MILLICENT'S POV Bumalik na sa normal ang buong pasilyo at kahit sino ay maaari ng makakilos kaya mabilis na lumapit si Ofeill kay Qatara at pilit itong ginising habang nag-uunahan ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Pinakawalan naman na ng mga guards si Pialv at Verdlu kaya nagawa na nilang lapitan si Qatara iyon nga lang nahihirapan pa ring lumakad si Verdlu dahil sa mga sugat na siyang natamo niya. "Qatara, wake up! Please!" Napatingin ako sa kamay ko na nababalot ng dugo ni Qatara maging ang name plate ko ay nababalot na ng dugo, nabinyagan na agad ang name plate ko. Bumuntong hininga ako. Tapos na ang kailangan kong gawin dito. "Saan ka pupunta?" Tumigil ako sa paglalakad ng sa isang iglap ay nasa harapan ko na si Ofeill na parang batang ngumangawa. "Sa kadiliman, sasama ka?"

