MILLICENT'S POV Hinawakan ni Eilia ang mga kamay ko at niyakap ako. "Sure kang hindi ka sasama sa amin?" Niyakap ko naman siya pabalik at hinagod ang likuran niya. "Huwag kang mag-alala ayos lang ako. Isa pa, hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang mga kapatid ko, wala akong mukha na maihaharap sa kanila." "Bebe Gurl, wala kang kasalanan, wala kang ginawang masama. Huwag mong ibato ang sisi sa sarili mo." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Don't worry, I'm always in your side. Tutulungan din kitang malinis ang pangalan mo ulit, okay?" Ulit. Hindi magandang pakinggan iyon ah. "Salamat." "Here." Umangat ang kilay ko ng abutin niya ang kamay ko at ibigay sa akin ang cellphone niya. "That's my old phone, naaalala mo? Sa iyo na iyan. Taw

