Chapter 4

2502 Words
Chapter 4 Busy sa pag aayos ng gamit si Althea nang makita niya ulit ang isang calling card. "Baby Boss." Bulong niya at binasa ang mga nakasulat. "If you want baby call me?" Natawa siya sa slogan na nakasulat dito. Natawa siya at lumabas ng bahay, pinag masdan muna niya kung may tao at doon tinawagan ang numero. Wala namang mawawala kung susubukan. Panay ring lang ang cellphone. "Hello?" Saad ni Althea sa kabilang linya, "you called me? It means you want baby." Sagot sa kabilang linya. "Ah hindi naman sa ganon, nakita kolang kasi sa bag ang itong card mo hindi ko din alam sinong nag lagay." Saad ni Althea. Narinig niya ang tawa ng isang lalaki. "Open the link below para malaman mo kung sino ang tinawagan mo." Sagot ng lalaki sakaniya. Binabaan siya nito ng tawag at doon binuksan ang internet. Nanlaki ang mata niya sa nakita niyang website. "BABY MAKER!?" Nagulat siya at nakita niyang maraming feedbacks sa website na ito. "s**t? Binibenta ang sperm? Syringe 60ML fifty thousand? Wala pang check up or any test? Anong kagaguhan to? Si Marie ba ang nag bigay saakin nito?" Halos madurog niya ang cellphone ng makita ang mga nakalahad sa website. "Nope, hindi ako kadesperada to pay for this s**t!" Nilukot niya ang papel at tinapon. Papasok na siya ng bahay at nadinig niya ang pag ring ng telepono. "HELLO?" Bulyaw niya sa kabilang linya. "So are you interested, don't worry wala namang intercourse. I can give you a discount." Sinabi ng lalaki sa kabilang linya. Napakagat labi si Althea at napaisip. "Pag iisipan ko bye" Kinabukasan kasama niya si Marie sa classroom at doon pinag uusapan ang tungkol sa Baby Maker na Website. "Really may discount baka naman safe yan ipapa test mo naman siya." Sinabi ni Marie. "Pwede ba nakakatakot, baka may sakit may topak pala yung lahi non, okaya pangit ang lahi. "f**k s**t girl itry mo kaya nga ipapatest natin! Ako na bahala libre kita, kahit man lang maging ninang ako ng anak mo. Ayaw mo yun buntis ka pero never been touched!" Tawang tawa na sinabi ng kaibigan nito. "No ayoko, nope hindi hindi!" Pagtanggi nito. Kahit iwasan niya ang pag iisip ay sumasagi pading pilit ang nakalagay doon. Gusto na niyang mag ka baby pero hindi naman sa ganitong paraan na isang syringe at sperm ng lalaki ang bubuntis sakaniya. "Try mo bilang baklang tulad ko sis, nakakainggit padin mag buntis. Imagine diba yun yung pinaka reason mo bilang babae, yung mag karoon ng baby sa tiyan yung mag ka anak ka bakit hindi mo subukan, kung legit na babae lang ako Althea baka ako na ang gumawa niyan ." Seryosong sinabi ni Marie. "Bahala na" matamlay mag hapon si Althea pati pag uwi nito. Sobrang sakit ng batok niya at init ng mata. "Tawag ka ng kapatid ni Madame, doon sa dulong kwarto anak. May ipapaayos sayo" utos ng ina niya, nilapag lang niya ang gamit at tumakbo na papasok sa kwarto nito. "Sir ano pong iuutos niyo?" Tanong ni Althea. "Go inside, arrange my books." Mahinang sinabi nito sakaniya. Para bang tuod ang kausap niya nakatutok lang sa laptop at nakatalikod. Buhat buhat niya ang mabibigat na libro nito, hindi niya alam kung bato ba ang per page nito dahil mabigat pa sa adobe. Kahit aircon ang buong kwarto nito ay pinag pawisan siya dito. Umupo siya sa sahig at binasa ang isang libro tungkol sa sakit na Tumor, cancer at iba pang pupwedeng maging rason ng pag kakamatay ng isang tao. "I said Arrange! Not read!" Sigaw nito sakaniya. Papatayo si Althea ng maramdam ng hilo, bumagsak ang libro sa balikat niya. Hindi ito ang magaan na libro kundi yung mabigat na binuhat niya. "Oh s**t! Are you okay? Hey talk to me!" Nakita