Patricia Schnittka Dorschner P.O.V. Nandito pa rin ako sa hospital mag-isa lang ako. Nagpaalam kasi si James na may business meeting siya. Sino ba naman ako para hindi siya payagan 'diba? Siya na nga lang itong tumulong sa akin ako pa ba ang magiging demanding? Nakita ko naman pumihit ang door knob na ibig sabihin ay may papasok. "Hi Patricia!" masiglang bati ni Thea. Sinabihan siguro ni James para na rin may makasama ako. "Hi Tricia!" kasama niya pala ang best enemy ko. Ang the one and only Cedric. "Hello, napabisita kayo?" "Kung hindi pa sinabi ni Kuya James sa amin na nasa hospital ka ay hindi pa namin malalaman. Uso ang text bestie!" reklamo nito at masamang tumingin sa akin. Natawa naman ako sa mala-dramatic reaction ni Thea. "Oh anong tinatawa tawa mo?" sabat na tanong ni Ced

