Isang bilugang mesa ang nadatnan niya sa dining area. Nakaupo si Gideon doon habang nagbabasa ng isang devotional book. Agad siyang naupo sa katapat nitong upuan at napansin niyang lumiko si Tang papunta sa back door.
"Kuya Tang, sa'n ka po?" tawag niya.
Nakangiting lumingon sa kaniya ang matanda. "Tapos na ako Maam Laine. Maghahardin na muna ako para makapagsarinlan kayong mag-asawa."
Napatingin siya kay Gideon nang umikhim ito. Nakita niyang bahagyang nakangiti ang lalaki. "May nilutong saging at kamote si Tang." Tinuro nito ang nilagang saging at kamote sa mesa.
Umasim ang mukha niya. "Hindi ako kumakain niyan."
Tumango-tango si Gideon. "Napansin ko nga sa mansiyon. Di bale, ipagluluto na lang kita ng maruya."
"Maruya?"
Napangiti si Gideon. Tumayo ito at nagpunta sa kusina. Ilang minuto itong hindi nakabalik. Napanguso siya. Inabot niya ang binasa nitong libro at binuklat.
The road to eternal life is a long and narrow path. Many do not, can not, and will not take that path. For they have forsaken the salvation that leads to life. They are the people who hardened their hearts and turn away from the truth.
They will never see life unless God permits them to do so and they turn away from wickedness. For anyone who hears the word but do not obey is not counted as worthy for the kingdom of God.
Napataas siya ng tingin nang marinig ang yabag ni Gideon. Agad niyang isinara ang libro at binalik sa dati nitong puwesto. Nakangiti ang lalaki at may dala-dalang plato na naglalaman ng isang... saging na nilagyan ng harina?
"Masarap ang maruya," sabi ni Gideon.
"Maruya pala 'yan?"
"You've never tasted a bit?"
Umiling siya. "Nakita kong binibenta sa University pero hindi ako bumibili."
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Gideon. "Subukan mo."
Agad siyang dumampot pero nabitawan dahil sa init. Nangunot ang noo niya. Gideon suppressed a laugh. Marahas siyang bumaling sa lalaki. "Tinatawa mo?"
"Pasensya na. Gamitin mo 'yong tinidor para 'di ka mapaso."
Kinuha niya ang tinidor na nasa nilagang saging at makailang ulit na sinaksak ang maruya. Doon na nakawala ang pinipigilang tawa ni Gideon.
"Ano ngang tinatawa mo?" naiinis niyang tanong.
Naiiling namang natampal ni Gideon ang noo. "May problema ka ba?"
"Problema? Oo naman! Naiinis ako sa 'yo kaya imbes na sa 'yo ko isaksak 'tong tinidor, sa maruya na lang. Ayos?"
Marahang ngumiti si Gideon at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa tinidor. Nangunot ang noo niya nang dahan-dahan nitong tinusok ang maruya na katabi ng maruyang nasaksak sabay lagay sa platito niya. Agad naman nitong binitiwan ang kamay niya.
"Do you have your monthly..." Umikhim ito. "You seem too grumpy today, Jewel."
"Excuse me?"
Kumibot ang sulok ng labi ni Gideon pero hindi nagsalita.
Umikot ang mga mata niya. "You're really something, Hernandez."
Gideon laughed. "I'm treating you good. You don't like it?"
"No." Umasim ang mukha niya. "You should be more caring."
Napailing si Gideon. Naningkit ang mga mata nito at nagbaba ng tingin sa kaniya. "So, I am not a gentleman to you?"
"I never said that. Besides..." Sumubo si Jewel ng maruya, ninguya, saka nilunok. "You're not sweet as what I expect you to be. But that's okay, I know that you won't honor your word."
"My word?"
Binaba niya ang tinidor at tumingala kay Gideon. "Where's my supposedly good husband?"
Kumurap si Gideon, saka nakauunawang tumango. He leaned closer to her. Nahigit ni Jewel ang hininga. Ngumiti si Gideon saka tumitig sa mga mata niya. "Your husband is staring at you."
Ilang segundo itong nakatitig sa kaniya. At nang mapansing hindi siya humihinga ay napailing at napatayo ng tuwid. Bumaba ang tingin nito sa labi niya at nagsalita. "Ubusin mo ang maruya para mawala ang init ng ulo mo. And please breathe, Jewel. I don't want to attend your burial."
Tumalikod na ito at umalis palabas ng kusina. Narinig pa niya ang pagsara ng backdoor.
Inabot niya ang baso ng tubig at nilagok. Ubos ang laman. Huminga siya nang malalim. Paulit-ulit. At pagkatapos ay binigyan ng masamang tingin ang back door na kita niya mula sa inuupuan. Wala talagang masambit na matino ang lalaking 'yon, aniya sa isip.