niya ang kulay brown na mata ng lalaki at matangos na ilong. "Hey! May sakit kaba? Ang init mo?" Tinabig ni Althea ang kamay nito at inayos ang upo "okay lang ako sir, upo napo kayo doon aayusin ko na po ito. "I will help you." Mahinang sinabi nito at tinulungan nga siya. Walang kibo si Althea at nakatingin lang sa inaayos. "You are the tutor of Nanahara? And daughter of aling Antonia?" Tanong ng lalaki na slang pa mag tagalog. "Opo sir." Maikling sagot nito. "How old are you?" Tanong nito sakaniya. Mas mahinahon pa itong kausap kaysa sa ate niyang ubod ng katopakan. "Thirty two ikaw Sir." Ngumiti siya dito at nilingon pero nakatakip padin ng hood ang ulo nito. "Twenty nine, but you look like" napatigil ito at parang umaasa si Althea na sasabihan siya nito ng mukha ng matanda. "Like korean, I mean, baby face. Balita ko artist ka." Humarap ito sakaniya at ngumiti. "Koreano naman po kasi talaga ang tatay ko kaso, ayon joke lang siya kaya ayon wala siya. Gurang nako sir mukha lang bata," sinabi nito at tumawa din. "Ah sorry to hear that, kinukwento ka lagi saakin ni Nanahara, sobrang haba daw ng pasesnya mo sa ate ko yung hindi ka nag tatalk back." Pang aasar nito. Napatawa nalang si Althea at guilty na tumawa, totoo lang pinag tatyagaan niya ang ate nito. "Ah opo syempre mabait naman po ang ate niyo. Kayo nga po ngayon kolang kayo nakilala..." saad nito. "What's your full name?" Tanong nito. "Althea Venice Reyes po" nakipag kamay ang lalaki sakaniya. "Just call me Noah." Saad nito, nagkapalagayan sila ng loob at sinama siya nito sa harap ng computer. "Can you make this incredible?" Tanong ng lalaki sakaniya. Hinarap siya sa isang poster, at nanghihingi ng suggestion ang lalaki sakaniya. "Masyado pong over designed" saad ni Althea at tinuro ang dapat gawin. Natuwa siya at pinaupo pa siya sa harap ng computer nito. Hindi niya akalain namay natitirang mabait pala sa dugo ng mga Cervantes. Kung sino pa ang lalaki ay siyang mababait sakanila. Natapos ang trabaho niya dito at lumabas na siya ng kwarto nito. Nag double check muna siya sa ground floor bago isara ang pinto. "Psst!" Nilingon niya ang second floor at doon nakita si Noah na bumaba. "Pwede mo ba akong samahan?" Mahinang sinabi nito, "Ha sir? Gabi na po" saad niya pero hinatak siya nito papalabas ng bahay. "Go inside." Utos sakaniya nito at nag maneho ng kotse. "Saan po tayo?" Tanong ni Althea. "Woods, my place. May itatanong lang sana ako sayo" tanong ng lalaki sakaniya. Habang busy sa pag mamaneho. "Ah sige po, buti lagi po kayong naka hoodie?" Tanong niya dito. "Wala lang, nasanay lang ako" yun lang ang sagot nito pag tapos ay narating nila ang bahay na kulay puti ang pintura, walang kapit bahay at mataas ang lugar. "Bahay niyo po ito?" Tanong nito. "Yup ilang ulit?" Masungit na sinagot nito sakaniya. Pumasok sila sa loob ng bahay at doon maraming painting at mga litratong nakasabit sa wall "sino po yung babae?" Tanong niya. "That's from my imagination, my first model noong nag aaral pa ako ng arts, Multimedia arts." Sagot ng lalaki. "Really!? Pareho tayo!" Dinampot ni Noah ang camera at inabot sakaniya. "I will give you more than month, or kung kailan mo gustong ibalik ,do some photo yung nakaka inspire sayo." Sinabi nito sakaniya. "Ha para saan naman po?" Pag tatakang tanong nito. "Use your talent, hindi dapat naka stock lang ang talent.Tara uwi na tayo." Na wiwirduham si Althea sa Lalaking ito dahil kung ano ano ang inuutos sakaniya. Hindi din naman niya tinatanggihan ang sinasabi to dahil pangarap na niya noon pa ang mag karoon ng camera for photography. Narating nila ang bahay at