Chapter 6
Maagang nagising si Althea at lumabas na agad ng kwarto ni Noah dahil mag kikita sila ni Marie. Wala ng pag kain kung hindi ligo agad, "Saan ka galing? Hindi ka natulog dito?" Tanong ng Mama niya. "Ah nag overnight ako kay Marie ma, Ah Maa huwag matigas ang ulo kapag may pinapabili si Beatrice bruha ako na ang bibili okay? I love you Ma aalis na ako!!" Humalik siya sa ina at tumakbo na papalabas ng bahay.
Tumakbo siya papunta sa terminal ng Jeep. Napangiti siya ng makita ang bag na may biogesic at may note. Kasama niya kasi ang bag sa loob ng kwarto nito dahil hindi siya nakauwi sa kwarto nila ng Ina niya,
Ms. Lightning
Please take this Med. Use the umbrella mukhang uulan Mukhang walang Blue Sky
Natawa siya dahil parang bata ang sulat nito, kamuntik na niyang hindi naintindihan ang sulat nito. Para bang doktor na nag reseta ng gamot. "Hay ang bait mong bata ka." Bulong niya at nag bayad na ng pamasahe. Nag punta siya sa bahay ni Marie at diretsong pumasok. Feel at home naman siya sa bahay ng kaibigan niya
"Hey! Ready kana? Hay te kamusta yang panda eyes mo!" Pang aasar ng kaibigan nita. "Ano ba! May lagnat ako huwag kanang epal, saan ba kasi tayo pupunta baka malate tayo ha!" Saad niya dito. "Nakausap kona si Mr. Baby Maker, willing na siyang mag pa test ng dugo. So ano ready kanang mapasukan ng sperm!?" Malanding sinabi nito.
Hindi ngumiti si Althea at nag seryoso ang itsura. "What's with face my Besh?" Malanding sinabi ng kaibigan habang umiinom ng tubig. "Hindi ako ganoon ka desperada na mag ka anak, kung may darating edi dumating pero kung wala open ako Marie. Please sa ganiyang bagay huwag mo akong pakialaman, kaya ko namang mag desisyon." Seryosong sinabi nito.
Natahimik ang kaibigan at kinuha ang cellphone. "Cancelled na nag text na ako. Sorry bakla huwag kanang magalit, gusto lang kitang sumaya. " sinabi ng kaibigan nito. "Kaya kong sumaya sa sariling kong paraan, sa ibang paraan hindi yung mukha akong desperada na mag bubuntis dahil gusto kolang mag kaanak. Aminado naman ako, hopless romantic ako pero in a good way hindi ‘yung desperada way. Ayoko ng ganiyang plano, kung sino man ang nag bigay ng Card saakin sa bag ko mamatay na sana." Galit na sinabi niya.
Minabuti nalang nila n mag type sa research work dahil mag partner nanaman sila nito."mag overnight kanalang dito! Diyos ko patay ako kung hindi mo ako tuturuan sa research work na ito." Sinabi ng kaibigan niya sakaniya." At yumakap pa. "Ano ba yung dede mong silicon nakaka asar." Pang uuyam nito sa kaibigan niya.
"Oh kakausapin ko muna si Mama, dinahilan ko kasi kanina na dito ako natulog." Nadulas siya dito kaya nag iba ang tingin ng kaibigan niya mukhang nakikiosyoso. ”Hoy kanino ka nakitulog ha!? Saan ka galing ha? May boylet kanaba kaya ka tumatanggi sa spanish Spermcell?" Tanong ng kaibigan nito.
"Spanish spermcell? Gagu kaba ano ‘yan spanish sardines. Nakitulog lang ako kay Boss kasi umuulan tiyaka nilagnat ako kagabe ayaw niya akong paalisin." Diretsong sinabi nito at pinakita ang note at gamot. "AH!! PUBERTY BA ANG TAWAG DITO O MENOPAUSE!?" Pang aasar ng kaibigan nito. "Baliw ‘yun ang anak ni Ma'am Cervantes, kabaliktaran ng ate niyang bruha. Sobrang bait bakla solid, nilibre panga kami sa labas ni Mama tapos pinag tanggol pa sa kapatid niyang gaga, tapos alam mo ba pinahiram niya pa yung camera saakin tapos basta ang bait! Alam mo bang tuwang tuwa siya nong nag edit ako sa 3D Graphics!" Masayang pag kukwento nito.
