Millicent's POV "Milli sure ka na pupunta siya dito?" Nag-aalalang tanong ni Cedric sa akin. Paulit-ulit din niyang tinitignan ang relo niya at nahihilo na ako sa kakaikot-ikot niya dito sa loob ng dance room. "Huwag kang mag-alala, papunta na iyon dito." "Ano ba kasing sinabi mo bakit wala pa rin si Eilia dito?" "Tinanong niya ako kanina kung nililigawan mo daw ba ako." "O anong isinagot mo?" "Pumunta siya dito pagkatapos ng klase." "Iyon lang ba ang sinabi mo?" "May iba pa ba akong dapat sabihin?" "Argh! Where are you Eilia?!" Sumandal nalang muna ako sa pader at pinagkrus ang aking mga braso saka ipinikit ang mga mata ko ngunit kahit nakapikit ako ay rinig na rinig ko pa rin si Cedric na nagmamaktol sa tagal ni Eilia. "Ano ka ba hintayin mo nalang siya. Dadating din iyon."