hinatid pa siya nito hanggang sa pintuan ng kwarto niya. "Goodnight Thea." Mahinang sinabi nito at nag wave ng kamay. "Saan ka galing?" Gulat na gulat si Althea. Marinig ang ina niya. "Mama naman! May pinasuyo lang si Sir Noah. Ma mabait pala yon!" Pag kukwento niya "Ang sabi saakin ni Manang Tsang mabait nga daw ang batang yon kaso anti social daw, o hindi ko alam hindi siya masyado lumalabas ng bahay." Pag kukwento mg ina. "Ano yan anak?" Biglang tanong ng ina niya dahil nilitratuhan niya ang ina niya. "Ah pinahihiram ni Sir saakin ng one month pag tapos ibalik ko daw, may pinagagawa siya saakin.." sagot ni Althea. Matapos ang mahimbing na pag tulog, alas singco palang ng umaga ay naka mulat na siya nakita niyang nakaupo sa gilid ang boss niyang lalaki. "Hi Goodmorning!" Bati nito sakaniya. "Nako sir ang aga pa ho." Sinabi niya dito at dinampot niya ang walis, dahil tuwing umaga nililinis niya ang mapunong bakuran. "Is that your morning routine?" Tanong ng lalaki, "Trabaho sir hindi lang routine." Sagot niya. "Edi pag tapos mong gumraduate aalis na kayo dito?" Tanong ng lalaki sakaniya. Tumango si Althea dito. "Kapag po nakahanap na ng maayos na work din, matanda na po si Mama kailangan chill chill nalang siya." Sinabi ni Althea at ngumiti sakaniya. "Ahh hindi rin pala tayo magiging mag kaibigan," diretsong sinabi nito. "Ha? Nako boss kita sir." Sinabi ni Althea at humarap dito. "Kapag ako ang kasama mo you can call me Noah Only no sir no boss" sinabi nito sakaniya. "Sir naman hindi pupwede baka ho ma Lagutan sa ate niyo." Sinabi ni Althea, "kapag ako nag salita at nag demand alam niya ako padin masusunod." Sagot nito sakaniya. Nagulat siya ng hatakin siya ng lalaki papasok ng kusina, "Can you cook? I mean this one," pinakita pa sakaniya ang isang litrato sa google. "Sir ang easy lang ng Carbonara" sagot niya dito. "Okay then cook I will wait here." Ngumiti ito sakaniya Pinanunuod lang niyang mag luto ang dalaga habang siya ay nag tatanong din sa mga sangkap nito. "I bet you are a good wife too." Sinabi nito sakaniya. Natawa si Althea at walang tigil sa mahinang pag tawa. "Ano kaba sir" tawang tawa si Althea dito at tumingin sa nagtatakang itsura nito. "Why? May mali ba sa sinabi ko, Thirty plus kana so I bet may family kana or any?" Sinabi nito. "Wala po ako, single at nilagpasan na ng kalendaryo at ng panahon," natatawang sinabi nito sa lalaki. Mas na curious naman ang lalaki sakaniya at nag tanong ulit. "Why? Maganda kanaman. Ni isa wala?" Tanong nito. "Wala, may balat po yata ako sa pwet kaya minamalas," pabirong sagot nito. "Maybe they don't know the real meaning of Sexy Woman." Sinabi nito. "Meaning?" Tanong ni Althea dito. "Sexy woman inside and outside. Matanda ka saakin pero hindi mo alam ibig sabihin niyan?" Pang aasar nito. Medyo na bwisit si Althea ng marinig ang matandang word. "You should smile often para may mang ligaw sayo." Dagdag pa ng lalaki. Ngito nalang ang sagot ni Althea at asar na asar sa lalaki. Hindi niya alam kung pupwede niya bang bawiin ang sinabi niyang mabait ito. "Ay good morning po sir!" Bati ng ina ni althea. "Hi Goodmorning. Sabay na ho kayo saakin." Pag aya ng binata. "Nako sir pag tapos niyo doon po kami susunod," sinabi ni Althea, "Why? Halika na, i feel sad While eating alone." Sinabi nito. Wala din naman nagawa ang mag ina at sinabayan sa pag kain ang binata. "Sir hindi po ba kayo naiinitan sa pag hood niyo, hindi naman po sa nakikialam pero nakaharap po ang Diyos kapag kumakain tayo." Sinabi ng ina ni Althea, sinipa niya under the table ang paa ng ,ina niya, "nako sir huwag niyo na pong intindihin ang