinitigan ng may kakaibang ipinapahiwatig. Ang mga baklang 'to. "Oo na, kasama ko si boyfie sa condo niya. Happy na kayo? O siya, maglantungan na kayo at ipamukha niyo sa akin na mag-isa lang ako ngayon." Tiwanan lang nila ako at ang mga gaga, sinunod nga. Halos maghalikan na sila sa harapan ko at kaunting push pa, baka gumawa na sila ng baby sa harapan ko mismo. Masamang tingin ang ipinukol ko sa bandang wala namang ibang ginawa kundi ang kumanta at pasiglahin pa lalo ang mga taong lulong na sa alak. Ang sarap ng ganito, simple, masaya at tamang chill lang. Hindi gaya noong bata pa ako na ang almusal ko ay bugbog, tanghalian ay mura at hindi pa malaman kung buhay pa ba ako kinabukasan. Pero kahit ganoon, wala akong pinagsisihan sa mga nangyari. Tingin ko, nangyari lang naman ang mga iyon para may magamit akong apakan na siyang tutulong mag-angat sa akin at ito na nga iyon, ang dating nilalait na baklang si Ronaldo Alberto Guevarra, tatlong taon ng lisensyadong arkitekto ngayon. "Baby..." isang malamig at mabangong hininga ang namutawi sa tainga ko makalipas ang ilang minutong pagtulala sa vocalist na nasa stage. Kababalik lang ni Katrin na nakasimangot. Bawat hangin na tumatama sa tainga at leeg ko ay siyang kumikiliti sa akin dahilan kung bakit ako napangiti at napapapikit. Isang mahaba at semswal na halik ang nagtapos sa pagkiliti sa akin bago ko tuluyang naharap ang gwapong nilalang na nakangiti sa akin ngayon. "Uwi na ba o maya na?" Usal niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya bago nilagok ang isa pang margarita na nakita ko lang sa mesa. Ito 'yung iniinom ni Xy kanina pero mukhang nakalimutan na niya. "Gusto mo na bang umuwi?" Kibit-balikat ang isinagot ng kausap ko kasabay ng pag-agaw sa basong hawak ko. Mabilis kong binawi iyon bago pa niya tuluyang mainuman. "Kay Xy baso iyan." Aba siyempre, hindi ko hahayaang uminom ang bebe ko sa pinaginuman ng ibang babae. Kailangan, ako lang 'no! "Tang*na kaya ayokong kasama kayo, eh. Pinapamukha ninyo na single ako." Tinawanan ko lang ang nag aalburotong si Katrin habang masama ang tingin sa akin at kay Xy. "Paolo, iuwi mo na nga 'yang si Ronald at ramdam kong mang-aasar na naman! Kayo naman, Xy at Justine, kumuha kayo ng hotel o 'di kaya ay doon kayo sa bahay ninyo gumawa ng baby, jusko!" "Hay nako, palibhasa ikaw, malakas lang loob mo pag lasing. Bastedin ba naman ang crush edi magdusa ka ngayon. Wala kang bebe." Pang-aasar ko bago tuluyang ibinaling ang atensyon kay Paolo. Hindi rin naman kami nagtagal doon dahil alam kong pagod siya galing sa trabaho at papagurin ko pa siya pag-uwi kaya nang magpaalam si Katrin na sasayaw ulit ay nagpaalam na rin kami na uuwi na. Kailangan ko rin ng energy para ngayong gabi dahil amsyadong malamig. Kailangan naming magpainit. Charoar, sabi ng lumalanding dinosaur.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD