SKY First time kong makatanggap ng surprise kay Laxy, kaya hindi ko mapigilang huwag siyang kulitin. Isa pa, medyo naiintriga ako kung ano ang kaniyang sorpresa. “Love, ano nga ‘yon? Ayaw ko ng sorpresa,” nakanguso kong sabi sa kaniya. “Basta! Magugustuhan mo iyon. Medyo malayo lang pero sulit din. Kaya matulog ka muna, alam ko na pagod ka kakaiyak kaya sorry. Next time, magpapaalam muna ako bago umalis.” Then she gave me a smack on the lips. Yumakap na nga ako sa kaniya kasi pagod nga ako kakaiyak. Sa pagpikit ko, malakas na hangin ang humahaplos sa katawan ko kaya siguradong tumatakbo na siya. Ang sarap ng simoy ng hangin dito sa dinaraanan namin kaya iminulat ko ang mata ko para makita kung nasaan kami. Ang ganda rito! Paakyat kami sa isang bundok at ang gaganda ng mga puno na