sinabi ni Mama, kasabihan lang po yon ng matatanda. " sagot ni Althea at tinignan ang ina. "Really? Sorry I don't know" nagulat silang dalawa ng inalis nga nito ang hood niya. Natunganga si Althea ng makita nito ang mukha ng lalaki. "Anak may langaw." Bulong ng ina niya dahil napanganga ang dalaga ng makita niya kung gaano ka gwapo ang lalaki. "Kailan kayo nakisabay kumain sa boss? Manang Antonia at Althea?" Malditang tanong ni Beatrice. "Sorry po" tumayo si Althea at hinawakan ang kamay ng ina. "Damn, don't be so rude sis? We're eating peacefully then yung bullshit attitude mo ang papairalin mo infront of the table? Where's the Manners?" Natunganga ang mag ina ng marinig sumagot si Noah dito. "Both of you follow me" mariin na utos ng binata sa mag ina. Sinusundan nila ang lalaki na papunta sa kotse nito. "Sakay." Utos niya sa mag ina. "Not there!" Bulyaw ni Noah kay Althea na sumakay sa back seat. "Come here" tinuro ng lalaki ang front seat at doon lumipat si Althea. Nag mukhang tuod ang ina ni Althea na naka upo lang at hindi gumagalaw. Samantalang si Althea na panay kurot sa daliri. "I'm sorry po sa ugali ng ate ko, kailan pa po ganoon ang treatment niya sainyo?" Tanong ng lalaki sa dalawa, "Nako sir mabait naman po ang ate niyo." Singit ni Antonia. "Nope, I know her kaya gusto kong itanong kung ganiyan na talaga siya mula noong umuwi siya. Or worst dati pa. Hindi ko lang ho ma pigilan maasar sa ugali niya kaya nasabi ko yon." Reklamo ng lalaki. Si Althea na nilingon niya ay tahimik padin. Dinala niya sa isang kainan ang mag ina at doon sila kumain. "Sir iless niyo nalang po ito sa sahod namin." Saad ni Althea. "Hindi. Huwag mo akong turuan kumain na kayo." Diretsong sinabi niyo at silang tatlo ay sabay sabay sa pag kain. Sinulyapan niya ng kakaunti sng mukha ni Althea na walang ka make up make up at napaka kinis ng mukha. Pareho silang mag ina, kala mo hindi kasambahay, pero ang mga kamay nito halata ang mabibigat na trabaho. "Bakit ang aga aga mong bwisit Bea?" Galit na tanong ng ina niyang si Neriza. "Paano yang bunso mong anak sinagot sagot ako sa harap ng mga katulong! Sinabay niya sa hapag kainan yong dalawang hampaslupang mag ina!" Pag hihimutok nito. "Hindi kapa ba nasanay sa kapatid mo? Sabihin nanating hindi pala labas ang kapatid mo pero kung nakitaan niya ng mabuting loob ang isang tao talagang tutulungan niya. Si Antonia at Althea ba ang tinutukoy mo?" Tanong ng Ina nito at tumango ang anak. "Ipakasal mo nayan para humiwalay na dito, kaugali ng tatay niyang pulitiko!" Sinaraduhan niya ng pinto ang ina at napailing nakang si Neriza sa sinabi ng anak niya. Sa totoo lang walang kasing bait ang pangalawa niyang nobyo ang tatay ni Noah, namatay ito dahil ipinapatay ng katunggali sa Pag takbo bilang Mayor. Tunay siyang kasal sa ama ni Beatrice, kung kaya't naging anak niya sa ibang lalaki si Noah, kay Mayor Noah Martinez na pumanaw na. Matapos kumain ng tatlo ay nakita niyang lumayo si Althea at bumili ng Bavarian Donut. Bumalik sila sa mansyon at pinag masdan lang ni Althea ang lalaki habang nakatalikod. "Anak sana ganiyang lalaki ang mapang asawa mo." Natutuwang sinabi ng ina nito. "Mama naman malabo, wala ngang nag kakagusto saakin ganiyan pa sa lalaking ubod ng yaman at gwapo. Halika na nga" hinatak niya ang ina at siya naman nag ayos para pumasok sa school. Maaga ang pasok niya ngayon at sumakto, may binili siyang donut para kainin habang nasa byahe, hindi din niya alam dahil hindi nabubusog ang tiyan niya kahit napaka dami na niyang kumain, hindi din siya tumataba tulad ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD