I stretched my neck, ng maramdaman ko yung pangangalay, dahil sa kakaantay ni Allea. Wala pa naman sandalan yung bench dito.
Ewan ko talaga, naiinip talaga ako sa tuwing pinag-aantay ako. Madami pa naman studyante ngayon dahil malapit na mag-lunch. Lahat naman dito tumatambay, sobrang sarap naman talaga ng pagkain dito sa cafeteria. Sino kaya yung chef dito sa school? I'll gonna hire him sa house.
Binuklat ko yung libro para magbasa na ulit. Habang nagbabasa, ramdam ko na rin na unti-unti nang nagpupuntahan lahat ng studyante dito. Grabe, ang tagal naman ni Allea. Ano ba kasing ginagawa nun at bakit ang tagal?
Nabigla na lang ako nang biglang may tumabi sa akin. Huminto ako sa pagbabasa at tinignan ko kung sino.
"What?" tanong ni Evo sa akin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka.
"What are you doing here?" tanong ko nang may taas-kilay kay Evo.
"Sitting?" he sarcastically asked.
Duh! Obvious naman talaga yung tanong ko diba? Ang ibig ko lang naman sabihin, bakit siya nakaupo dito? Kaya nilibot ko yung paningin ko sa loob ng cafeteria, kaya pala dito nakikiupo kasi halos puno na ang lahat ng table.
Napatingin ako sa kanya when I hear his deep sigh. Walang expression sa mukha niya na para bang mayroong iniisip.
"Oh, what's your problem ba?" tanong ko na nakataas ang kilay.
Concern naman talaga ako sa kanya kahit papaano, magkaibigan pa rin naman kami dati. Dati 'yun, nung hindi pa siya galit sa akin. Hindi niya lang ako sinagot.
"Hindi ka na lang ba sasagot? Ano, are you deaf?" inis na tanong ko sa kanya habang nakatitig sa akin.
"Alam mo, pwede mo naman sabihin sa akin kung anong problema mo," sabi ko ulit sa kanya habang nakatingin sa libro. Hindi naman talaga ako nagbabasa, I'm just pretending.
Dahil nga hindi naman siya sumasagot, hindi ko na lang din siya kinakausap. Kitang-kita ko pa rin naman sa peripheral vision ko na nakadungo lang siya at maraming iniisip.
"f**k this life," sambit niya habang nakatingin pa rin sa phone.
Hindi ko na lang din siya pinansin. Baka hindi rin niya ako gustong kausapin. Bakit ba kasi ang tagal ni Allea? Ilang minuto na akong naghihintay sa kanya. Tinext ko na lang siya.
Lucianna: Nasaan ka na ba? Bakit ang tagal mo?
Allea: Wait lang, okay? Ang tagal matapos ng prof. extend class. Mauna ka nang kumain.
"Hay, gutom na ako," frustrated na sambit ko habang nagta-type. Napalakas ata yung boses ko dahil nakatingin si Evo. Para kay Allea dapat talaga 'yung message na 'yun. Sinulyapan ko lang siya at binalik agad yung tingin sa phone.
"Edi kumain ka," sabi ni Evo na nakatitig sa akin.
Hindi ko rin siya pinansin, pero kitang-kita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa akin, naghihintay ata ng sagot ko. Kaya tinignan ko siya na naka-salubong ang kilay. I just stared at him pero walang anuman na salita, at binalik ko agad ang tingin ko sa phone. Bakit? Ikaw lang ba ang marunong mang-snub? Syempre, ako rin.
"That's rude," sabi niya at binalik yung tingin sa phone niya.
Rude pala, ha. Rude naman din siya kanina, ha. Hindi nga niya ako sinagot sa tanong ko sa kanya kanina.
"What was your question again?" taas kilay ko sa kanya. I tilt my head a little para tingnan siya.
"Nevermind," sagot niya.
Hindi man lang niya ako tinignan at nakatitig lang siya sa phone niya.
"You look grumpy," sambit ko sa kanya habang hawak pa rin yung libro ko. Bakit hawak ko pa rin tong libro? Hindi naman ako nagbabasa. Hindi na ako nakapag-focus sa pagbabasa kanina pagdating ni Evo.
"I hate this life," sambit niya. Mukha siyang sobrang frustrated, ginugulo pa niya yung buhok niya.
"What happened ba?" I asked.
Nakita ko sa mukha niya na hesitant siya sabihin, pero nabigla ako nang bigla siyang nagsalita.
