Chapter 07

2242 Words
[Chloe's Pov] Ilang araw ang lumipas at nanatiling sikreto ang nalaman ko mula kay Samuel. Bihira lang kami magkita dahil magkalayo ang building namin. Pero madalas ay nagkakasabay kami sa dyip pagpasok ng university. “Alam mo ba, Chloe. Kilig na kilig ako kay Joshua nang nakaraang araw,” singit ni Lea. “Bakit ano'ng ginawa niya?” tanong ko na napilitan. “Binigyan niya ako ng isang halik sa pisngi ko. Alam mo ba? Muntikan n'ya na akong halikan sa lips ko. Pinigilan ko lang s'ya dahil sabi ko bawal muna!” kinikilig n'yang kwento. Nagsalubong ang magkabilang kilay ko. Bago lang sila tapos kiss agad? tanong ko sa aking sarili.  “Kiss agad? Ang bilis naman pala n'yang si Joshua! Ingat ka, Lea. Baka mamaya niloloko ka lang ni Joshua.” Luminga-linga ako sa paligid. “Hindi naman siguro. Mabait si Joshua saka hindi niya magagawa 'yon. Masisira ang image niya kapag niloko n'ya ako.” Nakangiti si Lea ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napatakip ako sa aking bibig dahil nadulas ako sa pagkakasabi sa kan'ya tungkol sa kalokohan ni Joshua. Patay! Baka isipin ni Lea ay hindi ko siya sinusuportahan. Ayaw ko lang kasi siyang masaktan at baka maapektuhan ang pag-aaral niya. Naglalakad na kami palabas ng campus. Sasamahan ko s'ya sandali sa labasan bago umuwi dahil kailangan naming magpa-print ng copies ng module namin. May itinuro sa amin na wala sa books. Sabi ng prof. namin ay kailangan namin magpa-print n'on upang hindi kami bumagsak sa midterm exam. Pagkatapos naming magpa-print ay naglakad kami pabalik sa sakayan ng dyip. Hindi pa kami nakalalayo sa pinanggalingan naming printing shop ay nakita ko kabilang tawiran si Joshua. Hindi ako namamalikmata at s'ya nga iyon. Tinapik-tapik ko si Lea at itinuro ang kinatatayuan ni Joshua. No'ng una ay hindi niya naintindihan ang tinuturo ko at ngumuso ako sa direksyon ni Joshua. Nilakihan ko pa ang mga mata ko para maintindihan n'ya ang nais kong iparating. Tinuro kong muli ang direksyon kung saan naroon abg manlolokong si Joshua. Nang mapansin n'yang tuluyan si Joshua ay namilog ang mga mata n'ya at binalingan akong muli ng tingin. Bakas sa kan'yang mukha ang pag-aalala at matinding takot. “S-Si Joshua!” bulalas n'ya. “O-Oo! Si Joshua nga! Tignan mo!” natataranta kong tugon. Ito na ang tamang panahon upang malaman ni Lea ang katotohanang niloloko lang s'ya ng lalaking gusto niya. Napatda kaming dalawa noong nakita naming dalawa ni Lea na may kasama s'yang babae. Nakauniform din 'to ng katulad namin. Pinagkaiba ay ang collar ng babae. Turtle neck ang collar ng suot n'yang polo blouse. “Tourism s'ya, bff,” sabi ko kay Lea. Nagkasalaubong ang magkabilang kilay ni Lea at halos nalukot na niya ang hawak na papel na pina-print out naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hinalikan ni Joshua ang babaeng kasama n'ya habang nakasandal sa kotse n'ya. Napansin kong halos umusok na ang ilong ni Lea sa tindi ng galit. Bakas sa mukha niya ang labi na pagkainis. Nanlaki na rin ang butas ng ilong niya. Mayamaya pa ay umalis ang babae at umikot sa kabila ng kotse. Sumunod si Joshua at mabilis na pinagbuksan ng pintuan ng kotse ang kasama. Napatda ako nang bigla-biglang tumawid si Lea sa kalsada. Wala s'yang pakialam kung masagasaan man s'ya. Dire-diretso sa paglalakad si Lea para marating lang ang kinatatayuan ni Joshua. Matindi ang kaba sa aking dibdib nang makita kong susugurin ni Lea si Joshua. Nagkumahog ako sa paglalakad at natarantang lumingon sa paligid bago tumawid. Natanaw ko na lang na nakarating na sa kabilang kalsada si Lea. Mabilis akong tumakbo para marating sila. Nakakuyom ang mga kamay ni Lea na hawak ang mga print out papers. Matalim ang titig niya kay Joshua. Bubuksan na sana ni Joshua ang pintuan ng kotse nang mapansin n'ya si Lea. “Hey, Lea? W-What are you doing here?” nauutal na tanong ni Joshua. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkagulat at hilaw na ngumiti sa galit na si Lea. “Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito? Sino 'yong kasama mo?!” Tinuro ni Lea na nasa loob ng kotse. “Ah, her? She's my cousin,” ngingiti-ngiting sagot ni Joshua. “Cousin! Pero hinalikan mo?” sigaw ni Lea. “L-Lea... maghunos dili ka,” pakiusap ko sa kaniya. Lumabas ang babaeng nasa loob ng kotse ni Joshua. Iba talaga ang mayaman, pakotse-kotse na lang. “Y-Yes! She's my cousin...” “Cousin? What's happening here?” buong pagtatakang tanong ng babae sa loob. “Ikaw, cousin ka raw n'ya,” singit ni Lea. “And who are you?” mataray na tanong ng babae kay Lea. “Ah, babe!—No, sorry!” naguguluhang sabi ni Joshua sa babae. “Babe? Akala ko ba cousin?!” matigas na sambit ni Lea. Nanlaki ang mga mata ni Joshua dahil nadulas siya sa pagkakasabi. Namilog ang mga mata ng babae sa narinig. “Ako si Lea. Girlfriend ako ng lalaking 'yan!” “What! Ako ang girlfriend niya!” giit ng babae. “I'm sorry, Kate! L-Let me explain!” aligagang sabi ni Joshua. May kinuha sa loob ng kotse si Kate at sinukbit ang bag niya sa balikat n'ya. Humalukipkip si Kate ng magkabilang braso n'ya at tinungo ang kinatatayuan ni Joshua. Sinundan namin ng tingin si Kate. Maging si Joshua ay nakasunod ang tingin kay Kate na ngayon ay nasa harapan niya. Napatda ako nang sampalin ni Kate si Joshua. Sa lakas nang sampal ay napalingon si Joshua sa kabilang gilid. Napapikit ito nang mariin sa tindi ng lakas na pagkakasampal ni Kate. Mabuti nga sa kan'ya! Manloloko kasi. Tama nga si Samuel sa mga sinabi nito. Manloloko si Joshua at pinaglaruan lang si Lea. “You are a cheater!” mariin na sabi ni Kate at tinalikuran si Joshuan. Naglakad ito paalis at huminto sa tabi ni Lea. Tiningnan niya si Lea simula ulo pababa. “You're cheap! Magsama kayo ng cheater mong boyfriend!” She rolled her eyes at Lea at tuluyang umalis si Kate. Napaawang ang labi ni Lea sa sinabi ni Kate. Maging ako ay nagulat din sa sinabi nito. “Hoy! Hindi ko siya boyfriend! Ex ko na s'ya!” Nagpameang si Lea sa labis na inis. Napasuklay si Joshua sa kaniyang buhok at malamig ang tingin sa malayo. Lumapit si Lea kay Joshua at pinaghahampas sa kan'ya ang hawak na mga papel. “Manloloko ka! Manloloko!” galit na sabi ni Lea at patuloy sa paghampas kay Joshua. “L-Lea! T-Teka— tama na. 