Chapter 04

2335 Words
[Third Person's Pov] Nakaupo si Celia at abala sa pagkuskos ng mga labahan. Tumatanggap si Celia ng labada para kumita. Naubos na ang puhunan niya sa paninda at ngayon ay naghihikahos sila. Si Chloe ay nautusang magbantay sa kaniyang bunsong kapatid habang naglalabada ang kaniyang ina. “Chloe, anak! Halika at mag-igib ka na,” utos ni Celia sa kaniya. Karga-karga ni Chole si Dave na lumabas mula sa loob ng bahay. Summer at walang pasok ang mga estudyante. “Sige po, Nay.” Ibinaba niya si Dave at naglakad sila palapit kay Celia. Tumayo sankinuupuan si Celia at nagpunas ng basang kamay na puro bula ng sabon. Kinarga ni Celia si Dave at umupo sa silya na nakasandal sa pader. “Tawagin mo ako, anak ha kapag tapos ka na mag-igib. Dating gawi at ako ang magbubuhat,” nakangiting sabi ni Celia sa kaniya. “Okay lang po, Nay. Sana magkaroon na tayo ulit ng tubig upang hindi ka nahihirapan sa paglalaba.” Nagkatitigan silang dalawa at ngumiti sa kaniya nang pilit si Celia. “Pasensya ka na anak, ha. Wala pang pambayad si Nanay sa tubig. Hindi ko na nga alam kung saan pa ako kukuha ng pambayad ng bahay. Nagagalit na si Manang Rosa,” nag-aalalang sabi ni Celia. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Celia at muli ay nginitian siya nito. Gumanti siya ng ngiti sa kaniyang ina at binitbit ang dalawang malaking timba. Naglakad si Chloe habang malungkot ang mukha niya. Labis na siyang naawa sa kaniyang ina dahil hirap na hirap na ito. Sa gabi pa ay naririnig niya si Celia na umiiyak. Mahina ang daing, ayaw ipaalam o iparinig sa kaniya. Ayaw ipakita ni Celia na pagod na siya. Napako ang tingin ni Chloe sa nakasalubong mag-ama na naglalakad. Tila ba kinurot siya sa kaniyang puso. Namuo ang buti ng luha sa kaniyang mga mata. Sumagi sa isip niya ang nakangiting mukha ni Cardo. Parati niyang naalala na dinadalhan siya ng pasalubong na keyk. Bumalik siya sa ulirat niya na kahit kailan ay hindi na ulit mangayayari ang bagay na 'yon. Wala na ang kaniyang minamahal na ama. Ang me'ron siya ngayon ay kaniyang ina at bunsong kapatid. Huminto siya sa paglalakad at pinunasan niya ng kaniyang damit ang mga mata. Baka ano pa ang isipin ng mga makakita at magtaka kung bakit siya umiiyak. “Chloe!” Tinapik siya ni Samuel sa kaniyang balikat. Napakunot ang kaniyang noo na tumitig sa kababata. Inagaw ni Samuel sa kaniya ang isang timba. “Tulungan na kita,” mungkahi nito. “H-Ha? H'wag na baka hanapin ka ni Ninang Ellen.” Pilit niyang kinukuha ang timba kay Samuel. Ngunit tumakbo na si Samuel palayo sa kaniya. Naglakad ito nang paatras na nakaharap sa kaniya. “Halika na, nagpaalam ako kay Nanay. Nag-uusap sila roon. Tulungan na raw kita sabi ni Inay.” Ngumisi si Samuel at tinalikuran siya at patuloy sa paglalakad. Nang matapos sila sa pag-igib sa poso ay binuhat ni Samuel ang isang timba. Magaap niyang pinigilan si Smauel sa braso. “Tatawagin ko si Nanay,” pigil niya. “H'wag na... si Nanay ko na nagsabi, ako na magbubuhat. Diyan ka lang at babalikan ko 'yang isang timba. Bantayan mo na lang,” giit nito. Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si Samuel na humahangos. Pagod na pagod at hinihingal. “Bakit, Samuel? Para ka namang hinahabol, nagmamadali ka ba agad na mabuhat 'to?” Nagpamewang si Chloe na nakangiti kay Samuel. “H-Hindi. B-Bilisan mo, Chloe. Si Manang Rosa inaaway si Nanay Celia! Pinapalayas na kayo sa bahay niyo!” hinihingal na sambit ni Samuel. Nanlaki ang mga mata ni Chloe sa mga sinabi ni Samuel. Dali-dali siyang tumakbo para tunguhin kaagad ang kan'yang ina. Bumilis sa pagtibok ang puso niya. Kung palalayasin sila ay wala na silang matitirhan pa. “Teka lang, Chloe! Hintayin mo ako!” Kumaripas sa pagtakbo si Samuel na humabol kay Chloe. Nang makarating sa bahay nila ay natulala si Chloe sa nadatnan n'ya. May mga kasama si Manang Rosa na dalawang lalaki at pumasok ito sa loob ng bahay. Paglabas ng isa ay may bitbit itong mga gamit nila. Inilapag sa kalsada. “S-Sandali, Kuya! H'wag ninyong pakialaman ang mga gamit namin!” sigaw ni Celia sa dalawa. “Pasensya na po, Ate. Sumusunod lang ho kami kay Manang Rosa,” Nilingon nito si Manang Rosa na nakahalukipkip ang mga braso. “Nay! Saan na po tayo titira?” umiiyak na tanong niya. Niyakap siya ni Celia nang mahigpit. Lumapit si Ellen na karga si Dave. Magkasalubong ang mga kilay na natitig kay Manang Rosa. “Manang Rosa, baka naman ho p'wedeng pagbigyan mo sila?” pakiusap ni Ellen. “Ano'ng pagbigyan! Anim na buwan na silang hindi nagbabayad. Kahit saang korte pa tayo makarating ay labis na ang binigay kong palugit! Tatlong buwan lang ang kaya kong ibigay na palugit. Pero ano'ng nangyari, Celia! Hindi p'wedeng pagbigyan ko na naman kayo. Umalis na kayo rito at may iba nang uupa.” Ibinuka nito ang hawak na pamaypay at pinaypayan ang sarili. Bakas sa mukha ni Manang Rosa ang labis na inis at pagkairita sa mag-ina. Kahit nagmakaawa na si Celia ay hindi na ito nakinig pa. Lumapit si Chloe kay Manang Rosa at hinawaka niya ito sa braso. Nangungusap ang mga mata ni Chloe na nakatitig sa mga mata ni Manang Rosa. “Manang Rosa... baka naman po p'wede niyo kaming pagbigyan ulit. Wala na po akong tatay kaya naman po nahihirapan si Nanay. Ninakaw ang pera ni Nanay na pambayad sana sa inyo, sana po maawa kayo sa amin, Manang Rosa,” pagmamakaawa niya kay Manang Rosa. Ngunit nawindang ang lahat ng itulak siya nang malakas ni Manang Rosa. Napaatras si Chloe at natumba. Napaupo siya sa kalsada at napatda na nakatitig sa babaeng tumulak sa kan'ya. “Chloe!” malakas na hiyaw ni Celia at mabilis na tinungo si Chloe. Tinulungan na maitayo ang anak na ngayon ay humihikbi dahil sa labis na takot. “Wala kang puso! Pati ang bata!” galit na galit na sigaw ni Celia at humakbang palapit kay Manang Rosa. Gustong-gusto ni Celia na saktan si Manang Rosa sa labis na galit. Hindi siya makapaniwala na pati ang bata ay magagawa nitong saktan. “Walang hiya ka!” hiyaw ni Celia. Dumapo ang palad ni Celia sa kaliwang pisngi ng matanda na ikinagulat nito. Uulitin sana ni Celia ang pagsampal ngunit humarang na ang isang lalaki sa kasama ni Manang Rosa. Nanlaki at namilog ang mga mata ni Manang Rosa. Nanlaki ang butas ng ilong sa galit niya dahil sa natamong malakas na sampal. “Bwisit ka! Ilabas niyo na ang mga gamit niyan! Wala akong pakialam kahit masira pa ang mga gamit nila!” galit na utos ni Rosa sa dalawa at padabog na pumasok sa loob ng bahay. Napaatras si Celia nang mapagtantong nasaktan nito si Manang Rosa. Nadako ang tingin nito sa mga palad na siyang nanakit. Hindi makapaniwala na nagawa ang bagay na 'yon. “Pa-Patawad po, Manang