NAMUMULA sa inis na pumasok si Alexander sa lecture Hall.
“Hey, Babe. Why are you here? You're excuse today,” hindi niya pinansin si Kleya. Marahan siyang umupo sa tabi nito at nakaramdam na agad siya ng discomfort, “magkuwento ka nga---”
“Hindi ka nga nagkuwento sa’kin sa pinag-usapan niyo ni Sir eh, tapos magkukuwento ako sa’yo?”
Napakamot si Kleya sa ulo nito, “eh kung natulog ka pa sana sa bahay, nagkuwentuhan na sana tayo,” sabi nito.
“Nahihiya ako sa mudra mo tapos singit pa nang singit ‘yang brother-in-law mo” napairap si Alexander. Inis na inis siya ngayon ngunit hindi niya pinapahalata. Kinikimkim niya lang sa sarili.
“Oy, speaking of brother-in-law, how's the night with him?” nakangising tanong ng dalaga.
Pumantig ang tainga ni Alexander sa sinabi ng kaibigan at pinanlakihan niya ito ng mga mata, “how do you know, Kley?”
Umastang nag-iisip-isip ito, “I-I don't know, just a hunch. Look oh, may kiss mark pa,” sinundot nito ang kaniyang leeg.
“Huh?” hinawakan niya ang leeg at pinandilatan ng mga mata si Kleya.
“Ayaw mong maniwala ah,” kinuha nito ang salamin sa bag at inabot sa kaniya. Kaagad niya itong inagaw.
Namula si Alexander nang mapansin ‘yon at narinig niya namang natawa ang kaibigan, “may bandaid ka d’yan?” naiinis niyang tanong.
“Anong gagawin ko sa bandaid? Sa clinic ka. Gigil na gigil si Sir ah---”
“Aren’t you angry, Kleya?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan na kumibit-balikat, “g*ga ka talaga. Samahan mo nga ako sa clinic, mag-usap tayo doon. Kukuha rin ako ng gamot,” tumango ito at inayos ang nakakalat na gamit habang siya naman ay inilibot ang tingin sa lecture Hall.
He's looking for Jevon ngunit hindi niya ito nakita. Wala rin si Leeram. Kaya kinutuban siya.
‘Siraulong Jevon, naka-hits agad’
And most of all, gusto niyang iwasan ang binatang propesor lalo na’t mamaya ang klase nito. Ito rin ang naghatid sa kaniya sa University. Mapilit kasi. Mabuti nga at walang mga estudyante sa labas ng University at hindi ito sumabay sa kaniya sa pagpasok, kundi ay umalis muna ito. Kikitain daw nito ang kaibigan. Babalik lang kung oras na ng klase.
Kinuwit siya ni Kleya, “tulala ka d’yan. Tara na. Anong gamot ba? Sa katawan? Nakailang rounds ba kayo?” bulong ni Kleya sa kaniya. Namula si Alexander, “sus, ngayon ka pa gumaganiyan, eh ilang beses ka ng may ka-s*x...”
Sinamaan niya ito ng tingin, “bibig mo” tumawa lang ito, “huwag mo nga akong inaasar, Kley. Naiinis ako. I felt guilty after having s*x with him...twice---”
“Twice?!” napatingin ang ilang estudyante sa labas sa kanilang dalawa, “what are you looking at? I know na maganda ako kaya stop looking!” sigaw ni Kleya sa mga ‘to. Umiwas naman sila ng tingin.
“Really? Eh mas maganda pang tignan sa'yo si Alex!” biglang sulpot ni Jevon. Napakalaki ng ngisi nito, halatadong-halatado na naka-score.
“Pake ko sa'yo. Huwag ka ngang dumikit d’yan, Babe. Bantot eh, amoy bagong k*ntot,” hinila siya ni Kleya habang sumunod naman si Jevon sa kanila na parang baliw na tumatawang mag-isa.
Narating nila ang Clinic. Feel at home naman itong si Jevon na nahiga agad sa clinic bed.
“Ano bang ginagawa niyo rito? Sinong may sakit? Ikaw, Kleya? Sus, ba't dito ka pa dumiretso eh pang-mental ‘yang sakit mo! I should tell your Dad to bring you there---”
“Go ahead then pero dapat kasama ka. Baliw na baliw kay Leeram eh, dinudungisan mo pagka-inosente niya. O’ Babe, nakainom ka na?”
Tumango si Alexander at naupo sa tabi ni Jevon. Niyakap naman siya nito kaya napadaing siya. Masakit pa naman ang kaniyang beywang lalo na ang daluyan ng kaniyang p*wetan.
“Kanino ka na naman ba nagpak*dyot, huh?” natatawang tanong ni Jevon sa kaniya. Pinisil nito ang beywang niya. Malakas siyang napaungol sa sakit.
“Ano ba, Jevon? Tumigil ka nga. Tayo d’yan, Babe. Tabi ka sa’kin---”
“Threes*me na lang tayo---”
“Kapal naman ng mukha mo para makipag-s*x ako sa'yo. Mukha mo pa lang, nakaka-turn off na---”
“Kaysa sa mukha mo. Kung hindi lang kay Alex eh, hindi kita naging kaibigan---”
“Oh? Are we really friends?” tinarayan ni Kleya si Jevon, “as far as I know, we're not. My only friend is Alexander, best friend. Mas kasama mo pa nga ‘yong mga kalaro mo sa basketball. Anyway, magkuwento ka na, Babe. Alam kong walang alam si Jevon sa nangyayari sa buhay mo,” nanunuyang sabi nito.
“Sus, selosa! Ano bang ikukuwento mo, Lex?”
“Oh, see. Hindi mo alam,” sarkasmong saad ni Kleya.
Sinamaan ito ng tingin ni Jevon, “ba’t? Alam mo?”
“Of course, I know the half of the story. Pero ikaw, walang-wala talaga,” mayabang na sabi nito.
“Y’know, you both look like a paparazzi. So interested with my life. Stop arguing already,” tumayo si Alexander at kumuha ng sariling upuan. Nakatingin lang ang dalawa sa kaniya. Bago pa man siya makaupo ay may tinapong unan sa kaniya si Kleya na nasalo naman niya agad, “thanks.”
“Just how big was he to turned you like that, Lex? Hindi naman nagka-gan’yan si Leeram ah,” sabi ni Jevon at napairap naman si Kleya nang marinig iyon.
“Masyadong magaspang lang talaga ‘yong propesor natin,” balewalang saad niya.
Biglang napabangon si Jevon habang si Kleya naman ay natawa lang, “what?! Anong propesor, huh? Nakipag-s*x ka sa professor? Kanino, Lex? Kay Sir Heraldo? Iyong matandang binata? G*go ka, kaya pala ang mamahalin ng damit mo ngayon kasi may sugar daddy ka pala---”
“Correction. May mga sugar daddies na ako but not him. Si Sir Cain,” nanlaki ang mga mata nito, “actually, we had s*x twice”
“That’s what I'm asking about, how come you had s*x with him twice? Did you met him already before he became our exchange professor? Do you know him already, Babe? Why didn't you tell me sooner?” sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Kleya. Tumango-tango naman si Jevon na sumasang-ayon sa sinabi ni Kleya at tila ganoon din ang gustong itanong sa kaniya.
Bumuntong-hininga muna si Alexander bago tuluyang ikinuwento ang unang nangyari sa kanila ng binatang propesor.