"f**k these problems. Nag-doble-doble na," I was shocked na may problema pala siya. Akala ko wala, kasi nakikita ko naman siya palagi na chill-chill lang sa buhay niya.
"Ano ba ang nangyari kasi?" ulit na tanong ko.
"I don't know. Hindi ko na maintindihan si Kylie. Di ko nga alam kung bakit siya nagagalit sa akin. Fvck," mura niya. He really looks frustrated at ginulo niya yung buhok niya.
"Oh, girl problem?" I shrugged my head and smiled a bit. I was still staring at my book.
"I just don't know what to do with you girls." Well, he's kinda cute kapag ganyan hitsura niya.
I shook my head. Girl, my girlfriend na siya. Ano ka ba? Ano ba naman itong iniisip ko. Pero magiging husband ko din naman siya. May halong kilig at pangamba ang nararamdaman ko ngayon.
"What am I gonna do ba para magka-ayos kami?" lumingon siya sa akin.
Binaba ko yung libro at tinignan siya. Paano ko naman siya masasagot? Duh! As if alam ko kung ano ang pinag-awayan nila.
"Alam mo, kung ayaw mong sabihin kung anong pinag-awayan niyo, all I can say is suyuin mo. Ganyan naman talaga mga babae eh, kunting suyo mo lang magiging okay na," diretsong sabi ko sa kanya.
"Ganyan ka ba? Kunting suyo lang, okay na?" he teasingly asked.
"NBSB ako noh," I stared at him and rolled my eyes.
"Okay," he smirked at umalis.
Aba't, baliw din 'tong lalaki nato eh. Pagkatapos ng tanong niya, lalayasan ako? Ibang klase din. Nang-iiwan naman 'to ng kasama. Hindi ko na lang din ito pinansin.
Ilang oras na ba akong naghihintay dito? Medyo naiinip na talaga ako at sobrang gutom na kakaantay ni Allea. Inayos ko na lang yung gamit ko para sa labas na lang ako kakain. Malapit lang naman yun sa school, ayoko naman kumain dito sa cafeteria na ako lang mag-isa.
"Oh, kain ka na," alok ni Evo sa akin.
Bitbit niya ang dalawang tray ng pagkain na obviously dito lang din niya binili. Sobrang dami naman ng binili niya. Akala ko umalis na siya, bumili lang pala ng pagkain. Wow! Bumait siya ngayon. I just smiled kahit ganitong mga pangyayari lang, masaya pa rin ako dahil for the first time nagawa niya sa akin 'to.
"Bakit ang dami?" I raised a brow at tinignan yung pagkain.
Pagkatapos niyang ilapag yung pagkain, umupo siya at nagsimula na rin kumain. I was amazed sa pinakikita niya ngayon kaya hindi ako nakakain agad. I just stared at the food muna.
"Why? Aren't you gonna eat?" he raised his brows.
"Well, I just wonder kung mauubos ko ba 'tong pagkain na binili mo," pagsisinungaling ko. Pero totoo naman, I was so surprised na binilhan niya ako ng pagkain.
"Don't worry, it's on me. You should eat it all, you're so skinny," sabi niya while he was checking my body from head to toe.
"Excuse me?" I asked and raised a brow at him.
Hindi naman niya ako sinagot kaya kinain ko na lang yung pagkain na binigay niya habang si Evo nasa tabi ko pa rin, tahimik na kumakain. I just wonder kung mauubos ko ba 'to lahat kaya dinahan-dahan ko lang yung pagkain. I just do my thing nang mapansin ko na ang lahat ng studyante ay nakatitig sa amin at nagbubulongan. What's with these people? Ngayon lang ba nila nakita ang napakagandang babae habang kumakain?
Oh, shoot! I forgot na kasama ko pala si Evo. I panic, bigla kong naalala na kapag may kasama si Evo na babae, ini-issue pa naman ng mga STUPIDYANTE dito. Ultimo teacher, ini-issue nila kay Evo. Well, we can't blame them naman, lahat naman kasi ata ng studyante dito alam kung ano ang gawain ni Evo sa school.
Evo is such a famous womanizer pagdating sa mga babae dito, lahat nakukuha niya. Kapag gusto niya ng babae, ginagamitan niya talaga ng "face card," kaya nga napapa-oo agad ang babae sa kanya. Sobrang gwapo ba naman, sinong hindi makakatangi sa kanya?