Rosa! Patawarin niyo ho ako! H-Hindi ko sinasadya!” nanginginig na sabi ni Celia. Lumabas si Manang Rosa sa loob ng bahay at bitbit ang iilang damit nilang mag-ina. Tinapon ito ni Manang Rosa sa kalsasa sa labis na galit na naramdaman. Pumalahaw sa pag-iyak si Chloe dahil sa takot na naramdaman at sa ginawa ni Manag Rosa. Maging si Dave ay umiiyak na rin. Hindi magkamayaw sa pagpapatahan si Ellen kay Dave. Napaawang ang bibig ni Celia dahil nagkalat ang mga damit nila sa kalsada. Halos nanlumo at nanghina ang tuhod ni Celia sa kaiiyak. Tinungo niya ang nagkalat na mga damit at isa-isang pinulot ang mga iyon. Walang tigil sa pagtulo ang luha ni Celia dahil sa labis na sama ng loob. ... “Alam mo ang sama talaga ng ugali n'yang si Manang Rosa! Parang tumandang paurong! Hindi man lang naawa sa inyo!” bulalas ni Ellen at umupo sa lamesa. “Hayaan mo na, wala na tayong magagawa. Baka nangangailangan si Manang Rosa. Sobra-sobra na rin ang palugit na binigay sa amin,” mahinahon na sabi ni Celia. Sinubuan ni Celia si Dave ng isang kutsarang pagkain. Katabi nila si Chloe na kumakain na rin ng hapunan. “Manatili muna kayo rito. Habang wala pa kayong matutuluyan...” mungkahi ni Ellen. “Maraming salamat, Kumareng Ellen. Kung wala ka hindi ko alam kung saan kami pupulutin nito. Ang sakit na sa ulo kung paano pa kami magpapatuloy.” “Okay lang 'yon, ano ka ba? Tayo lang ang magtutulungan. Saka kawawa naman itong magandan kong inaanak,” nakangiti niyang sabi sabay tingin kay Chloe. “Siya nga pala kamusta na 'yong pakikipag-usap mo sa kapatid ni Cardo?” singit ni Ellen. “Ayun, galit na galit. Bagay lang daw sa amin ang nangyari. Nakakarma na raw ako,” malungkot na sagot ni Celia sabay hugot nang malalim na hininga. Mayamaya ay dumating si Allan ang asawa ni Ellen. Galing ito sa trabaho. Nalaman n'ya ang nangyari sa mag-iina. “Tatay!” Tumakbo si Samuel ay nagmano sa ama. Tumayo rin si Chloe at sinalubong ang Ninong Allan niya at nagmano bilang pagbigay galang. Lumapit si Allan at hinalikan sa pisngi si Ellen habang napako ang tingin nito kay Celia. Nakaramdam nang pagkailang si Celia kaya naman yumuko s'ya upang iwasan ang tingin ni Allan. Hindi siya komportable na gano'n makatitig si Allan sa kaniya. Napailing siya nang bahagya. Marahil ay labis lang s'yang nag-iisip nang husto. Sa rami at bigat ng problema n'ya. “Kain lang nang kain, chloe. H'wag mahiya kay Ninong,” nakangiting sabi ni Allan kay Chloe. “P-Pasensya ka na Pareng Allan, hindi naman kami magtatagal dito ng mga bata,” nahihiyang saad ni Celia. Umupo si Allan sa tabi ni Ellen at kinuha ang kanin at isinalin sa pinggan. Ngumiti si Allan kay Celia. “Okay lang, Mareng Celia. Hindi namin kayo pwedeng pabayaan. Ano na lang ang sasabihin ni Cardo.” Napawi ang ngiti ni Allan sa sinabi nito. Maging si Celia ay natahimik sa pagbanggit ni Allan ng pangalan ni Cardo. Ngumiti nang pilit si Celia habang si Ellen ay patagong kinurot sa tagiliran si Allan. “O-Okay lang, ano ba kayo. Sige na at kumain ka na rin, Pareng Allan. Tiyak akong pagod ka. Masarap ang luto ni Mareng Ellen,” giit ni Celia. “Siya nga pala. Nakausap ko 'yong kasamahan ko sa trabaho, may bakanteng bahay raw doon sa tabi nila. Naghahanap ng caretaker ang may-ari. Nasa Dubai kasi sila. Sayang naman daw kung walang mag-aalaga sa bahay. Libre