MILLICENT'S POV Malinaw kong nakita kung papaano bumalik sa normal si Cedric, malinaw ko ring nakita kung papaanong naging abo si Washington sa harapan ko matapos siyang mabaril ni Cedric. Hindi ko alam kung anong mararadaman ko at lalong hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil ito na naman ako sa tagpo ng buhay ko na hindi na mawala-wala sa sistema ko, isinisisi ko na naman ang nangyari sa sarili ko, dahil kung gumawa ako ng paraan para hindi na sila sumama pa sa akin ay hindi mangyayari lahat ng ito. "Millicent." Narinig kong saad ni Ruxle subalit sobra-sobra ang panghihina ko ngayon, wala na akong lakas pa ng loob na lingunin siya. "Look away." Aniya at naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. "Ako ang nagdala kay Washington sa kamatayan, Ruxle." Saad ko bago mag-unahan

