SKY It was our second day here. Nagising ako sa isang tent na gawa sa sanga at dahon ng niyog at saging. Hindi ko alam saan niya kinuha ang mga ito pero ang ganda ng pagkakagawa niya nito. Kanina pa ako gising pero hindi pa rin ako lumalabas dahil tinatamad pa ako. Tama nga si Laxy, lumaki na ang tiyan ko at sobrang halata na talaga nito. Pero ang saya ko kasi alam kong mahal ko ang anak ko at mamahalin din nila ako. Sila na ang magiging rason para mabuhay pa ako kung wala mang iba. Medyo pagod na rin ang likod ko baka kailangan ko ng iunat ito sa labas. Nakahubad pa pala ako at nasa tabi lang ang damit ko. Nagbihis muna ako bago ako lumabas. Napa-wow ako kasi ang ganda ng kulay ng langit ngayong umaga. Maaliwalas at ang gandang pagmasdan, napakapayapa. Hinanap ko si Laxy sa palig

