[Chloe's Pov] Laglag ang panga ko sa mga sinabi ni Manang Rosa. Ang naramdaman kong awa kanina ay naglaho na parang bula. Matanda na siya ngunit gano'n nga pala talaga ang ugali niya. Ngunit sa pagkakataong ito ay pinigilan ko pa rin sa sarili ko na huwag siyang patulan. Biglang humarang si Samuel nang duruin ako ni Manang Rosa sa hindi ko malamang dahilan. “Maghunos-dili ho kayo, Manang Rosa. Walang ginagawang masama sa inyo ang pamilya ni Honeybunch ko, este ni Chloe ko.” Ngunit patuloy pa rin sa pagtatalak ang matanda. Mukhang ang laki-laki ng problema niya. “Ano'ng wala. Malas ang pamilyang 'yan! Wala silang magandang naidulot. Dahil sa kanila ay nagkandaletse-letse ang paupahan ko!” sigaw niya. Kumunot ang noo ko sa kan'yang sinabi. Hinawakan ko si Samuel sa balikat at nilingo