'Yong print out!” pigil ko. “H-Hey, Lea! Stop! Enough! A-ray! It's hurt! Hey!” Isinangga ni Joshua ang kan'yang mga braso para hindi tamaan sa mukha. Pinigilan ko si Lea ay napaatras ito. Bakas sa mukha ni Joshua ang galit dahil sa ginawa ni Lea. “Ano ba! Sa tingin mo ba seseryosohin ko ang tulad mo, tsk! Iniwan tuloy ako ni Kate!” Hindi nakapagsalita si Lea sa kaniyang narinig. Napansin kong may namuong mga butil ng luha sa kaniyang mga mata. Nagkasalubong ang magkabilang kilay ko. Nakaramdam ako ng inis at pumanting ang tainga ko sa narinig. Hindi ako nakapagpigil at sa inis ko ay kinuha ako ang print out na hawak ni Lea na ngayon ay gusot-gusot na. Walang pag-alinlangan kong pinaghahampas si Joshua. “Ang kapal ng mukha mo para sabihin kay Lea 'yan! Feeling gwapo ka! Manlokoko ka naman!” litanya ko. “Ouch! F*ck! Ano ba!” Nagmamadaling pumasok si Joshua sa kotse at pinaandar ang makina. Nakaharan kami sa daanan niya kaya bumusina siya nang pagkalakas-lakas. “Hoy! Siraulo!” hinampas ko ng papel ang koste niya at hinatak si Lea sa tabi ng kalsada. Kamuntikan niya pa kaming sagasaan ni Lea. “Bwisit na lalaking 'yon!” Binalingan ko ng tingin si Lea na ngayon ay humihikbi. Nakaramdam ako ng awa sa bff ko. Best friend forever ang ibig sabihin ng bff. Kaya 'yon ang tawagan namin ni Lea. ... Kinaumagahan... Mugto ang mga mata ni Lea na pumasok sa school. Nagkasabay kami pagpasok sa gate. Nakayuko ito at walang gana. Malungkot at malamig ang mga mata. Labis siyang nasaktan sa sinabi ni Joshua. Inakbayan ko siya at hinaplos ang kaniyang ulo. Para mabawasan ang sama ng loob niya na nararamdaman. “Ano ka ba? Lalaki lang 'yan,” sabi ko. “Sorry, Chloe. First love ko si Joshua... kaya ang sakit lang,” nanginginig ang boses na sabi niya. “Hays... mamaya ililibre kita ng icecream! Kaya huwag ka nang malungkot, okay? Ipamukha mo kay Joshua na wala siyang kwenta! Mayaman lang s'ya pero ang ugali niya ay basura!” bulalas ko. Ngumiti nang pilit si Lea sa mga sinabi ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. “Bakit icecream?” tanong niya. “Kapag malungkot ang isang tao o may hindi magandang nararamdaman ay mabuti raw sa atin ang matatamis na pagkain. So, icscream lang ang afford ko. Alam mo naman poorita lang ako, bff,” paliwanag ko. Natawa nang bahagya si Lea sa akin. Palinga-linga si Lea sa paligid. “Thank you! Wait, himala... hindi mo kasama si Samuel?” usisa niya. “Ewan... maaga atang pumasok. Baka may kasunduan sila ni Joana.” sagot ko. Simula nang araw na 'yon ay tumatak na sa utak ko na mahirap magmahal ng taong mayaman kapag mahirap ka lang. Ang iba sa kanila ay puro laro lang ang nasa isipan. Ang katulad nilang mayaman ay nababagay lang sa mayayaman. Sabrina' Birthday... “Happy Birthday, Sabrina! gift ko pala para sa'yo,” bati ko sabay abot ng regalo kay Sabrina. “Thank you, Ate Chloe! May gift pa ako! Ang bait mo talaga ang ganda mo pa!” nakangiting tugon ni Sabrina. Nakangiti akong pinisil ko si Sabrina sa kaniyang pisngi. Natawa siya nang bahagya. “Nag cute-cute mo talaga!” gigil kong sabi. Natigilan kami nang dumating sina Samuel at Joana. Nakahalukipkip sa braso niya si Joana at halatang wala ito