At habang tinititigan backdoor ay bigla iyong bumukas at nakita niya si Tang na kamot-kamot ang batok. Nang mag-angat ito ng tingin ay nagtama ang tingin nilang dalawa. Nahihiya itong ngumiti sa kaniya. Nawala ang sama ng tingin niya at bahagyang ngumiti pabalik sa matanda.
"Ano bang nangyari kay Sir, Maam Laine? Nakita kong nagtatagis ang bagang habang nakatayo sa patio at makailang beses na bumuntonghinga. Ngayon ko lang ulit nakitang nagkagano'n si Sir."
Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Hindi niya alam na naapektuhan ang good husband niya kuno sa pinagsasabi niya kanina. Lumapad ang ngiti niya at umiling sa matanda. "Nothing, Kuya Tang. Hayaan niyo nalang siya ro'n."
"Gano'n ba, Maam? Sana maayos niyo ang away bago lumubog ang araw."
Nilampasan siya nito at naglakad patungo sa pintuang nagdurugtong sa kusina at sala. Napanguso naman siya at nakonsensya sa sinabi. Kinain niya ang maruya hanggang maubos 'yon. Tapos, nagpunta siya sa kuwarto at doon nagbasa ng e*****a sa reading app buong maghapon.
Pagkagat ng dilim, bumaba lang siya para kumain. Tapos bumalik ulit sa kuwarto niya para magbasa. Nasa c****x na kasi siya at mas lalong nahuhulog ang loob niya sa leading man ng istorya. Lalo sa nag-uumapaw nitong s** appeal. Talagang nakaka-in love.
'Kung ganito sana ka-aggressive si Gideon. Kaso, gwapo at yaman lang ang binibigay niya. Duh, ayoko ng boring.'
Napanguso siya.
'Pero mas okay na 'yon. At least, nakawala na ako sa poder nina Mama at Papa.'
'Yon lang naman ang dahilan niya sa pagpayag sa kasal. Para makawala sa poder ng mga magulang niya. Bumuntong-hinga siya saka nagpatuloy sa pagbabasa. Tutok na tutok ang mata niya sa screen ng Iphone nang may kumatok sa pinto. Nakabusangot siyang bumangon at pinagbuksan ang taong nag-istorbo sa kaniya.
"Jewel," tawag ni Gideon. Seryoso ang mukha nito.
Umirap siya. "Ano na naman ba?" singhal niya.
Nakita niya kung paano kumunot ang noo ni Gideon. Umikhim ito. "Bukas pa dadating ang mga gamit mo." Itinaas nito ang isang supot. "Binilhan na lang kita ng damit para komportable ang tulog mo mamaya."
Mabilis niyang kinuha ang supot. "Salamat," sambit niya sabay sara ng pinto.
Patakbo siyang dumapa sa kama at hinanap ang huling pahinang binasa. Nandoon na siya sa c****x! Mabubuking na ang sikreto ng bida!
"Jewel, nandoon sa kusina ang banyo," paalala ni Gideon sa labas ng pinto.
Pero hindi siya nakinig. Patuloy siyang nagbasa hanggang natapos ang kuwento. Napangiti siya at napatihaya sa kama. Tiningnan niya ang wall clock sa itaas ng pinto. Ala-una na ng madaling araw. Napaupo siya bigla. Napanguso. Kailangan na niyang matulog pero aktibo pa ang utak niya. Tipong maski anino ng antok ay hindi siya dinadapuan.
Pinatay niya ang ilaw ng kuwarto at binuksan ang lampshade sa bedside table. Humiga siya nang maayos sa kama at muling binuksan ang kuwentong binabasa sa reading app.
Biglang may nag-udyok sa kaniyang muling basahin ang kuwento. Pero... nilampasan niya ang naunang mga kabanata at pumunta sa kabanata kung saan nagsi-s** ang dalawang bida.
Paulit-ulit niya iyong binasa. There is something in s** scene na nag-e-enggaño sa kaniyang paulit-ulit na basahin. Siguro dahil sa stimulus?
Hindi siya nakatiis. Nag-iinit ang pakiramdam niya. At hindi nagtagal, may nagawa siyang isang bagay.
She m*********d for the first time.
Nang makaraos ay nakatulog siya.
Ang her fantasy continued in her dreams.
Napaniginipan na naman niya ang lalaki. Nasa isang magarang kama silang dalawa. At naririnig niya ang malamyos na tugtog ng isang musika. May mga posas na nagkakabit sa dalawang kamay niya sa headboard ng kama at hindi siya hinahayaan ng lalaking tumingin sa ibaba.
Nakagat niya ang labi nang marinig niya ang mapang-akit nitong boses. "Come... come to me, my wife."
And she came without knowing who that man was. She gave into temptation of lust... without knowing the consequences she'll face in the next days.
#040120.12.3P
#020221.R