"Crush mo ba siya??" Tanong ni Marie dito. Todo iling ang babae dito. "Hindi baliw twenty nine lang ‘yun ang bata pa." Sinabi nito. "Wow ikaw nga mukha kang bata namay wrinkles! Duh three years lang ang agwat mo dito parang cinderella lang ha manang tapos prince charming!" Kilig na kilig na nag iimagine ang kaibigan niya, hinatak niya ito at lumabas na sila ng bahay. "Tigilan mo ako sa Cinderella nayan! Hindi ako ‘yun!" Sinabi nito at sumakay na sa kotse ng kaibigan.
"Ako na mag dadrive!" Saad ni Althea dito, "Ano bayan! Grabe ka mag drive ha mag ingat ka kasama mo ako." Mas babae pa mag drive ang kaibigan niyang si Marie. Dahil si Althea kaskasera mag maneho. Narating nila ang classroom at doon inaantay ang kaisa isang prof nila. "Puta hindi nayata darating si Tanda!" Sigaw ng mga klase nito. "Tara na hoy! Uwi na!" Pag aya ng mga kasama nito.
"Nasayang ‘yung time natin dito! Halika sama ako sa mansyon ako mag papaalam kay Tita!" Hinatak na siyang kaibigan, "Hoy iaabsent tayo non parang hindi niyo kilala si Ma'am!" Pag pigil niya sa mga kasama lalo kay Marie. Lalo siyang hinatak nito, "Sa bahay ni pogi? Tara gusto ko siyang makita hoy!" Sinabi nito sa kaibigan niya at binilisan mag maneho ni Marie.
Narating nila ang bahay at nag park sila sa likod. "Tita Antonia!” Parang mag tropa ang ina niya at si marie. "Tita ipag papaalam ko sana si Althea na matulog saamin tonight dahil sa research work." Panimula ng kaibigan nito. "Aba diba mag kasama na kayo hindi pa ba natapos?" Tanong ng ina nito. Sumenyas naman si Althea sakaniya. "Ah hindi pa tita, promise babantayan ko naman siya may kadena po sa bahay incase na mag wala ang anak niyo tita." Nag tawanan pa ang dalawa at mukhang pinag tulungan si Althea
Nakasilip mula sa second floor si Noah sa likuran, mula sa kwarto niya nakikita niya ang lagusan papunta sa kwarto ng Maid's room. Nakita din niya ang kasama nito at pinanunuod si Althea. "Alam mo bwisit ka! Pinag tutulungan niyo pa ako ni mama." Saad ni Althea at hinampas ng tabo ang kaibigan.
"Mag lilinis lang ako ha! Diyan kalang bakla huwag kang magulo. May daily routine ako sa kwarto ni Sir ha! Marami akong nililinis don okay!?" Saad ni Althea, nakatunganga lang ang kaibigan niya at mukhang nakakita ng multo. "Okay kalang bakla? Aakyat na ako!" Pag harap niya dito ay naumpog siya sa dibdib ng lalaki na nakatayo.
"Ay Sir sorry!" Sinabi niya dito. Hinawakan nito ang noo niya at kinapa ang leeg. "Hindi ka uminom ng gamot kasi mainit kapadin." Galit na sinabi nito. Napakagat labi si Marie at nag pipigil ng kilig habang pinanunuod ang kaibigan niya at ang boss nito. "Ay oo sir nakalimutan ko po. Sorry po." Sinabi ni Althea at nag bow dito.
"Nako Sir Noah may ginawa po bang kalokohan ang anak ko?" Tanong ng ina niyang nag madali pang lumapit at may hawak na basahan. "Ah may lagnat po kasi siya kagabe, kaya binatayan ko mag damag kaso hindi po sumunod sa tamang dosage ng gamot." Sinabi ng lalaki at natunganga ang nanay. "Saan kaba natulog?" Tanong ng Ina niya na nakataas ang kilay sakaniya.
"Sa kwarto kopo, don't worry no touch. " sinabi nito at nilayasan sila ng lalaki bago pa umalis ay umirap kay Althea na mukhang galit. Naramdaman ni Althea ang sabunot ng ina, "Gaga ka bakit doon ka natulog! Huwag kang mag kakamali na lumandi sakaniya mapapalayas tayo dito Althea!" Sinabi ng ina. At kinurot si Marie sa tagiliran. "Mama naman binantayan lang ako in love agad?" Pag sagot niya pa dito
"Bumalik kana nga sa trabaho bago kayo umalis ni Marie, Marie doon ka muna sa kwarto! ‘Yung kutis mo masisira sa araw." Saad ng ina nito. Tumakbo naman ang dalaga papaakyat sa kwarto nito at ayon nag lilinis habang ang lalaki naka headset at nag babasa ng libro.
