Lorabelle’s P.O.V. Napabangon ako nang maramdaman ko na wala ng kadena ang aking dalawang paa. Minulat ko ng mabuti ang aking mga mata baka kasi nananaginip lang ako. Hindi ko alam kung anong nakain ni Gavin at bakit niya naisipang tanggalan ang kadena ko. Wala akong sinayang ng oras mabilis ang bawat galaw ko. Nagmamadali akong lumabas kahit nakaramdam ako ng pananakit sa aking paa ay binaliwala ko ‘yon. Ang mahalaga ngayon ay makalabas ako sa bahay na ito at makahingi ng tulong. Agad akong napatigil ng makita kong dumugo ang aking paa hindi ko na alintana ang dugo sa sahig dahil gusto kong makababa ng hagdan. Nanginginig ang dalawa kong paa ng makarating ako sa pinakababa, huminga muna ako ng malalim. At palinga linga akong napatingin sa buong kabahayan, nang mapansin kong wala ng tao

