MILLICENT'S POV Naaasiwa na ako kay Eilia kaya hinarap ko siya. "Bakit ba ang kulit mo? Alam mong may exam tayo mamaya? Kita mo ng mahina utak ko kaya nag-rereview ako." "Galit na galit gusto manakit? OH!" Nagsalubong ang kilay ko ng abutan niya ako ng isang bugkos ng bulaklak. "May nagpapabigay, lalaki. Ang suot ay starter pack ng mga killer sa Korean drama." Umangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Starter pack?" "Naka-all black. May sumbrero, may shades, naka-pants at t-shirt, tapos may suot ding facemask." Hindi ako makapaniwalang napatingin sa bulaklak na hawak ko ngayon. Chrysanthemum? Mukha ba akong patay? Kagat labi akong tumayo at itinapon ang bulaklak sa basurahan, hindi maganda ang kutob ko sa mga bulaklak na ito, lalong-lalo na sa misteryosong tao na nagpaabot ni

