SKY As time pass by, natatanggap ko na kung ano ang tao sa paligid ko. Wala naman akong magagawa dahil wala rin namang makikinig sa akin. “Kambal?” sigaw ni Cloud habang papalapit sa akin. Nandito kasi ako sa kwarto niya ngayon at nakaupo lang sa kaniyang kama. I made sure na walang makararamdam sa akin o makaamoy. Ganoon din ang makakakita ay iniwasan ko. Isang oras din akong naghintay rito sa kaniya, ang tagal niyang umuwi. Patago akong pumapasok dito para lang makasama siya. Noong una palagi ko kasama si Maxz pero ngayon ako na lang. Hinayaan ko na rin siya sa ginagawa niya, nagbubulag-bulagan kung baga. Once a week ako kung pumunta sa kanya pero palagi ko pa rin siyang nami-miss. Ganito nga ata kapag kambal mo at mate mo pa. Ilang buwan ko na rin itong ginagawa at mabuti na lan

