MILLICENT'S POV Pinigilan ko ang pangingilid ng luha ko nang makita ko ang kalagayan ng mga kaibigan, paano nga bang umabot kami sa ganitong sitwasyon? Si Eilia na anumang oras ay mapuputulan ng katawan dahil sa malaki at makapal na blade na malapit na sa kanya. Si Qatara na anumang oras ay maaaring mahulog sa kumukulong tubig. Si Lelzie na nakahiga sa isang kama at tulog ngunit alam ko namang minamanipula nila ngayon ang isip niya upang bangungutin siya. Si Verdlu na may kung anong aparatong nakakabit sa ulo na hindi ko maunawaan kung ano subalit alam ko g matinding takot ang dala niyon sa kanya. Si Uztaki may nakakabit na malalaking headphones sa tainga niya, may hindi siya kaaya-ayang naririnig doon kaya siguro panay ang hagulgol niya at si Cedric na nakakulong sa isang malaking babasa