sa mood. Si Samuel naman ay nakangisi na nakatingin sa amin habang papalapit. “Happy Birthday, bunso!” Hinalikan ni Samuel sa kaliwang pisngi si Sabrina. Gumilid ako at tumayo nang tuwid. Nang tingnan ko si Chloe ay tinaasan niya ako ng isang kilay. Problema nitong babaeng 'to? Kalbuhin ko kaya ang kilay nito? Malaki ang problema niya sa akin. “Thank you, Kuya Samuel!” tugon ni Sabrina. Siyam na taong gulang na si Sabrina ngayon. Samantala sina Ninang Ellen at Nanay Celia ay abala sa pagluluto ng mga handa. “Happy Birthday, Sabrina! Here's my gift to you!” Inabot ni Joana ang isang malaking regalo kay Sabrina na malaking kahon. “Ikaw na naman? Kuya 'di ba sabi ni Mama, bawal na siya rito?” Nanlaki ang mga mata namin ni Samuel sa sinabi ni Sabrina. Habang si Joana ay namilog ang mga mata at kumunot ang noo. “Kuya dapat si Ate Chloe na lang ang girlfriend mo! Maganda na mabait pa. 'Di tulad niya,” litanya ni Sabrina. Sa gulat ko ay mabilis kong tinakpan ang bibig ni Sabrina at hinatak siya palayo. “J-Joana! Pasensya ka na! Halika na Sab!” paatras kaming naglakad ni Sab at nakatakip pa rin nag kamay ko sa kaniyang bibig. “Alam mo, I like your sister, Samuel! Nakakagigil, sobra...” matigas na sabi ni Joana. Natawa ako nang bahagya sa sinabi ni Sabrina. Lokong bata ito. Nang marating namin ang kwarto nila ni Samuel ay umupo kami sa kama nila. “Sabrina... mali 'yong sinabi mo kay Joana.” “Ayaw ko sa kan'ya, Ate. Sabi ni Mama ay h'wag ko raw gayahin ang gilfriend ni Kuya Samuel,” nayayamot na sabi ni Sabrina. Bumuntong hininga ako dahil naawa rin ako kay Joana. “Pero kahit na... masama 'yon. Girlfriend siya ng Kuya Sam mo. Igalang mo rin s'ya tulad ng paggalang mo kay Sam, sa akin, kay Ninang Ellen at Ninong Allan...” mahinahon kong paliwanag. “Sorry po, Ate Chloe. Bakit kasi hindi na lang ikaw ang girlfriend ni Kuya.” “Alam mo, wala pa sa isip ko 'yan. Saka magagalit si Nanay Celia kapag nalaman niyang may boyfriend na ako,” ani ko. Nakangiti si Sabrina nang mabuksan niya ang regalong binigay ko. Isa 'yong maliit na manika na nakausot ng kulay pula na gown. “Wow! Barbie! Ang ganda naman nito, Ate Chloe!” namamangha niyang saad. “Nagustuhan mo ba?” tanong ko. “Opo, Ate! Ang ganda-ganda niya. Para siyang isang prinsesa!” Hinaplos ko sa buhok niya si Sabrina. Nakangiti akong tinitigan siya. Masarap siguro sa pakiramdam kapag may kapatid na babae. “Ikaw 'yan... balang-araw paglaki mo ay magsusuot ka ng gown. Magiging maganda ka sa paningin ng iba,” puri ko. Mayamaya pa ay dumating si Dave at pumasok sa loob ng kwarto. Nakabukas lang kasi ang pintuan. “Ate Chloe, tawag ka po ni Nanay. Tulungan mo raw sila ni Ninang Ellen mag-ayos ng mga handa,” ani Dave. “Sige, Dave. Maglaro muna kayo ni Sabrina,” bilin ko. “Tara, Sab! Sa labas tayo,” pag-aaya ni Davw at tumayo si Sabrina. “Bye, Ate Chloe!” Nagmadali silang lumabas ni Dave at iniwan ni Chloe ang kahon na regalo ni Joana. Pinulot ko iyon at ipinatong sa higaan ni Sabrina. Saka ako lumabas sa kwarto at tinungo ang kusina kung nasaan naroon sina Ninang Ellen at Nanay Celia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD