[Chloe's Pov] Nagkukumahog ako sa pagtakbo dahil late na ako sa trabaho ko. Isa na akong reporter ngayon. Kung saan-saan ako nakararating simula nang ma-promote ako. Nang makarting ako sa bulding ay dali-dali akong pumasok at sumakay sa elevator. Panay ang tingin ko sa aking relo. Bakit ba kasi late ka ana gumising, Chloe! Sabi ko sa aking isipan. Kung hindi sana naparami ang pag-inom ko ng alak kasama si Samuel ay hindi ako malalasing at nagmamadali ngayon sa pagpasok. Pagbukas ng elevator ay para kong nilipad ang pasilyo papunta sa aming opisina. Tiyak akong lagot ako sa supervisor ko nito at sa team leader namin. Pagdating ko ay nakatutok sa akin ang mga mata nilang lahat. Nanlaki ang mata ko sa labis na pagkahingal. Yumuko ako at diretsong naglakad. Tila mga bubuyog na nagbul

