Alex Second and the last day of the event. Ang activities nila kanina ay presentation ng iba pang Ads at seminar from selected speakers. Ngayon ang lahat naman ay abala sa paghahanda para sa Gala night na pinakahuling activity. Iyon ang opisyal na pagtatapos ng Conference at pagkakataon para makihalubilo sa iba pang participants. Binigyan ang lahat ng sapat na oras para makapaghanda. Ayaw niyang pumunta kasi hindi naman siya sanay sa mga ganoong event pero no choice naman siya. Naisip na lang niya na after ng ilang oras ay babalik na ulit siya sa kwarto niya. Mas gusto pa niya ang manood na lang ng movie habang kumakain. Isang black blair shoulder lace dress na sa palagay naman niya ay tama lang ang fit sa kanya. Hinayaan na lang niya na nakalugay ang kulot niyang buhok at nag-apply siy

