Enjoy reading! NAPAMULAT ako ng mga mata at tiningnan ang lalaking kumuha ng pinaka iniingat ingatan ko. Ngayon lang ako nakaramdam nang pagsisisi sa nangyari. Binigay ko ang sarili ko sa taong kinamumuhian ko. Ngayon na nakuha niya na ang gusto niya sana huwag na niya akong guluhin pa. Sana hayaan niya na ako. Maingat akong bumangon para hindi siya magising. Pinulot ko ang mga damit ko at agad iyong sinuot. Napapangiwi ako dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa gitna ko. Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya ay tiningnan ko muna siya. Sana hayaan niya na ako. Pagkalabas ay dali-dali akong bumaba ng hagdan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Madaling araw na. Mabilis ang bawat lakad na ginawa ko. May mga ilaw naman sa gilid ng kalsada kaya hindi nakakatakot. Nang makarating sa kant