"Sir!" Tawag niya dito. "What? Hard headed Old lady" diretsong sinabi sakaniya, sumimangot si Althea at tumalikod nalang. "Tangina sakit nung old lady." Bulong ni Althea habang nag lilinis sa loob ng CR nito. "Hey!" Narinig niya ang bulyaw nito at nadulas si Althea dahil napapalibutan ng Domex ang buong tiles. Nasapo siya ng lalaki at mabuti nalang ay nahawakan niya ang Ulo ni Noah at hindi tumama sa Tiles.
"Sir okay lang? Namutla ka!? Sir!? Huy, hawak ko ang ulo mo hindi ka nabagok buhay kapa huy gising!" Kinakausap niya ito dahil nakapikit lang ito at hindi gumagalaw. "Buhay ka hindi ka nasaktan" mahinang sinabi ni Althea, tinukod niya ang kamay niya kaya ang buto niya dito ang tumama sa matigas na tiles. Bumangon siya at inalalayan ang lalaki. "I'm sorry nagulat kita nashock lang din ako." Humarap ang lalaki at kinapa ang ulo habang tinitignan kung may sugat ang ulo niya.
"Okay ka lang Sir? Labas ka muna mabaho ‘yung domex. " sinabi ni Althea. Parang robot naman na sumunod ang lalaki sakaniya at lumabas ng banyo. Tinignan ni Althea ang kamay at nakita niyang namula ang Right hand niya at medyo makirot ito kya ginamit niya ang left hand para isisihin ang banyo nito. "Hey!" Sigaw ulit ng lalaki at nagulat siya. Hinatak siya nito papalabas ng kwarto. "Bakit ikaw pala ang nag lilinis hindi ka pwede may lagnat ka!" Singhal nito sakaniya. "Sir naman trabaho ko po ito." Sinabi niya at inupo nanaman siya ng sapilitan sa sofa.
"Wait your hand" hinawakan nito ang kamay niya at hinilot ng dahan dahan. Nararamdaman niya ang init ng palad nito. Sakop na sakop nito ang buong kamay niya, lalong nakakapa ni Noah ang kamay nitong magaspang at may kalyo. Napangiti siya dahil walang arte ang babae, kung iba lang ito mag iinarte na kapag tinubuan ng kalyo sa kamay pero ito halos yata ng palad nito ay nababalot ng kalyo.
Pag tingin niya dito ay nakatingin din ito sakaniya. "You have a rough hands. Bakit hindi ka mag pa spa?" Saad ng lalaki habang hinihilot siya. "Ay huwag Sir proteksyon ko yan. Kapag inalis ko yan masasaktan nanaman ako bago mag karoon ng ganiyang kalyo pang proteka sa kamay ko." Diretsong sinabi nito.
"Hugot ba ‘yan?" Tanong ng lalaki saknaiya at natawa pa. "Pupwede ding hugot sir." Mahinang sinabi nito. "I said call me Noah kapag tayo lang." seryosong sinabi nito sakniya. "Ayaw ko po sir. Boss ko parin kayo sir." Sinabi nito. "I said no, ako ang boss diba? Ako ang masusunod" seryoso ulit ito at nakakunot ang kilay.
"Sir is better." Sinabi. Ulit ni Althea, napadilat ang mga chinita niyang mata ng itulak siya nito papasandal sa sofa. Na aamoy na niya ang mababangong hininga nito at unti unting nag lapat ang labi nila. Parang sasabog ang puso ni Althea ng maramdaman niya ang first kiss niya. Sa thirty two years niyang namamalagi sa mundo ngayon lang niya na experience ang mahalikan sa labi.
"But your lips, they're soft." Mahinang bulong ng lalaki at tumalikod sakaniya, nakatulala si Althea sa Sofa, samantalang ang lalaki na umupo sa tapat ng computer at nag headset.
"Kiss yon? Seryoso? Hinalikan niya ako? Si Sir? Ano yon trip? Puta hindi pwede? My god!" Mga salitang umiikot sa ulo niya. Napabalikwas siya sa kinauupuan at tumakbo papalabas ng kwarto nito. Nag madali siyang mag empake ng damit para sa overnight nila ni Marie. "Hoy one day kalang matutulog saamin bakit lahat yata hinakot mo?" Pag tataka ng kaibigan nito. "Ay-ayoko na bumalik wala akong mukhang ihaharap" pang tanga na naiiyak si Althea habang inaayos ang damit.