rin ang tubig at kuryente,” magiliw na sabi ni Allan. Nanlaki ang mga mata nina Ellen at Celia sa narinig na magandang balita ni Allan. Nakangiting niyakap ni Ellen ang asawa. “T-Totoo! Naku, Mareng Celia. P'wede kayo roon. Mabait pa rin ang Diyos at hindi kayo pinababayaan!” nakangiting saad ni Ellen. Ngumiti si Celia at tiningnan sina Dave at Chloe. Parang lumukso ang kan'yang dugo sa tuwa. Kanina ay hindi niya alam kung paano pa makababangon. Hindi rin kalakihan ang naipon n'ya dahil para iyon sa pag-aaral ni Chloe sa darating na pasukan. “Narinig mo ba 'yon, Chloe? May matitirhan na rin tayo.” Hinaplos ni Celia sa ulo si Chloe habang matamis na nakangiti. “Maraming salamat po, Ninong Allan.” Sumubo ng isang kutsarang pagkain si Chloe. “Dumito na muna kayo. Puntahan natin kapag gusto mong makita. Saka Ellen, Mareng Celia. May mga kasama akong gustong magpalaba sa'yo. Puro lalaki kasi at ang iba ay nasa probinsya ang mga asawa. Wala raw silang tagalaba.” Lalong lumawak ang ngiti ng magkumare at gigil na tumawa sa isa't isa. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Celia at guminhawa ang pakiramdam. “E, nakausap mo na ba ang HR niyo? Para makapagtinda si Celia doon sa factory n'yo ng lutong ulam,” singit ni Celia. “Oo nga pala! Pumayag si Ma'am Nalyn. P'wede ka magdala ng mga order doon bago magtanghali.” “O, 'di ba? Ang galing ng mister ko. Kayang-kaya mo 'yan Mareng Celia. Basta kapag kailangan mo ng tulong narito lang kami, ha?” Dinampot ni Ellen ang isang mangkok na may ulam at inabot kay Celia. Nakangiti si Celia na inabot ang ulam na binigay ni Ellen. Tatanggapin niya ang lahat ng inalok ng mag-asawa. Gagamitin niya muna ang kaunting halagang naipon para sa pag-aaral ni Chloe sa pasukan. 'Yon muna ang gagamitin n'yang puhunan para mapalago ito. “Maraming salamat sa inyong dalawa. Tiyak akong masaya si Cardo kung nasaan man s'ya ngayon. Alam n'yang hindi ninyo kami pinabayaan. Balang-araw ay susuklian ko rin kayo, Mareng Ellen, Mareng Allan...” naiiyak na sambit ni Celia. “Walang problema. Sino pa ba ang dadamay sa inyo. Alangan naman hintayin mo pa ang kapatid ni Cardo— Aireen ba 'yon! Kaya ikaw, Chloe, inaanak. Pagbutihan mo ang pag-aaral mo. Balang-araw ay makikita ng Aireen na 'yon na nagkakamali sila,” litanya ni Ellen. “Opo, Ninang Ellen. Gusto ko maging reporter paglaki. Tulad no'ng mga nasa balita. Para maipagmalaki ako ni Nanay. Hindi rin ako papayag na apihin ang mga mahihirap na tulad natin,” matapang na saad ni Chloe. “Ako naman, Nay, Tay! Magiging pulis ako. Tutulungan ko si Chloe na mahuli ang masasamang loob,” singit ni Samuel. “Si Chloe ba ang taga-report sa 'yo Samuel?” tatawang biro ni Ellen kaya naman nagtawanan silang lahat. Nagpatuloy sila sa pagkain ng hapunan. Kinabukasan ay tinungo nina Allan at Celia ang bahay na matitirhan nila. Nasa kabilang kanto lang ang bahay na 'yon malapit sa factory. Maayos at ligtas ang bahay. Malaki at malawak kaya naman tamang-tama para sa kanilang tatlo. May kalakihan ang bahay at may mga gamit. P-wedeng gamitin ang ilan sa mga 'yon basta ingatan lamang. Sagot na rin ng may-ari ang tubig at kuryente basta limitado ang paggamit. Kapag sumobra sa pinag-usapang bill ay sasagutin ni Celia ang sobrang bayarin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD