Patricia Schnittka Dorschner P.O.V. Pumunta na ako sa kwarto. Nagshower na ako at nagbihis na. Dumeretso na ako sa kama. Matutulog na lang ako. Bahala si Ivan doon sa sala kasi kasalanan naman njya na doon siya natulog. Pwede naman siyang dumeretso sa kwarto. Gusto ko naman talaga siyang gisingin para hindi siya mahirapan doon. Ang kaso ay baka magalit lamang siya sa akin. Mahirap pa naman pag naiistorbo ang tuloy niya. Nagiging tigre. Oh baka naman doon sila nag chuchurva ni Keith the panira. Nasarapan siguro kaya ayan 'di na magawang lumipat sa kwarto. And oh nakalimutan ko pala ayaw nga niya pala akong katabi kasi mas gusto niyang makatabi si Keith the panira. Negative thoughts again, Patricia. "Pabayaan mo Ivan balang araw siya na ang katabi mo rito sa kama," naiiyak na sambit ko