"Hoy okay kalang?" Hinawakan siya mag kabilang balikat ni Marie. "Hinalikan niya ako." Mahinang sinabi nito. Halos mag wala sa sobrang kilig ang kaibigan niya at nag pipigil tumili ng malakas, HINATAK na niya ang kaibigan niya bago pa ito mag ingay. Si Marie ulit ang nag drive dahil baka mabunggo sila sa kaibigan niyang tulala at hawak padin ang bibig,
"Puta ganiyan ba ang virgin? Puberty ba o Menopause? Mamili ka nga?" Tanong ng kaibigan niya. "Masarap ba sis? Ano french kiss ba? Palitan ng dila?" Malanding tanong nito. Nakatulala padin siya. "Hindi gago, basta dampi lang. hindi ko alam ang lakas ng puso ko nakakabingi. Hindi ko alam kung sakaniya yon o sakin!" Saad nito at nag takip ng mukha.
"April 1, April Fools day!" Tili ng kaibigan niya sakaniya at ayon tuwang tuwa sakaniya. Hanggang sa marating nila ang bahay nito tunganga lang ito. May mga times na nag tatype ito pero puro typo. "Anong ibig sabihin non bakit niya ako hinalikan?" Tanong nito. "Huwag ka munang umasa, pintigan mo muna, sa pag ibig sis huwag ka munang mag bigay ng 100% dapat pakonti konti tantsa muna, ano kaba ikaw nga nag bibigay payo saamin sa school tapos hindi mo ma apply? Dibale hindi mo pa kasi na eexperience. Iba kasi ang love life sa Fictional Books sa real life." Diretsong sinabi ng kaibigan nito.
"Pero nakakahiyang tumingin sakaniya, ayoko din namang bigyan ng meaning pero Sis naman nakakahiya araw araw labas pasok ako sa kwarto niya para mag linis puta naman! Gusto kona gumraduate at mag katrabaho! Gusto kona lumayas sa bahay nila" pag mamaktol nito.
"Ano ba mag aral na tayo! Halik lang ‘yan no big deal hindi naman Virginity mo ang sinuko mo masyado lang pabebe!" Sinapok ni Marie ang kaibigan at sinimulan nilang mag trabaho para sa research work. Huling research work na ito dahil ngayon April ang graduation day nila. Nakaka loko man kasi may pahabol pang ipapasa at irereport dito sa matandang prof nila na laging absent.
Buong mag damag gising si Noah at naka tulala lang sa binata at inaabangang lumabas si Althea sa Maids room. "Dude, you’re not a first timer don't act like a virgin s**t! You kissed plenty of girls. Pero bakit hindi pa siya bumabalik at lumalabas." Pag mamaktol ng lalaki. "I just kissed her, ah her first time I remember. Pero kiss lang naman ano bang ikinakabother ko? In USA Kiss is just a greeting hindi naman porke hinalikan mo gusto mo o mahal mo? Tang ina ano bang iniisip ko?" Nakatunganga padin ang lalaki sa bintana.
Sumaktong tumutugtog sa spotify niya ang Blue sky kaya mas lalo siyang napaisip. Hinawakan niya ang labi at ngumiti. "Soft lips Althea." Kinapa din niya ang ulo niya dahil sumasagi sa isip niya ang pag bagsak kanina mabuti at nakaharang ang kamay ni Althea.
Nakarinig siya ng ilang katok sa pinto. "Wait" saad nito, pag bukas niya ng pinto niluwa non ang ina niya. "Kamusta anak ko, mula umuwi ka hindi kita nakakusap." Pinapasok niya ang ina at pinaupo. Bumalik siya sa pwesto niya at sumandal sa pader nito. "I'm good mom." Mahinang sagot nito. "How about your head? Wala nabang masakit?" Tanong nito sakaniya. "Oo naman. Don't worry about me ilang taon kong kasama ang sakit na ito kaya, kayang kaya kong lampasan." Sinabi nito kahit tunganga padin sa bintana,
"Ano bang tinitignan mo diyan?" Tanong ng ina at sumulip din. "Napapansin kong nagiging kaclose mona ang Anak ni Manang Antonia ha? Huwag kang mag kakamaling pumatol sa katulong." Diretsong sinabi nito, napangiti lang si Noah sa sinabi ng ina niya kahit kailan mapang alipusta ang ina niya. "Kailan mo balak dalawin si Amanda? Ang tagal ka niyang inaantay Noah." Bungad ulit ng ina nito.
"Not now, dipende sa mood ko. Matulog kana Ma madaling araw na." Sinabi nito sa ina at hinatak papalabas ng kwarto niya. "Son, concern lang ako. I know you kahit hindi kita nakasama ng ilang taon. Kapag may natitipuhan ka hindi mo tinitigilan." Saad nito sakaniya. "Mama naman matutulog na ako." Sinaraduhan niya ng pinto ang ina at humiga sa kama.
Totoo naman ang sinasabi nito, totoong hindi niya tinitigilan kapag may nagugustohan siyang babae. Lalong kapag magaan ang loob niya dito.